Kabanata 38

16 2 4
                                    

Sunrise by Ben&Ben

Orasan ng Pag-ibig by Larry Miranda

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/9/9e/Buhatan_River_Eco-adventure.jpg

https://i.guim.co.uk/img/media/5e729f5d62b417218737d2d2bff58e74f22ec8ae/663_0_4649_2789/master/4649.jpg?width=1200&height=900&quality=85&auto=format&fit=crop&s=21b304d4be6d70ced117eb96cf7e81ec

https://images.squarespace-cdn.com/content/v1/5a514e95010027dee4102336/1562346378533-9R2K5K9FR3U3AIDJUHAO/BalangayAndyMaluche.jpg

***

Kabanata 38

Paglalayag ng Balangay


Marahan na umuugoy ang hinihigaan kong tulugan.

Napaginipan ko ang pamilya ko. Pinanuod ko silang natutulog nang mahimbing sa kariton. Sunod, biglang sumulpot si Gavino, nakatayo kami sa buhangin sa dalampasigan ng Zamboanga.

"I'm sorry," bulong niya, bago niya ipinikit ang kanyang mata. Natunaw siya at naging buhangin ang buong katawan niya, nasama sa daloy ng hangin na may mga ibong maya na nalipad.

Tumingala naman ako sa mga ibong maya sa madilim na mga ulap, may maririnig na putukan ng baril sa malayo, naging Warbombers ang ibon at tuluyan binagsak ang mga sumisiklab na bomba sa isang isla.

Minulat ko ang aking mata at ang una kong nakita ay kumpulan na mga duyan na gawa sa lambat ng pangingisda at sako na kumakapit sa lubid. Nasa silid ako na tulugan pero ako lang ang mag-isa.

Teka... Ang huli kong nakita'y si Eufemio...

Niligtas niya ako.

May nahahawakan ako na nakapatong sa tiyan ko at inangat ito. Natunaw ang aking puso nang makita ang salakot niya. Inamoy ko pa ang bandang ulo nito, kasing-amoy ni Eufemio, manamis-namis ang bango na may halong niyog.

Sa kanya nga talaga ito! Iniwan niya ito para malaman kong nandito siya pagkagising ko!

Hinimas ko ang aking sentido. Nahihilo pa rin ako na para bang may sumuntok sa mukha ko nang maraming beses.

Bumaba ako mula sa duyan na hinihigaan ko, nabigla ako dahil bumagsak ako sa sahig. Nanlalambot pa rin ang binti ko na tila bang ang bigat-bigat nitong igalaw. Kakahampas ko siguro ng binti ito sa tubig noong nalulunod na ko.

Pero paano ito nangyari? Nasa barko ba kami? Nandito rin ba ang mga kaibigan ko? Nasaan si Eufemio? Gusto ko malaman lahat pero itong binti ko'y hindi sumusunod sa akin!

Dahan-dahan kong inangat ang aking sarili habang nakakapit sa duyan, gumegewang ang paligid dulot ng alon. Lumangitngit ang kawayan na sahig mula sa aking mabibigat na yapak, inaalalayan ang sarili ko sa bawat duyan hanggang sa pinihit ko ang pinto pabukas sa liwanag.

Nanliit ang mata ko upang luminaw ang aking mata at makakita sa liwanag. Ang unang bumungad ay ang asul na langit na humahalik sa karagatan mula sa kagiliran.

Sunod ang binata na may binubuhat na bariles. Lumingon siya sa direksyon ko at nabagsak niya ang kanyang dala, kusang umandar ang binti niya katulad ko.

Tumakbo ako papunta kay Eufemio atsaka binalot ang aking braso sa kanya upang yakapin siya nang mahigpit, tuluyan bumagsak sa kanyang piling dahil bumigay muli ang binti ko. Iniyakap ako ng makisig niyang braso, nakabaon ang kanyang ilong sa leeg ko na tila bang inaamoy niya ito.

"Malaya ko, masaya akong makita na gising ka na muli at kayakap ko," bulong niya nang marahan. Humigpit ang yakap niya na para bang ayaw niya na kong bitawan.

Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now