Kabanata 35

23 2 4
                                    

Kabanata 35

Paalam ng Zamboanga


Napabalikwas ako habang sumisigaw hanggang sa tinikom ko ang aking bibig.

Pinagpapawisan ako, nahinga nang malalim upang makabawi ng hinginga. Hindi ko na namalayan na ginising na pala ako ni Eufemio. Nakatingin sa akin ang mga kasama ko at mukhang nagising ko sila dahil nadulot kong ingay.

"S-Sorry..."

"Bangungot?" tanong ni Eufemio, magulo at kung saan-saan nakaturo ang buhok niya.

Tumango-tango ako.

Paputol-putol ang tulog ko. Nahihirapan na ko gabi-gabi. Natataranta sa tuwing umaalog ang tren, napagkakamalan kong mga putok ng bala ito.

Wala naman nagalit sa kanila. Naintindihan pa nila ako dahil pare-parehas lang kaming may dinadalang mga bangungot.

"Malaya, hindi ko kakalimutan ang ginawa mo, niligtas mo ang aking buhay sa kapahamakan. Niligtas mo ako." bulong ni Eufemio sa aking tainga.

Iniharap ko siya sa akin habang nakakapit sa balikat niya.

"Mahalaga ka sa'kin. Ako ang bahala sa'yo kung kailangan mo ng tulong dahil hindi sa lahat ng panahon na dapat ako lang lagi ang umaasa sa'yo. Babawin rin ako sa'yo, Binatang Bukid." sabi ko.

Matamis iyong ngiti niya na lumitaw sa kanyang labi.

"Napakatapang mong babae. Hindi ka man perpekto sa mundo, may pagkakamali ka man o pagkukulang, sa mata ko ay isa kang perpektong katambal." pagkasabi niya nito, hinawakan niya ang likod ng aking ulo atsaka hinalikan ang noo ko.

Binuksan ni Tyranny ang pinto ng karwahe at bumungad ang sikat ng araw mula sa abot-tanawin. Huminto ang tren sa istasyon malapit sa daungan ng Zamboanga City.

Katulad noon ay sinuri muna ni Bicol Express ang paligid pero nakakapagtaka ang balita na pinahayag niya sa amin.

"Walang tao sa labas, kahit sa mga kalsada, wala. Mukhang matagal nang inabandonado ito."

Lumabas kami sa istasyon. Napansin ko nga rin na sobrang tahimik ng paligid na animo'y naging minultong bayan ito. Naglakad kami sa gitna ng kalsada ng barrio, may naiiwan kaming bakas ng paa sa makapal na alikabok sa sahig.

May mga takip sa bintana ang mga bahay, ang mga sampay na nakakalat sa paligid, basura na bumabaha sa harap ng tahanan, bahid ng dugo na hindi malaman kung kanino pinagmulan.

Natanaw ko ang sumisilip na bata mula sa bintana bago may magulang na humila sa kanya at binalik muli ang takip doon.

Bumigat ang kaba sa lalamunan ko, ewan ko ba pero masama ang kutob ko rito na dapat hindi kami bumaba na lang.

"Anong nangyari sa Zamboanga?" tanong ko.

"Gyera ang nangyari."

Nagkalat ang mga kasama namin na may dalang armas upang bantayin ang perimetro, kaming apat nina Caloy, Luisa, at Eufemio ay sumusunod kina Tyranny at Ylang-Ylang papunta sa dambana.

May malaking tarapal na nakasabit sa itaas ng gusali na apartment, ang Hermosa Festival. Napakaganda ng kanilang kasuotan, matingkad ang mga kulay na mala-bulaklak at paru-paru tingnan ang mga ito.

Ang ganda sana panuorin ng kanilang sayawan at tugtugan. Inaasahan ko rin na mabilang sa mga madla ng manunuod ng bawat piyesta sa Pilipinas upang makita lang ang kasiyahan at pagsasama ng bayan.

Ngunit, nililibot ko ang aking paligid at kulay abo lang ang nakikita ko, walang kabuhay-buhay o saya na makikita, walang mga tao na nagsasama-sama, lahat nagtatago sa sariling tahanan sa takot na baka mabaril sila ng bala.

Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now