Kabanata 27

14 2 2
                                    

Note: I do apologize if the usage of Hiligaynon or Ilonggo may be incorrect. Kaunti pa lang pinag-aralan ko na mga phrases at words nito so if there's a better translator, you can correct me if I'm wrong.

https://images.summitmedia-digital.com/spotph/images/2021/01/21/iloilo-dinagyang-2-1611196250.jpg

https://images.summitmedia-digital.com/spotph/images/2021/01/07/sinulog-2021-1-1610019016.jpg

***

Kabanata 27

Iloilo River Esplanade


Humigpit ang aking paghinga, hinihintay ang pagbagsak ng mga bomba.

Tahimik lang namin pinagmasdan ang mga Warbombers na dumaan mula sa himpapawid. Humigpit ang kapit ni Eufemio sa kamay ko at binuhol ko ang aming daliri sa palad ko.

Wala na kaming oras para tumakbo. Mas mabilis ang kanilang paglipad dahil bago pa namin igalaw ang aming binti, tapos na ang lahat.

Sapagkat, sinundan ng aking paningin ang Warbombers na tumawid sa aming ibabaw hanggang sa nilagpasan kami ng mga eroplanong pandigmaan nito. Unti-unting naglaho ang kislap nito sa himpapawid hanggang sa mawala na. May iniwan lang itong mahabang buntot na puting usok.

"Wala na sila!" Sigaw ni Tyranny na siyang nagpaluwag ng kanilang pakiramdam.

Hinayaan lang namin nakapatay ang mga kandila at natulog pa rin kami sa The Ruins buong gabing iyon kahit alam namin may lumilibot na Warbombers sa ulap.

Katabi ko si Eufemio matulog, nakayakap sa akin habang nakabaon ang aking mukha sa kanyang leeg hanggang sa nakatulog ako.

***

Napangiti ako sa kagandahan ng Guimaras Island.

Kulay berde at turkesa ang tubig sa dalampasigan. Maraming mga malalaking bato na natatabunan ng berdeng gubat at halaman ang pumapalibot sa puso ng isla.

 Maraming mga malalaking bato na natatabunan ng berdeng gubat at halaman ang pumapalibot sa puso ng isla

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sumunod naman ang destinasyon na nilagpasan ng tren namin. Tumingala ako sa mga higanteng windmills ng San Lorenzo Wind Farm. Umiikot ang windmill mula sa ihip ng hangin na siyang humahawi sa aking buhok.

 Umiikot ang windmill mula sa ihip ng hangin na siyang humahawi sa aking buhok

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now