Kabanata 12

17 4 4
                                    

Kabanata 12

Ang Espiya


Ginamit namin itong tsansa upang makalagpas sa checkpoint. Ang isang guwardiya na nagbabantay sa may pilahan ay pinuntahan ang mga nagkakagulong mga tao at nagtawag pa siya ng back-up.

Ngayon na nasa pila kami habang inaantay ang pagdating ng tren, medyo nabunutan ako ng tinik dahil sa gulong iyon, mahaharangan nila ang mga sundalo. Mabibigyan pa kami ng kaunting oras na makatakas sa kanila.

"Saan nanggaling iyong mga pera?" Kunot noo kong tanong.

"Ang pera na inipon at inambag ng mga Ibong Maya. May isa sa atin ay may dinadalang kayamanan."

"Sino?"

"Hindi ko maaaring ituro kung sino ito."

"Bakit."

"Dahil iyon ang hiling niya."

Tumango na lamang ako.

Nakatayo kami sa tapat ng dilaw na linya, ang aming ulo'y nakapihit sa direksyon ng tren na paparating sa aming harapan hanggang sa dahan-dahan itong huminto.

Bumukas ang pinto ng tren, nilamon sa gilid. Namilog ang mata ko nang makita na puno na ang loob at kaunti lang ang lumabas mula sa loob.

"Bilisan niyo! Habulin niyo sila!" Sigaw ng isa sa mga sundalo, umalingawngaw ang mabibigat nilang yapak.

Dahil sa mga nagbabaan na mga pasahero'y naharangan nila ang mga sundalo. Agad kaming pumasok sa loob kasama ng iba pang kasabay namin.

Nakipagsiksikan kami sa loob ng LRT, puno ang mga upuan sa asul na bangko at nagmistulang palaman ako ng tinapay sa pagitan ng mga tao na nakatayo sa loob ng tren, kinailangan ko pang sumandal sa pinto mismo ng LRT dahil natutulak ako ng likod ng mga pasahero.

Sa kadahilanan nito'y, natulak ako sa dibdib ni Binatang Bukid na siyang nagpapigil ng kanyang paghinga. Halos hindi ako makahinga at medyo nahilo ako sa sobrang siksikan.

"M-Masyadong masikip..."

"Okay lang, sumandal ka lang sa akin para hindi ka mahirapan."

Pinulupot niya ang kanyang braso sa balikat ko atsaka inilapit pa lalo sa kanya. Ang kanyang baba'y nasa ibabaw lang ng ulo ko, ang aking ilong ay naaamoy ang sabon na ginamit niya sa kanyang dibdib, at ang kamay niya nakahawak na rin sa likod ng ulo ko.

Na parang... na parang magkayakap kami sa gitna ng masikip na LRT.

"Hindi ka ba nangangalay?" Tanong ko, paligoy-ligoy ang aking mata. "Paano kung nakasakay din sila sa LRT?"

Umiling-iling siya, "Huwag kang mag-alala. Nandito lang naman ako upang bantayan ka."

Sa ilang kadahilanan ay gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko ngunit hindi pa rin nawawala ang bilis ng pintig ng aking puso.

Sa laki ng populasyon sa Pilipinas lalo na't maraming lumilipat sa Manila para makahanap ng magandang hanap-buhay ngunit isa ito sa mga dahilan ng ugat ng problema ngayon.

Ang mahabang trapiko na kapiranggot lang ang pag-usad, puno lagi ang mga commute at siksikan, at mahaba ang walang katapusan na pila sa sakayan ng kahit anong commute dahil dumadami ang mga tao at lahat gustong manirahan sa kapitolyo.

Sa lakas ng instrumento ng musika na umaalingawngaw sa espiker ng buong LRT, malabong may makarinig sa aming bulungan. Panigurado may sari-sarili silang mga mundo sa isipan nila upang takasan ang reyalidad.

"Mapagkakatiwalaan ba natin sila?" Bulong ko kay Binatang Bukid.

"Nagbuwis sila ng kanilang buhay upang itakas tayo sa peligro. Sapat na iyon para mapatunayan nila na kakampi natin sila."

Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now