Kabanata 30

13 2 1
                                    

https://live.staticflickr.com/4236/35171817502_a00985c4b8_b.jpg

https://pinoyfreelancingmom.com/wp-content/uploads/2020/10/Cape-1.jpg

---

Kabanata 30

Walang Maiiwan


Wala sa sarili kong kinapa ang labi ko.

Naiwan pa rin ang epekto ni Eufemio sa akin. Ang himig niya na tumatak sa puso ko. Ang malambot niyang halik na bumakat sa labi ko.

Nabibitin ako sa mga oras na iyon... Kung hindi pa kami huminto, matatagpuan kami ng mga kaibigan namin na... ganoon ang posisyon..

Isang araw lang. Isang araw na gusto kong balikan at mapadpad muli sa bangka kasama si Eufemio sa gitna ng ilog. Isang araw na hindi na mauulit pa.

"Dalhin ko lang pinagkainan natin sa labas." Sabi ko at dinala ko na ang mga mangkok namin.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng tolda ng aming kampo. Nakatulog sina Caloy at Luisa sa higaan nila. Nakahiga naman si Eufemio sa kanya. Tatayo sana ko para tumulong na rin mag-ayos ng gamit sa labas nang may kumapit sa kamay ko.

"Malaya, I need you." Malambing ang boses ni Eufemio na binulong ito.

Lumuhod ako sa tabi niya. Patagilid siyang nakahiga. Pinagmasdan ko ang pag-apaw ng kanyang luha sa mata niya hanggang sa tumulo ito sa gilid ng kanyang pisngi.

"Natatakot akong mawala ka... Dito ka lang sa tabi ko..."

Namilog ang mata ko. "B-Bakit ka umiiyak?"

Umiling-iling siya. Hindi makasagot. Ibinaba ko muna ang mangkok namin sa sahig. Tumabi na lang ako sa hinihigaan niya. Magkaharap ang aming mukha, natatakpan ng kumot para kaming dalawa lang ang nakakakita ang isa't-isa.

"Eufemio?" sabi ko. "Anong nangyari?"

"H-Hindi ko rin alam kung bakit basta bigla na lang lumabas..." bulong niya.

"Gusto mo ba pag-usapan?"

"Natatakot lang ako magkatotoo ang bangungot ko. Palagi kasi iyon ang nagpapakita."

"Ano ang napapaginipan mo?"

"Na... Na mawawala ka..."

Natahimik ako. Patuloy pa rin tumutulo ang kanyang luha na siyang nagpawasak ng aking puso. Nasasaktan ako na makita siyang ganito.

"Hindi ako mawawala. Nandito lang ako sa tabi mo."

"Sana magtagal pa tayo sa Siargao. Parang ayoko na bumalik... Ang dami lagi namamatay..."

"May oras pa tayo. Pwede tayo bumalik dito pagkatapos lahat nang ito."

Marahan siyang ngumiti.

"Nais ko sana manatiling gising buong gabi pero ngayon lang ako makakatulog ng mahimbing..." pag-amin niya.

"Matulog ka muna, Eufemio. Magpahinga ka na." Hinaplos ko ang pisngi niya na namamasa ng luha. "Bumawi ka ng tulog. Ako naman ang magbabantay sa'yo."

Nanginginig ang hininga niya nang huminga siya nang malalim na para bang kumalma siya. Mariin niyang pinikit ang kanyang mata, mahigpit na nakakapit sa palad ko.

Hindi ko alam kung bakit bigla siyang naluha. Pinanuod ko siyang matulog. Hindi na ko lumabas ng tolda namin. Nanatili lang ako sa tabi niya para bantayan siya hanggang sa nakatulog na rin ako.

Rebelation (Unity Series #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora