YOUR ANNOYING BULLY ( SERIES...

Da christilita

115K 8.7K 1.6K

"Kahit kainisan mo pa ako, sa akin at sakin kalang mapupunta" Hindi mawala sa utak ng binata ang bawat sinabi... Altro

PAALALA SA MGA MAGBABASA
MAIN CHARACTERS
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
KABANATA 141
KABANATA 142
KABANATA 143
KABANATA 144
KABANATA 145
KABANATA 146
KABANATA 147
Kabanata 148
Kabanata 149
KABANATA 150
KABANATA 151
KABANATA 152
KABANATA 153
KABANATA 154
KABANATA 155
KABANATA 156
KABANATA 157
KABANATA 158
KABANATA 159
KABANATA 160
KABANATA 161
KABANATA 162
KABANATA 163

KABANATA 59

626 64 14
Da christilita

Kabanata 59

________________

JEAU P.O.V.

"Saang room? Sa library ba--" naputol ang sasabihin ni Calvin na naunang paakyat sa may hagdanan. Narinig niya ang boses ni lola sa labas, pati rin kami ay napahinto.

"Hija? Hindi ka isinabay ni Jeau pauwi?"

"Hindi na may ginawa lang ako sa classroom, pupunta pa ako sa Infinity mamaya kung pwede" Ani ni pangit at tulala lang ako sa may pintuan ng pagbuksan sila ng pinto ng mga kasambahay namin!. Nakatayo lang ako at kagaya ng mga kasama ko ay tulala rin sila sa nakita nila, naguguluhan at may pagtataka sa mukha kung bakit nandito si pangit sa pamamahay ng mga Martinez! Ang nag-iisang ultimong kaaway ko sa Laurente ay nasa bahay ko tumutuloy!.

Napatingin naman sa amin si lola Wa na may pagtataka pero nawala rin yon at napalitan ng ngiti.

"Mga hijo!" Asik niya na lumapit sa may hagdanan kung saan nakatayo lang kami. Matagal bago nakakilos ang mga kaibigan ko para yakapin si lola. " Hindi niyo naman pinaalam na dito pala kayo ngayong gabi!. Ah! Ito nga pala si Lei." Aniya at tamad na lumapit sa amin si pangit.
"Siya ang tutor ni Jeau-"

"Lola wa!" putol na sigaw ko! Ayokong malaman nila yon! Labag sa kaluoban ko ang may tutor! Pero huli na ang lahat rinig na rinig na talaga nila, napatulala sina Calvin na walang reaksyon. Abay atay naman!.

"Abay nakalimutan mo ata na sabay kayo ni Lei?" Nakataas kilay na sa pa niya, napanguso nalang ako sa hiya at napakamot sa ulo.

"Mauna napo ako sa inyo." Hirit pa ni pangit kay lola!.

"Ha? Hindi kapa nakapagpalit ng damit? Kakauwi mo lang dito sa bahay?." Nag-aalala at naninigurong usal ni lola dito na ayaw pang paalisin.

"Ayos lang may damit ako na extra sa bag. Sa club lang ako magpapalit." Aniya at tango nalang nilang pag-alis na animoy hindi man lang kami nakita ng mga kasamahan ko!.

Nang makaalis na nga si pangit ay mabilis ang mga pangyayari! Parang sinadya ng panahon na pabilisin ang takbo ng oras. Nang matapos na kaming kumain ay nagpahinga muna kami ng ilang minuto at usap-usap muna sa hapag kainan at si lola ang naunang magsalita.

"Alam niyo mga hijo..ramdam ko ang pagtataka sa mga mukha niyo may itatanong ba kayo?" Inosente na may matandang boses ni lola at nakadikwatrong nakaupo matapos makainom ng tubig.

Sabay talaga kaming lahat napatingin kay Kurt ng iangat niya ang kanang kamay at malapad na napangisi! Ito na naman to! Parang may masamang binabalak!.

"Hijo may itatanong kaba?" Nakangiting usal ni lola na para naman akong kinabahan, teka! Kinakabahan lang ako kung ano ang reaksyon nila ng malaman na tutor ko si pangit tas sa campus ay kaaway ko siya! Pero hindi naman kami as in na kaaway kami ngayon.

"Of course lola Wa! Marami akong tanong! Ahmmhahaha simulan natin sa letrang B!" Asik ni Kurt na napatingin sa akin. " Bakit po nandito si Lei sa bahay niyo tama ba yung nasabi niyo kanina?" Diretsang aniya!

"Kilala mo siya hijo?" Masayang usal ni lola na naaaliw kay Kurt at nagsenyas ng ok si Kurt bago sumagot!.

"O yes!! Grandlola Wa!" Anito at napailing nalang sina Calvin sa kanya.

"Walang estudyante sa Laurente ang hindi makakakilala kay Lei! Biktima yon sa bully eh!" Asik nito at ngumiti sakin ng kabaliwan bago bumulong kay lola since malapit lang naman ang kanilang upuan!. Ay trahidor talaga ang gago! Kung pwede lang ipasuka ko sa kanya lahat ng nilibre ko noon gagawin ko!. Ano na naman kaya ang pinagsasabi nito!.

Kunot noo akong napainom ng tubig ng magsimula na siya sa tanong niya.Iwan lang pero yon ang pakiramdam ko, alam kung may nag-iba. Napapansin ko na hindi na ako ganon kainis ni pangit, minsan naiinis ako pero nawawala naman bigla! Hindi kagaya nung dati na kahit sa pagtulog ay siya ang impyerno ko! Ay basta! Paki ko don sa pangit na yon!. Ang importante ay nahihiya akong malaman nina Stanly ang katutuhanan! Damn wit!!.

Natawa naman si lola kay Kurt at napasulyap si lola sakin!

"Totoo ba Jeau?" Tanong ni lola sakin.

"Ay GG kana pre." Natatawang sabi ni Stanly sakin.

"Ano? Unfriend na natin si Kurt?" Mahinang tipid na sabi ni Calvin.

Napatingin muna ako kay Lindon na walang pakialam sa usapan namin. Napailing nalang ako. "Anong sasabihin ko?" Tulalang sabi ko.


"Maraming nagbubully kay Lei sa Campus?" Napasulyap sakin si Lindon at nakatingin na parang nagsasabi na 'sa ngayon magpakatotoo kana'.


"Hmmp!." Reklamo ko at natawa nalang sila sakin, ayoko paring aminin no! Bala kayo jan!. " Wala naman akong ginawang masama sa kanya ngayon ah! Bat niyo ako pinagbibintangan!" Bulalas ko at napailing nalang si Lindon.

"Tinatanong kalang naman Jeau, walang nambibintang." Mahinang aniya na ikinatigil ko. Oo nga no!?. Bakit ako apektado sa babaeng yon!.

"K-kaya nga! Wala nga!"

"Dapat lang na walang mangingialam kay Lei." Sabi ni lola napakinig sina Stanly sa kanya na masyadong interesado kay Lei mula pa noon, siya lang naman ang laging nag-uungkat sakin tungkol sa pagiging misteryuso sa buhay ni pangit.

"Anong ibig niyo pong sabihin?" Takang tanong ko.

"Kilala niyo naman siguro si  Iprahiam."

"O sino na naman yan la?" Bulalas na tanong ko. Bumuntong hininga siya sa amin ng mabatid niyang wala ngang nakakakilala nito.

"Ano!?" Hindi makapaniwalang reaksyon niya sa amin! Pambira ang hahaba na naman ang kwento ni lola at baka kay Lindon nalang kami mamaya kakapit sa activities. Nakakaantok pa namang magkwento si lola!.

"E sino ba yan la?" Nababagot na tanong ni Calvin.

