Kabanata 24

12 2 4
                                    

Masdan Mo Ang Kapaligiran by Asin

***

Kabanata 24

Burol ng Kawalan


Sunud-sunod na mga pasyente na may mga sakit at hindi magamutan dahil sa kakulangan ng gamot at kagamitan sa ospital at walang pambayad para maagapan sila.

Ang mga nakapila na mga mahihirap sa libreng pagamutan sa labas ng ospital dahil hindi nila kayang mabayaran ang serbisyo sa loob ng pasilidad.

Ito ang tumatak sa isip ko noong sinamahan ko si Florabeth sa ospital. Sinulat ko ito sa aking kwaderno, nagagamay na ang sulat ng baybayin at hindi ko na kailangan tingnan ang gabay nito.

Poor healthcare system speaks within a country full of malnourished children, dirty hospital rooms, and expensive and almost inaccessible medicine and care. It is negligence and lack of sympathy towards the people that made hospital care almost impossible.

Nurses and doctors trying to save lives every day struggled with substandard wages, sleepless working hours, and mental exhaustion. The poor who barely have anything to pay has to rely on long lines of free healthcare that can't even accommodate everyone. Public hospitals lacking equipment, medicine, personnel, and clean environment.

This is how a corrupted system works. It weakens the people from mind, body, and soul. Surviving has become a priority but never living.

You can survive with a half-conscious mind, a stolen time, and a slightly healthy body. But living a true life with a free mind is something they could never rob from you.

It is a curse and a blessing to fly freely in one's own head without losing your own individual freedom from the corrupted system.

"Ano nga pala ginagawa ni Ylang-Ylang? Palagi niya kasi kasama si Joana at Gavino. Akala ko ba ibabalik sila sa Manila?" Tanong ko, atsaka itinago ang kwaderno sa aking backpack.

"May ibang pinaplano si Tyranny at Ylang-Ylang na hindi nila sinasabi sa amin. Madedelay pa raw ang pagbalik ng dalawa sa Manila."

Ano kaya ang plano ni Tyranny sa kanila? Ni hindi man lang namin makausap dahil palagi nilang kasama si Ylang-Ylang at lumuluwas ng walang paalam. Babalik na lang kung kailan wala na kami o nakatulog na katulad ng nangyari sa Tacloban.

Huminto ang tren sa istasyon ng NRT sa Cebu. Humaharentado ang aking puso nang bumaba kami sa karwahe ng tren, nililibot ang aking paningin sa mga maaaring dumating.

Bakit iba ngayon ang pakiramdam ng pagbaba namin na parang may umoobserba ng aming galaw sa malayo? O dahil sa siyudad kami huminto at hindi sa gubat ng nayon?

Tama. Hindi tago itong istasyon. Panigurado maraming tao makakakita ng tren na bigla na lang dumating sa istasyon na inabandona ng gobyerno.

Ito na nga ang kinakatakutan ko, ang maabutan kami at nakorner sa isang lugar na wala matatakbuhan.

Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa buong istasyon na parang may nagbukas ng tarangkahan. Sunod ang mga mabibigat na yapak papalapit sa aming direksyon.

Hindi pa kami nakakababa, nandito na sila!

"Magtago na kayo!"

Binuksan namin ang mga kompartimento sa bariles at nagtago sa loob nito, may isinuksok na base sa ibabaw na may rasyon upang pangtakip sa amin kung sakali silipin nila ang bariles.

Wala pang isang minuto nang may nagsalita na sundalo sa labas ng karwahe.

"License and registrations," utos ng sundalo.

Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now