Kabanata 14

15 1 1
                                    

Kabanata 14

Kuwintas


Kinabukasan, naging abala ang mga tao sa kani-kanilang mga operasyon.

Tapos na ang pagdiriwang at kantahan sa siga dahil ang mga susunod na araw ay magiging okupado na ang lahat. Pansamantala muna kami sa Anugal del Sol para tumulong sa mga naninirahan sa nayon. May tungkulin na inilahad sa amin ni Ylang-Ylang.

Si Tilapia'y tumutulong muli sa mga mangingisda habang nakasakay sila sa kanue, pinapakain naman ni Gumamela ang mga manok na nag-iingay sa kamalig, kami naman ni Binatang Bukid ay itinakda na mag-alaga ng bukid.

Sinuot ko ang puting kamiseta, pantalon, at tsinelas. Komportable na akong maglakad-lakad hindi katulad noon na minsan nagpapaa na lang ako at marami akong natatapakan na mga bato o bubog at ang suot kong damit ay nawalan ng kulay sa dumi nito at punit ang laylayan.

Sariwa ang mahinahon na hangin ang humaplos sa aking katawan at buhok. Humakbang na ko sa daan, pinapakinggan ang awitin ng mga ibong maya sa sanga ng puno at ang mga ingay mula sa pasikot-sikot na mga tao ng nayon.

Binati ko si Tita Edna mula sa bintana ng kanyang tahanan. Kumaway siya atsaka tinuro ako upang makita ako ng kanyang sanggol na kinakarga niya. Ang mataba nitong mukha ay sinundan ako ng tingin.

"Ang cute po ng anak niyo!" Komplimento ko.

"Nagmana sa'kin!" Sagot ni Tita Edna.

Sang-ayon naman ako roon dahil maganda talaga si Tita Edna, kayumanggi at maamo ang mukha. Nakakapagtaka lang kung nasaan ang asawa niya at palagi ko siyang nakikitang mag-isa sa kanilang bahay kubo.

Napailing na lang ako sa naiisip ko, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

May napansin akong karatula na nakadikit sa may puno, ang litrato ni Pangulo Liberato na ginawang darting board. Puno ng mga tuldok na butas ang mata niya, halos kita na ang kawa ng puno sa butas na mata ng pangulo.

May warehouse sa dulo ng nayon sa may itaas ng burol. May oras pa naman ako para gumala kaya nagpasya akong lumiko patungo sa direksyon nito. Sinundan ko ang daan hanggang sa makarating ako sa harap ng warehouse.

May malakas na tunog pukpok ng bagay, ang kahel na nagwiwisik mula sa kagamitan na hinahati ng isang tauhan, nagulantang ako sa malakas na pagbagsak ng materyales sa gilid na nakatago sa loob ng sako.

Natanaw ko si Binatang Bukid na may kinakausap na mekaniko at inhenyero. May suot ang dalawa ng mga oberols maliban kay Binatang Bukid na kamiseta at pantalon din kasama ang paborito niyang salakot.

"Ano ang binubuo niyo riyan?" Tanong ko.

"Eroplano na mukhang ibon. Pwede ibong maya, pwede manok. Ano sa tingin mo?" Sabay tumawa pa ang iba sa kanila.

Pinagmasdan ko ito nang maigi. "Ibong Maya. Mas bagay sa mga ulap."

"Kung lilipad ka, sakay ka lang sa ibong maya!"

"Hindi ako marunong magpalipad ng eroplano!" Natatawa kong sagot.

"Sus! Nagawa nga namin bumuo ng eroplano, madali na lang 'yan paglipad!"

Nakipag-apir sa akin ang mekaniko na kumausap sa akin. May grasa pa ang kamay at damit nitong oberols.

Tama nga sila. Ang anyo ng eroplano ay halos kahugis ang ibong maya, kahawig nito ang mga antigo na eroplano na ginagamit noong World War 1.

May naikot na tabak sa ilong nito, diretso ang pakpak sa magkabilang gilid na sinusuportahan ng mga bakal, may dalawang gulong sa unahan at buntot sa likuran na bahagi nito.

Rebelation (Unity Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora