Kabanata 18

13 2 4
                                    

Kabanata 18

Ang Plano


Bukas na kami aalis para sa susunod na misyon.

Naisipan namin na lubusin ang oras sa isla dahil matagal pa kaming makakabalik. Ilang araw na rin kami lumingkod sa nayon at tumulong sa kanila, lubos na kinilala ang naninirahan sa isla katulad ni Tita Edna, Manong Ben, at ang Saranggola Boys.

Iniwan si Tita Edna ng asawa niya noong nalaman na may anak sila. Umalis ang lalaki sa isla para bumuo ng bagong buhay at naiwan si Tita Edna na inaruga ang anak niya. Alam niyang hindi na babalik ito at hindi niya ito pinag-aalala dahil kaya niyang tustusan nang mag-isa ang anak niyang sanggol na si Eddie.

Walang pamilya si Manong Ben, ang naging pamilya niya lamang ay mga magsasaka na katulad niya na binuhos ang buong oras at panahon doon para may makain ang mga tao. Pinalaki siya ng magulang niya sa bukid hanggang sa namatay sila mula sa pagkatanda.

Ang Saranggola boys ay tumigil sa pag-aaral dahil wala silang plano lumabas ng isla at magtrabaho sa kabisera, mas pipiliin nilang tumulong sa tao ng nayon na tinuturing na nilang titser at ang buong isla'y eskwelahan nila.

Ang bawat tao rito'y may dinadalang kwento, may sariling buhay at mundo, may tinatakasan at pinaglalaban. Nakakalungkot man ang kwento ng iba at nakakapanghinayang pero ganyan talaga ang buhay, lahat tayo'y makakaranas na masaktan ng mundo.

Ito'y dumagdag sa aking tapang na lumaban, dinadala ko ang kanilang kwento, ang inyong kwento at boses ay nasa aking puso. Sisiguraduhin kong maririnig ito ng buong mundo.

"Sulitin natin ang oras natin dito dahil pagkabalik natin sa misyon, hindi natin alam kung makakalabas pa ba tayo nang buhay.

"Huwag ka nga magsalita nang ganyan. Mabubuhay tayo at marami tayong maiuuwing bagong kalap."

Mamimiss ko ang Anugal del Sol at ang mga tao ng nayon katulad ni Tita Edna, Manong Ben, at ang Saranggola Boys. Nakakapanghinang isipin na lalayo ako muli sa tahanan at ginhawa ng isla, lulusob muli sa peligro at labanan na walang kasiguraduhan kung makakalabas kami ng buhay o hindi pero kailangan kong manatiling positibo para sa amin.

"Ipangako natin na babalikan natin ang isla dahil tayo lang ang maaasahan nila ng pagbabago."

"Hindi natin kailangan ipangako. Sigurado na babalik tayo." Ngumiti si Eufemio.

Para ito sa inyo, sa mga tao na naghihirap at sa Anugal del Sol.

Naglakad kami sa may daan papunta ng kamalig. Pagkapasok ko sa arko, rinig ang halinghing ng mga kabayo sa kanilang pitak sa kabalyerisa.

Napangiwi ako dahil malakas ang amoy ng hayop dito pero masasanay din naman daw ako at mawawala rin ang kanilang masangsang na amoy.

"Hinahon ka lang, Lakas. Isusunod din kita, Batak."

Lakas at Batak? Iyan ang pangalan ng kabayo nila?

Inaabutan ni Gumamela ng tuyong damo ang kabayo upang pakain ito. Ningunguya ng kabayo ang tuyong damo, hinaplos ni Gumamela ang ulo niya, atsaka lumipat sa kabilang pitak na may kabayo.

May suot siyang kamiseta, checkered long sleeves, pantalon, at boots. Nakapatong ang sumbrero sa kanyang ulo katulad ng mga ginagamit ng cowboy sa palabas.

"Kain ka lang, Batak." Bulong niya sa kabayo habang sinusubuan ito ng tuyong damo.

"Sampaguita! Gusto mo pakainin si Batak?" Aya niya. Tumango ako atsaka inabot niya sa akin ang mga tuyong damo.

Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now