"Bakit di niyo yan kilala? Nag-aral kayo ng ilang taon sa Laurente pero di niyo siya nakikilala? O nakita man lang doon!? Pambihirang mga bata kayo!" Asik nito at pinaypayan ng isa sa mga katulong namin na nasa likuran niya.

"Uyy! Lola Wa ayos kalang!?" Napatayo ako sa pag-aalala. Eh ang drama ba naman ngayon! May pa inom-inom pa ng tubig dahil lang hindi namin kilala yang si Iprahiam.

"Ex niyo?" Napakamot na usal ni Stanly, minsan gusto ko ring bigwasan ang lalaki nato! Masyadong baliw. Napatawa ng malakas si lola, sa tawa niya parang mahuhulog na ang pustiso niya na hindi pa nadidikitan ng pangdikit.

"Hindi ko siya Ex mga hijo..siya ang may-ari ng Laurente." Sagot ni lola at napatango naman si Stanly habang nakikinig.

"Ano namang koneksyon ni Iprahiam sa kwento niyo la?" Nababagot na tanong ko, gusto ko lang talaga matapos na kami sa activity namin ngayon! Dahil balak ko pang tawagan si Monica! Gusto ko siyang kamustahin at kausapin! Nag-aalala rin ako sa kanya lalo na kanina!.

"Siya si Iprahiam Laurente." Ani ni lola na parang may malaki talagang respeto sa nasabi niyang pangalan.

"Await! Bakit parang pamilyar? Parang narinig ko na to sa may simbahan eh. Parang nagdodonate ng pera para tulongan ang simbahan namin sa amin." Giit pa ni Kurt.

"Ang koneksyon nito sa kwento natin ngayon ay siya lang naman ang lolo ni Lei." Aniya na muntikan na akong mabingi! Kahit sina Kurt, Stanly at Calvin ay may gulo sa kanilang mukha, maliban nalang kay Kurt na parang alam na alam talaga ang buhay ni pangit.

"A-ano po la!!? Isang Laurente si Lei?" Hindi makapaniwalang tanong ko! Hindi ko yon inaasahan! Parang nawala ata ang antok at pagkabagot ko ngayon!. "Eh paano yon!? Yung lolo na nakikita namin kanina sa canteen..eh gusgusin at nagtitinda pa ng noodles at softdrinks sa may gilid."

"Hindi kayo makapaniwala no? Simple lang naman ang gusto ni Iprahiam, gusto niyang magtinda at pakainin kung sino mang estudyante ang nagugutom..pero sa nangyayari ay walang lumalapit sa tindahan niya..iba ang naging reyalidad sa naiisip niya." Sagot ni lola. Seryuso lang kaming napakinig sa kanya.

Aaminin ko na interesado ako sa buhay ni pangit lalo na ngayon sa nalalaman namin. Sino ba kasi siya! Ano siya!.

"Po? Paano yon? Paano nahahandle ng lolo ni Lei ang school eh maghapon siyang nagtitinda sa canteen!?" Hindi makapaniwala na ani ni Stanly.

"Ang Dean. Siya ang pinagkatiwalaan ni Iprahiam." Diretsahang sagot pa ni lola. "Ka-batch ko si Iprahiam noon at siya ang pinakamatulongin na tao na nakilala ko. Magkasundo kami sa lahat basta lang sa ikakabubuti ng paaralan."

Parang di parin ako kumbensido at makapaniwala sa narinig at nalalaman ko ngayon! Gusto kong magtanong pero wala akong ideya kung ano ang maitatanong ko! Paano nangyari yon? Yung lahat ng yon?. Apo siya? Kung ganon bakit mag-isa lang siyang naninirahan sa may inuupahan niya? Eh bakit di alam ng mga taga-Laurente na siya ang apo? Bakit di nila pinaalam? Para ano? Na pathrilling lang yong ranggo at buhay niya sa Laurente?.

"Eh..la..si pangit..bakit nandito pa siya?." Naitanong ko nalang rin. Parang wala nga ako sa isipan ko ng magtanong ako dahil kahit ako ay hindi ko naiintindihan ang tanong ko.

"Mahabang kwento..tsaka hahayaan nalang natin si Lei kung ano ang gusto niya." Sagot ni lola. "Si Lei..dito siya nakatira, mag-iisang buwan na." Ungkat ni lola, napatingin naman sa akin ang mga kaibigan ko.

"Hindi mo sinabi sa amin pre! Matagal na pala?" Reaksyon ni Kurt.

"At para saan naman?" Kunot noong sabat ko. Talaga bang pagiging tutor lang ang pinunta ni Lei dito sa amin? Ang daming tanong ko at sa kanya lang ako makakarinug ng tamang sagot. Hindi naman big deal to sa akin pero parang may nagtutulak talaga sa sarili ko na klaruhin ang lahat-lahat! Ayoko sa mga taong may tinatago!.

Nagsimula na nga kami sa ginawa namin, sa may library room kami nagsama-sama at siguro doon nalang matutulog!

"Matagal-tagal na rin nating hindi nagawa to mga pre! Diba Lindon!" Asik ni Kurt sabay sapak niya nito ng mahabang unan sa taong nagbabasa ng seryuso sa libro na ang eyeglasses pa ay lumipad sa may sahig.

Namilog ang mga mata namin sa ginawa niya, hindi pa naman ganon ka good ang mood sa amin ni Lindon tas ginaganyan niya na. Agad kong kinuha ang unan na nahulog sa may paanan ni Lindon at napipilitan na ngumiti.

"A-ahh nasaniban ata si Kurt..balik kaya natin sa kumbento to." Mahinang usal ko kay Lindon na ngayon ay seryusong titig lang ang binigay sakin. Napalunok akong napatingin kay Kurt na nakatayo lang sa may kama at si Stanly na nakaupo lang sa may study table, kahit si Calvin ay napailing nalang sa tabi ni Lindon.

"Talaga?" Diin at seryusong sagot pa talaga ni Lindon!

"H-ha?" Walang ideya na sabi ko "Ah hahaha oo--" napatalsik rin ang laway ko ng bigla niya akong hampasin ng unan na hawak ko napaupo ako sa sahig at nag-iba ang paligid. Biglang tumayo si Lindon sa harapan ko tas inabot ang kamay niya mula sa akin..na nakangiti.

"Tayo na pre para kang tanga." Aniya na ikinakunot noo ko! Nagsigawan sa tawa sina Kurt at Stanly na pumalakpak pa. Inabot ko ang kamay niya pero natatawa nalang itong binatawan ako ng makakapit ako!. Abay anong trip ng gago!.

"Ayyieeeut friends na oh!" Banat ni Kurt

"Celebrate na to!" Asik ni Stanly

"Mag-cecelbrate sa activity." Ngisi na sabi ni Calvin. Ngumiti nalang ako at sinapak si Lindon dahilan para matumba siya sa kama at pinagtutulongan namin siya pinaghahampas ng unan hanggang sa naghahampasan na kaming lima!.

"Wooh! Mga busit kayo! Nauuhaw ako! Kuha lang ako ng tubig!" Asik ko at bumangon sa kama, napagod ata ako at panay hagod ko sa dibdib sa kakahingal sa kakahampas sa kanila! Si Kurt talaga ang pinaghahampas ko ng sobra! Sa pagiging maiingay niya ba naman ay kahit kadiliman mo isasambit niya na!.

"Alis! Kuha ka don ng tubig!" Natatawang usal ni Stanly.

"Yung malamig." Saad pa ni Calvin

"Mga demanding! Kung kayo nalang kaya mga gago!" Reklamo ko at hinatid pa ako ni Kurt sa tapat ng pintuan!
"Ano! Bitawan niyo nga ako!"

"Ayssh! Go go go na! Yung direksyon Jeau lumiko ng pakanan ta bumaba ng hagdanan tas straight kalang at sa kaliwa na naman--"

"Ay shit! Alam ko!" Asik ko at natatawa lang ang gago at mabilis na akong pinagsarhan ng pintuan. Hindi na ako nakipagreklamo at napailing nalang naglalakad papunta sa kusina.

Pababa palang ako ng hagdanan ng magakasabay kami ni pangit!, pababa ako at paakyat siya. Napaangat ang mukha niya na ikinakunot ng noo ko, amoy alak siya. Anong nangyari sa kanya!?.

Gulat at di makapaniwala akong lampasan niya lang ako!
"Abay lumalakas na naman ang spirito mo pangit para lampasan ako!" Reklamo ko na marahas na hinawakan ang braso niya nang siya namang ikinalingon niya sakin at mabilis na hinuli ang kamay ko na akmang babalian. Namimilipit ako sa sakit na agad niya rin namang bintawan.

"Ang sama mo!!" Asik ko at hindi siya nagsalita pa, ano pa ba ang maaasahan ko sa kanya!!?.

"Kinakausap mo ata ang sarili mo." Aniya na nakatingin lang sa akin, napaayos ako sa pagtayo ng maintindihan ko na ang sinabi niya. Aakyat pa sana siya ng harangan ko pa!
" Abay nakakalimutan mo ata na si Jeau Laurent Martinez ang kaharap mo na di pwedeng lalampasan lang!" Bulalas ko ng biglaan niya akong tinalikuran.

"Hoy! Bakit mo ako tinatalikuran!" Reklamo ko pa ng magsalita siya na hindi nakatingin sa akin.

"Kung hindi pwede lalampasan, tatalikuran nalang." Walang kwenta na aniya, ito na naman ang kahambugan niya! Napasunod ako sa pagbaba niya sa hagdanan hanggang sa mapunta kami sa kusina, tulad ng pagkikita namin noon ay madilim narin ang paligid. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa may kusina namin.

"Sinusundan mo ba ako." Mahina at tipid na aniya. Na kumuha ng tubig sa ref.

"Ikaw!? Nagpapatawa kaba!" Asik ko

"Mukha bang nakakatawa?" Giit niya pa.

"Ha! Kapal! Mo rin! Kukuha rin ako ng tubig kaya bumaba ako!" Malakas na bulalas ko sa kanya kapal rin ng apog nito palagi.

"Ahh." Reaksyon niya nalang sa nasabi ko!. Kahit reaksyon niya lang ay nakakainis na!.
Hinablot ko ang upuan sa may lamesa para upuan at ganon rin siya, gaya-gaya.

"Anong nalaman mo?" Tipid na aniya pero seryuso ang pagkakasabi niya.

"Ha?" Nasabi ko nalang. Bakit puro Ha nalang ang nasasabi ko sa tuwing diko maiintindihan sila ngayon. Itinabi niya ang baso bago ako tignan muli.

"Wala ka pang nalalaman?" Aniya na napailing sa huli ng hindi ako makasagot. " Kung wala pa, hintayin nalang natin ang mangyayari." Malalim na kahulugan niya, hindi ko maintindihan kung ano pa ang hindi ko maintindihan puro buhay niya lang ang nalalaman ko! Simula dumating siya sa buhay ko!

"Sino kaba?." Diretsahang giit ko pero umiwas lang siya ng tingin sa akin. "Hindi ka rin sumagot sa tanong ko pareho lang tayo." Dagdag ko at tumayo para kumuha na ng tubig sa ref, pampadilig lang sa apat na ugok na halaman sa itaas.

"Kalma kalang tao lang to." Sagot niya bigla at napapikit nalang ako inis, gusto ko talagang malaman kung sino siya dahil yon ang tanging bumabara sa utak ko tas sasagot lang siya ng napakawalang kwenta!.

Pagalit at pabagsak akong umupo pabalik at doon ko siya tinanong.

"Ang dami mong sekreto! Sino kaba talaga!" Asik ko na hindi man lang siya sumagot.

"Charles Leane Lei Alfonsi lang."

"Lang? Alfonsi lang?" Kunot noong asik ko.

"Bakit gusto mo ng gawing Martinez lastname ko?" Nakangising aniya na ikinatigil ko, parang sumakit ang puso ko sa lakas ng tibok nito! Baliw nato!.

"Ang corny mo pangit!" Reklamo ko at uminom ng tubig.

"Kinilig ka naman." Aniya na walang pakialam lang sa sinabi niya pero itong katawan ko iba na ang ay basta! Di pwede nimal!. Sumeryuso ako sa kanya at nag-iisip ng maaring maging tanong ko sa kanya.

Alam ko na ngayon ang paraan ng pakikipag-usap niya. Kung magtatanong talaga ako sa personal na buhay niya ay iibahin niya na ang usapan.

"Apo ka raw ng may-ari ng Laurente. Totoo ba yon?" Taas kilay na tanong ko at wala parin siyang kareak-reaksyon!

"Hindi naman siguro sinungaling ang nagsabi sayo."

"Oh? Bakit ka nagtatago? Sino ka ba talaga!" Tanong ko pa at doon siya napasulyap ng buo sa akin. Doon rin nagbalik-balik ang mga sinabi niya noon sa akin sa may canteen noong unang pasok niya palang sa Laurente 'Ilang bilyon ba ang canteen niyo nato at bibilhin ko.' Yon ang palaging nagpapaalala sakin ngayon sa tuwing makikita ko na siya. Hindi lang ako makapaniwala tsaka ang hirap paniwalaan! Parang kanina recess lang na maraming nagsasabi sa lola niya na sugar daddy niya ito pero ang di lang namin alam kaharap na pala namin ang may-ari ng Laurente.

" Kung ano ang alam mo yon na rin yon Martinez." Tipid na sagot niya.

"Ano! Sabihin mo nalang na masyado kang pa special! Kailangan pa talaga malalaman namin ang kmbawat kwento mo!." Reklamo ko nalang at napangisi lang siya, ngisi na kagaya lang ng dati. Sarkastiko.

"Para mag-abang ka sa bawat kwento ko." Aniya na nakakibit balikat lang.

"Ano! Huwag mo nga akong paglalaruan! Bawat tanong ko sinasagot mo lang sa walang kwenta na paraan! Gaguhan lang!".

"Hindi naman tayo nagbahay-bahayan kaya walang laro dito nakakahiya lang umamin sa isang anak ng Senador." Sagot niya na ikinatigil ko.

"Ano?." Saad ko pa.

"Ang sabi ko nakakabagot sumagot sa taong bingi lalo na at anak pa ng mayaman hindi man lang makuhang makabili ng cotton buds." Aniya na napasigok sa kalasingan.

"Abay nagyayabang ka na naman ulit! Pinaglihi ka ata sa kayabangan!"

"Hindi. Ipinanganak ako sa buwan ng kayabangan." Napapailing na aniya.

"Ano!!? Na naman yang buwan!!". Bulalas ko na naiinip na rin. Kanina pa ako naghihintay sa mga sagot niya pero tagilid ang nangyayari ngayon!.

"April, april, abril ng kwatro lang Martinez." Napapailing na sagot niya na parang pinaglalaruan talaga akong kausap ngayon "At ikaw naman pinaglihi ka sa taong mga bingi. Buwan ng ano?" Aniya at napapatingin ako sa kanya na parang napapa-hipnotismo sa bawat salita niya.



"Octobre.." mabagal na sabi ko at doon siya napatawa na ikinagulat ko. Ito ang unang pagkakataon na napatawa ko siya! Bakit parang kakaiba sa pakiramdam.




_____________________________
VOTE, COMMENT AND FOLLOW
ME!


Later na yung iba chap. Nagtampo si Wattpad.

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...