Kabanata 5

27 4 1
                                    

Kabanata 5

Tren ng Bagong Umaga


Lumipas ang mga ilan araw simula ng misyon ko.

Napaginipan ko ang magulang at ang mga kapatid ko sa ilalim ng tulay ng EDSA. Masaya silang nakangiti habang nakaupo sa kariton, pinipilit kong tumakbo papalapit sa kanila ngunit hindi ako makalapit sa kanilang piling, pilit abutin ang nawala sa akin.

Inabot ko ang aking kamay sa pamilya kong lumalabo mula sa pagsakop ng liwanag sa kanila, imbes na maramdaman ko sila, iba ang kumapit sa akin.

Nagising ako mula sa pagyugyog sa aking balikat. Minulat ko ang aking mata, nanlalabo ang paningin ko pero pinilit kong tingnan siya hanggang sa mawari ko ang buong mukha niya.

"Kailangan na natin umalis, Sampaguita! Mag-impake ka na! Bilisan mo!"

Tiningnan ko ang orasan sa gilid, alas-tres pa lang ng umaga. Nasilayan ko ang labas ng tolda, madilim pa ang paligid ngunit may naririnig na akong mga ingay at nagmamadaling mga yapak sa labas.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Basta iligpit mo na ang gamit mo. 'Wag mo kalimutan ang lampara mo." hinawi niya pa ang kumot na nakapatong sa akin at sinuksok ito sa isang bagahe.

Kahit inaantok pa ako ay nagawa ko na lang gawin ang utos niya, kaunti lang naman ang mga gamit na kailangan kong ligpitin, ang damit, higaan, at libro.

Pagkalabas ko ng tolda ko, nakita kong nililigpit na ng iba ang kanilang mga tolda, lahat sila ay nagising ang diwa hindi lang dahil sa sigawan pati na rin sa takot na baka mahuli kaming lahat.

Pumasok si Gumamela sa isa pang tolda para gumising pa ng kamiyembro namin. Niligpit ko na iyong tolda atsaka sinabit ito sa ilalim ng bagahe bago ko dinausdos ito sa aking likuran.

"Hahanapin na tayo ng mga pulisya kaya kunin niyo na ang mga dapat niyong dalhin!"

"Bilisin niyo na! Naghihintay na sila sa labas!"

May mga lumalabas-pasok mula sa gusali ng abandonadong eskwelahan at nilalabas ang mga importanteng mga bagay katulad ng blueprint, mapa, at marami pang iba na hindi nila pwedeng iwanan.

"Malapit na sila sa kampo natin! Kailangan na natin umalis!" sigaw ng isa sa mga bantay.

Napalingon ako sa kagubatan, nakaramdam ako ng matinding kaba dahil pakiramdam ko may nakatingin sa amin mula sa dilim. Nanlambot ang tuhod ko.

Madilim ang kalangitan at ang paligid namin, ang natatanging liwanag na mapagkukuhanan namin ay mula sa maliwanag na buwan sa maulap na langit.

Nakaramdam ako ng kamay na tumapik sa balikat ko.

Magulo pa ang buhok ni Binatang Bukid, halatang bagong gising lang din siya. Hinawi niya ito, naniningkit ang mata niya habang nakatingin sa akin na may marahan na ngiti sa kanyang labi.

"Sampaguita," malambing ang boses niya. "Magiging maayos din ang lahat. Nandito lang ako sa tabi mo."

"Sinasabi mo lang ba iyan para hindi ako matakot?"

"Hindi naman mawawala ang takot natin sapagkat kaya natin itong harapin na magkasama."

Napangiti niya ako muli sa kanyang mga salita na nagpapagaan ng damdamin ko. Sa gitna ng kadiliman, siya ang nagiging liwanag.

"Ang dilim masyado." Sabi ng isa sa mga kasama namin.

"Buksan na namin ang lampara." Alok ng isa.

"Huwag niyo muna isindi ang lampara sa ngayon. Kailangan natin maglakad sa gubat na walang liwanag. Walang mag-iingay at magsasalita. Kung kailangan niyo tumakbo, alam niyo kung saan grupo kayo tatakbo." anunsyo ni Tyranny.

Rebelation (Unity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon