Kabanata 15

18 2 3
                                    

Kabanata 15

Oligarkiya


May milyon na dahilan kung bakit ang Pilipinas ang isa sa pinakamahirap na bansa sa buong mundo.

Ang bawat mamamayan ng Pilipinas ang rason, tayong lahat ang rason kung bakit tayo naghihirap, tayong lahat ay may kaakibat sa korup na sistema, tayo ang may kasalanan at wala nang iba pa ang masisisi kundi ang sarili natin.

Habang patuloy tayong tumitiwala at binibigay ang ating boses sa mga korup na politiko, patuloy nila tayong gagamitin para sa kanilang sakim at paghihirap.

Habang patuloy nating pinapabayaan ang korup na sistema na ipaghiwalay ang puso ng mga tao sa kanyang kapwa, magiging malabo ang ating pagkakaisa.

Habang patuloy na maging ignorante ang sambayanan na hindi maimulat sa katotohanan, walang magbabago sa ating kasaysayan.

Nasa ating sariling kakayahan na baguhin ang sistema. Nasa ating kamay at puso ang kakayahan na ihugis ang mundo na may pagkakaisa at tayong lahat ay magkahawak ang kamay.

Lumipas ang ilang araw ng pahinga, pagbuo ng susunod na misyon, at mga pagpupulong ng bawat tungkulin namin sa pugad.

Kahit marami kaming ginagawa, tinuturing ko pa rin na pahinga ito dahil nagbubuwis kami ng buhay sa aming misyon sa labas ng isla. Ginhawa na ito sa amin.

Kasalukuyan akong nakatayo sa labas ng silid-aralan, naglalagas na ang pintura sa pader nito, may mga alikabok at patay na dahon sa sahig,

Hinawakan ko ang sampaguita at inangat ito upang ipasmasdan ang kagandahan at lambot ng bulaklak, ito pa rin ang sampaguita na sinuksok ni Binatang Bukid sa gilid ng aking tainga.

Ginawa ko siyang kuwintas sa leeg ko dahil gusto ko na malapit lang ang sampaguita niya sa aking puso. Ito ang magiging tatak ng tapang para sa tungkulin ko ngayon araw.

Kusang umangat ang gilid ng labi ko nang maalala ko ang ngiti ni Binatang Bukid. Gusto ko siya ulit makita pero nasa bukid pa siya at kailangan kong magturo sa mga bagong kalap.

Binalitaan ako ni Tyranny na ako ang magtuturo sa kanila ng kaalaman bilang isang Ibong Maya. Kung ano ang tinuro sa akin ni Binatang Bukid noon, ipapasa ko naman ito sa kanila.

Pumasok ako sa silid-aralan na kinakabahan at hindi alam ang gagawin. Nakaupo si Joana at Gavino sa pinakaharap na hilera ng mesa. Kasama nila ang mga miyembro ng LGBT community na ipinaglalaban ang kanilang karapatan at pagkatao, ang bagong kalap sa iisang silid.

"Ako si Sampaguita, isa ako sa mga niligtas ng Ibong Maya, ang dalagang pulubi na nagbebenta sa gilid ng lansangan," pagpakilala ko at binati naman nila ako.

Habang isa-isa kong tinitingnan sila, bumibilis din ang tibok ng aking puso. Kinuyom ko ang aking kamao upang pigilan ang panginginig nito.

"Matagal na tayong niloloko ng gobyerno," panimula ko. "Palagi tayong umaasa sa kanila na kontrolin ang ating kabuhayan pero maaasahan pa ba ang gobyerno kung sila mismo ang lumuloko sa taong-bayan? Ang ating sarili lang ang maasahan sa mundong ito. Ang sarili mo lang at wala nang iba."

Napahinto ako sa pagsalita. Puro gobyerno na lang ang tinatanim ko ng sisi pero alam kong may higit pa na kalaban kaysa sa kanila.

Kaya sinabi ko sa kanila ang kaalaman na ipapasa ko. Huminga muna ko nang malalim bago nagpatuloy magsalita at pinaliwanag ito sa kanila.

The government is simply a puppet of a higher power, the top one percent, the richest of the rich, the invisible enemies who conquered the entire world.

Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now