Kabanata 32

13 2 1
                                    

Ang Bayan Kong Sinilangan (Cotabato) by Asin

***

Kabanata 32

Bangsamoro


"Alipin..."

Hindi pa rin ako makapaniwala na nagagawa nilang iposas ang mga Lumad, ikulong sa likod ng mga bakod, at gawin silang alipin. Ninakaw nila ang kabuhayan at kinabukasan ng mga Lumad.

Tumango-tango si Eufemio at napalunok nang bahagya na siyang nagpaangat-baba ng kanyang gulong-gulongan.

"Binilang ko ang bantay nila. Mga nasa apat sila," sabi ni Luisa.

"Kaya natin sila patumbahin! Mas marami tayo!" udyok ni Caloy.

"Ang problema hindi natin alam kung may mga kasama ba sila o kung may dadating pa. Kapag napatumba natin sila at may mga kasama pa pala sila na dadating, baka tayo pa ang mahuli nila." untag ni Tyranny.

"Paano natin papakawalan ang ginawa nilang alipin sa nayon ng Sarangani?" tanong ko.

Napalibutan kami ng katahimikan, nag-iisip ng solusyon para makalaya sila.

May isang batang babae ang naglalakad malapit sa aming talahib, may dala itong buslo na may mga laman na gulay. Sumitsit si Luisa para makuha ang kanyang atensyon hanggang sa tinakip ni Caloy ang palad niya.

"Nababaliw ka na ba? Paano kung tawagin niya ang bantay nila?" Tiningnan siya ni Caloy na para bang may mali siyang ginawa na ikakamatay namin.

"Pwede niya tayong matulungan!" Sagot ni Luisa bago niya tinabog ang kamay ni Caloy na nasa bibig niya.

Paligoy-ligoy ang mata ng batang babae, mukhang nasa labintatlong gulang pa lang siya, hinahanap niya kung saan nanggagaling ang sitsit.

Kumaway si Luisa upang kuhanin ang atensyon niya hanggang sa huminto ang mata niya nang matanaw niya ito. Tinago niya ulit ang kamay niya.

Napatigil siya nang ilan segundo. Tinaob niya ang kanyang buslo sa tapat ng talahib na pinagtataguan namin. Yumukod siya upang pulutin ito.

"S-Sino ang nandiyan?" Pabulong niyang tanong.

"May mga kasama pa ba sila?" Tanong ni Tyranny.

Natigilan ang babae. Nagdadalawang-isip na sumagot.

"Umalis sila. Bukas pa sila makakabalik." Sagot niya.

"Ang Liberators?"

"Opo. May mga truck, tanke, at Warbombers."

Natahimik si Tyranny nang ilan segundo habang sinusuri ang mga bantay nila.

"Saan sila natutulog?"

"Sa may malaking kubo po pero may isang gising po sa gabi para magbantay."

"Sinaktan ba nila kayo?"

Napakagat siya sa labi at marahan na tumango.

"Ang mga babae po... Ginagawa nilang..."

Hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil napunta ang buong lakas niya na pigilan ang kanyang luha na tumulo.

"Kung gusto mong makalaya, ito ang kailangan mong gawin..." binigyan siya ni Tyranny ng habilin. Tumango-tango siya hanggang sa makuha niya ito lahat.

Mabagal niyang pinupulot ang gulay sa lupa at binabalik sa buslo upang mabigyan kami ng oras na makausap siya.

"Bilisan mo, Alabel! Lulutuin mo pa 'yan! Nagugutom na kami!" Nagitla siya mula sa sigaw ng bantay nila.

"Ito na po!" Sigaw ni Alabel pabalik.

Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now