Kabanata 29

11 2 1
                                    

Kung Kailangan Mo Ako by Rey Valera.

https://mapio.net/images-p/10793074.jpg

https://mapio.net/images-p/11561774.jpg

https://s29081.pcdn.co/wp-content/uploads/2017/12/sugba-lagoon-siargao-island-0258.jpg.optimal.jpg

https://i2.wp.com/www.agoda.com/wp-content/uploads/2020/01/Things-to-do-in-Siargao-Island-Cloud-9-surfing-area-in-General-Luna.jpg?ssl=1

---

Kabanata 29

Siargao Island


Huminto ang tren ng NRT sa stopover ng Carrascal.

Nilibot muna ni Bicol Express ang paligid, sinisigurado na walang mga sundalo bago siya kumatok sa karwahe namin atsaka namin binuksan ito at sinalubong ng liwanag ng araw.

Ang mala-kumot na karagatan ay umaabot sa kagiliran kung saan nagtagpo ang hindi pantay na bubundukin ng isla at ang asul na langit na may higanteng mga ulap na pumapangibabaw sa kapatagan.

Ang Carrascal Bay.

Ang Carrascal Bay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malambing ang haplos ng hangin sa aking balat, malumanay na hinawi ang aking buhok na nakalugay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malambing ang haplos ng hangin sa aking balat, malumanay na hinawi ang aking buhok na nakalugay. Nilingon ko si Eufemio na nakatuon sa baybayin, nahahawi ang bangs at magulo niyang buhok, papikit-pikit ang mahaba niyang pilik-mata.

Medyo nakaawang ang labi niya habang pinagmamasdan ang baybayin na tila bang binababad niya ang kanyang mausisang mata sa tanawin.

Inabot ko ang kanyang kamay upang ipagbuhol ang aming daliri. Hindi siya lumingon sa akin pero binuhol niya ang kanyang daliri sa pagitan ng palad ko atsaka pinisil ito.

Sa Carrascal Bay, sumakay kami ng sailboat papuntang Siargao Island. Walang tumangkang magsalita sa amin, lahat kami pagod na. Hinintay lang namin makarating sa Siargao Island mula sa cabin ng sailboat. Medyo nahilo ako mula sa paglayag nito sa alon.

"Bakit tayo pupunta ng Siargao Island?" Tanong ko.

"Kailangan muna natin makalayo. Kailangan ipahinga ang ating isipan at puso. Masisira ang katinuan ng ating kasamahan. Bumangon muna kayo bago tayo bumalik sa misyon." Tugon ni Tyranny.

Rebelation (Unity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon