Kabanata 20

13 2 4
                                    

Kabanata 20

Maipaghiganti


Matalim ang aking mga mata nang nilingon ko ang sundalo na nagpaputok ng baril. Nakaturo ang hawak niyang baril sa ere atsaka niya ito ibinaba upang bitbitin ito sa pagitan ng kanyang mga braso.

"Ihanda niyo na ang mga bayad niyo! Hindi libre ang tinayo na tahanan para sa inyo!" Sigaw ng sundalo mula sa mikropono na dala niya na siyang maririnig ng buong bayan.

May isa sa mga sundalo'y may dalang balde. Lumapit sila sa unang bahay na malapit sa kanila, nanginginig ang kamay ng isang ina na inabot ang pera sa loob ng balde at bumalik sa loob ng kanyang bahay.

Sumunod ang sundalo sa kabilang bahay, inilahad ang balde, at hinulog ng naninirahan doon ang pera sa loob hanggang sa inulit-ulit pa ito sa iba pang bahay.

Bakas ang takot sa kanilang namumutlang mukha, ang pangangatal ng kanilang daliri tuwing inaabot ang pera, at ang pagtatago ng mga anak nila sa likod ng pinto.

"Hindi ba mali itong ginagawa nila?" Sumimangot ako sa aking nasaksihan.

"Labag ito sa batas pero nilusot lang ito ni Pangulo Liberato pati ng mediya." Madiin ang boses ni Eufemio nang sinagot ito. "Oportunidad ang trahedya para sa negosyo at puhunan ng mga sakim na tao."

Kinuyom ko ang aking kamao at nagtiim ang aking panga, umiinit ang aking mukha, matalas ang paningin na tinitingnan ang mga sundalo. Hindi ko kayang tiisin ang ganito. Gaano na katagal tinitiis ito ng mga tao? Hanggang kailan silang nanakawan ng buhay ng mga korup?

Susugurin ko na sana sila nang hinawakan niya ang aking braso upang pigilan ako.

"Pag-isipan mo nang mabuti ang gagawin mo." Bulong ni Eufemio.

"Hindi... Hindi ko kayang manatili lang na walang ginagawa..." Kinagat ko ang ibaba kong labi na tila bang nahihirapan akong pigilan ang aking sarili na sugurin sila.

"Naiintindihan ko ang galit mo pero kailangan mong magtimpi sa ngayon."

Dahan-dahan lumipat ang kanyang kamay mula sa braso papunta sa aking palad at pinagbuhol ang aming daliri upang hindi na ko makakawala sa kanya.

"Walang makakaligtas sa kanila kung nahuli tayo." Untag niya.

"Paano mo nagagawang maging kalmado?" Tanong ko.

"Hindi ako kalmado. Gusto ko na rin silang isugod pero alam kong walang magandang maidudulot ito sa atin at sa kanila." Sabay tinuro niya ang mga tao na nagtatago sa loob ng bahay.

Huminga ako nang malalim, pinipilit na ibaon muna ang aking hinanakit, kinalas ang pagkakuyom ng aking kamao, at nawala ang tensyon sa aking balikat.

"Kapag hindi ka nagtimpi, hahalikan kita." Sabay kindat niya.

Natigilan ako sa sinabi niya na siyang naging dahilan ng kanyang mahinahon na halakhak.

"Hindi magandang biro 'yan!" Suway ko na sabay mahinahon na sinapak ang balikat niya. Hinimas niya ito na tila bang kunwari'y nasaktan talaga siya kahit hindi naman malakas ang pagkapalo ko.

"I'm trying to lighten the mood but I can't help to feel dark." Unti-unting napawi ang ngiti niya habang nakatingin sa mga sundalo. Inabot ko ang kamay niya atsaka ipinisil ito upang iparamdam na hindi siya nag-iisa.

May paraan si Eufemio na magbigay ng kaunting liwanag sa gitna ng dilim, nagpapasalamat ako sa kanya dahil kahit papaano ay nabawasan ang matinding tensyon sa aking damdamin.

Pinagmasdan pa namin ang mga sundalo na may kinakausap mula sa loob ng bahay hanggang sa tumataas ang kanilang boses. Uminit ang aking dugo nang may hinigit silang matanda at itinulak sa sahig palabas ng kanyang bahay.

Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now