Kabanata 23

10 2 3
                                    

Kabanata 23

Ormoc Bay at Camotes Island


Minulat ko ang aking mata mula sa halik ng umaga. May nakapulupot sa aking beywang na siyang nilingunan ko para makita kung ano ito.

Braso. Payat pero makisig na braso ang nakayakap sa akin.

Inangat ko ang aking paningin sa balikat niya, binaling ang aking katawan sa kanyang direksyon, hanggang sa nakasalubong ko ang mahimbing na natutulog na mukha ni Eufemio Iñigo Bonifacio.

Mariin na nakapikit ang mata niya, ang mahaba niyang pilik-mata'y tinatakpan ang kanyang panaginip, ang malalim niyang paghinga na humahaplos sa leeg ko ay siyang kumiliti sa akin.

Ayoko pa siyang gisingin, nais ko pang panuorin siyang mahimbing na natutulog, ngunit kailangan na namin bumangon at kumilos para makarating sa istasyon ng NRT.

"Eufemio," marahan ko siyang niyugyog sa balikat.

Umungol siya na parang nilalabanan siya ng antok at nahihirapan magising.

"Alis na tayo, Eufemio."

"Konting oras pa..." Namamalat ang boses niya na siyang nagtaasan ng balahibo sa aking batok. Ewan ko ba pero gusto ko marinig ulit iyon.

Hinila ako ng braso niya na nakakapit sa aking beywang papalapit sa kanya. Ngayon, nakayakap na siya sa akin, halos magkadikit ang aming ilong sa sobrang lapit ko sa mukha niya, nagpapalitan ng hininga sa lapit ng aming bibig sa isa't-isa.

Hindi na ko nagsalita pa. Hinayaan ko lang siya matulog ng ilan minuto habang pinagmamasdan siya.

Medyo nainggit ako sa kinis ng kanyang mukha . Ang tagal niyang nagbababad sa araw sa may bukid pero ang kinis pa rin ng balat niya. Inabot ko ang isang kamay na nasa pagitan namin na parang hinihigaan niya ang braso nito.

Hinawakan ko ang kamay niya, magaspang ito sa pakiramdam. Ang halik ng araw mula sa yabong ng mga dahon sa sanga ng puno.

Lumipas ang ilang minuto, binaon niya ang kanyang mukha sa leeg ko, nakiliti ako sa buhok niya na humahaplos sa aking bibig at ilong. Hindi ko maiwasan na amuyin ito. Kahit matagal na kami hindi naliligo, naakit pa rin ako ng amoy niya.

Nawala ang aking atensyon kay Eufemio nang may tumapak na sanga malapit lang sa aming higaan.

Napigilan ang aking paghinga dala ng kaba kasabay ng pagkabog ng aking puso sa dibdib ko. Hala! Huwag mong sabihin naabutan kami ng mga sundalo? Hinanap ba nila kami buong gabi? Kakarating lang ba nila o hinihintay nilang sugurin kami bago kami gumising?

Eufemio, ano na ang gagawin natin?

Humakbang muli ito. Nanggaling ang tunog mula sa likod ng puno na parang may tumapak sa patay na dahon. Nabigla ako nang napabalikwas si Eufemio at umupo bigla sa aming hinihigaan.

Napaupo na rin ako, kinakapos ng hininga, nakatikom ang aming bibig habang nililibot ang aming paningin sa paligid dahil hindi namin alam kung ano ang nagtatago sa likod ng puno. O sa mga likod ng puno. Mag-isa lang ba siya o marami sila? Imposible na mag-isa lang ang sundalo, palagi siyang may kasamang hukbo.

Maaaring sundalo na nakahanap sa amin o isang indikasyon ng takot ng isang hayop na may paparating na Warbombs mula sa ulap. Hindi ko alam! Habang hinuhulaan ko ito, palala nang palala ang nagiging konklusyon ko!

"Sino nandiyan?" Matigas na tanong ni Eufemio na tila bang handa na siyang sugurin ito kapag nagpakita ito.

Muling tumunog ulit ang pagtapak nito sa patay na dahon. Napatayo na kami, ang aking binti handang tumakbo at kinapitan ang kamay niya upang pigilan siya na sugurin ito. Mas may tsansa pa kaming mabuhay kung tatakbuhan namin ito kaysa labanan kung ano man ang nandoon.

Rebelation (Unity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon