Kabanata 16

14 2 1
                                    

Kabanata 16

Pangalan


Hindi ko alam ang isasagot ko.

Kumakabog ang aking puso sa dibdib ko, ang serioso niyang ekspresyon ay nanatiling nakatuon lamang sa akin, ni hindi ako makagalaw na parang napako ako sa lupa.

"A-Ano ba ang hiling mo?" Nauutal kong tanong.

Huminga siya nang malalim na parang kahit siya'y nahihirapan sabihin ito sa akin.

"Huwag ka sumama sa misyon."

Kumunot ang aking noo, ang kilay ko'y nagkasalubong, parang nagsisisi na ako na pumunta ako sa bukid, ni hindi ko mapaliwanag kung bakit gusto kong lumayo sa kanya dahil sa naging hiling niya sa akin.

Wala ba siyang tiwala sa akin? Sinusukuan niya ba ako? Bakit niya ako pinipigilan sumama kung napatunayan ko naman sa kanila na kaya kong harapin ang mga hadlang?

"Bibu, ano 'yan suhestiyon mo?"

"Pakinggan mo ako."

"Ilang beses ko bang uulitin sa'yo?"

Napaatras ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na babalik na naman kami sa ganitong usapan, alam niya ang gusto ko pero hinahatak niya pa rin akong pabalik.

Ang ayoko sa lahat ay may ibang tao magdidikta ng desisyon ko.

"Sinabi ko pa lang sa umpisa na sasama ako sa misyon. Mahirap ba 'yon intindihin?"

Napatigil ako sa pag-atras ng hakbang dahil nagbago ang kanyang ekspresyon na tila bang nasaktan siya nang lumayo ako sa kanya.

"Sampaguita..." Naging mahina ang boses niya.

Kumirot ang puso ko na makita siyang ganito kaya humakbang ako papalapit pero hindi sobrang lapit sa kanya.

"Paumanhin, Bibu..." Pinilit kong itaboy ang emosyon ko dahil nadadala ako sa aking galit. "Ipaliwanag mo. Papakinggan kita."

Hinawakan ko ang kamay niya upang iparamdam sa kanya ito, na hindi ko siya nilalayuan, na hindi ako galit pero naguguluhan lang ang isipan, handa akong itaboy ang galit ko para lang sa kanya.

"Ang hiling ko..." Lumapit siya hanggang sa nabawasan ang agwat sa pagitan namin, ipinatong ang kanyang noo sa akin atsaka bumuntong-hininga. "May kakaiba akong nararamdaman para sa'yo, iyong tipong ayokong masaktan ka. Ayokong mawala ka."

"Napag-usapan na natin ito," bulong ko at mariin na pinikit ang aking mata. "Hindi ko kayo iiwan. Lalaban ako kasama kayo." Halos magkahaplos ang aming labi sa sobrang lapit ng mukha niya.

Naramdaman ko ang magkabila niyang kamay na sinapo ang aking pisngi. Inatras niya ang kanyang ulo upang tingnan ako ng tsokolate niyang mata.

"Paano kung nagpaiwan din ako? Sasama ka pa ba sa kanila?"

Natigilan ako sa tanong niya. Bakit siya magpapaiwan? Para lang hindi ako umalis? Paano ang iba naming kasama? Paano ang pinaglalaban niya? Bakit nagagawa niyang itaboy ito para lang hindi ako umalis ng isla?

Napailing ako sa sarili ko. Hindi niya pwedeng sukuan ang pinaglalaban niya, ang pinaglalaban namin, at ang mga tao na gustong makalaya. Kapag nagpaiwan kami sa isla, parang sumuko na rin kami sa laban.

At kung magpaiwan man kami, paano sina Tilapia, Gumamela, Tyranny, at Ylang-Ylang? Sa kanila na lang namin aasahan ang lahat? Paano kung may matutulong din kami para hindi sila mahirapan, 'di ba?

Wala sa aking dugo ang sumuko. Lalaban at lalaban ako hangga't makakaya dahil sa buong buhay ko'y ang alam ko lang ang lumaban.

"Hindi ako susuko sa pinaglalaban natin," matigas kong sagot habang nakatingin nang diretsa sa mata niya. "Ito lang ba, Bibu? Gusto mo lang ako ipaiwan sa isla?"

Rebelation (Unity Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang