Kabanata 6

16 3 2
                                    

Kabanata 6

Susugod


Ginala ko ang paningin ko sa lalawigan ng Anugal del Sol sa gilid ng bintana ng bahay aklatan sa itaas na bahagi ng burol.

Nakatambak iyong mga basura sa isang tambak atsaka sinusunog ito, may ilan mga matandang kababaihan ang pumipitas ng prutas sa mga puno, ang magsasaka na umaani ng palayan at iba pa sa bukid, at ang mangingisda na sumisisid sa dagat o nangingisda gamit ng kanilang lambat o sibat.

Gawa sa kahoy, kawayon, at makakapal na dahon ang kanilang bahay o ang tinatawag na Bahay Kubo. Simple lang ang istruktura pero sapat na ito sa buong pamilya.

Tumingala ako sa asul na kalangitan kung saan may naaninag akong mga ibong maya na lumilipad at umaawit sa sanga ng puno.

Bumuntong-hininga ako, kasalukuyan nakaupo sa harap ng lamesa katabi ng bintana upang madama ang lamig ng ihip ng hangin na dinadala ang kurtina sa pag-angat nito sa ere.

Bumibigat na iyong mata ko kakabasa ng iba't-ibang klaseng libro buong magdamag nang malaman kong may bahay sila na puro libro ang laman.

Mula sa librong pang kasaysayan, kultura, matematika, siyentipiko, kathang-isip, klasiko, diktionaryo, at marami pang iba.

Nilubos ko na ang oras ko para makapagbasa, sinisimot ang mga bunga ng impormasyon sa bawat libro na nakaukit sa mga pahina nito.

Nagpapasalamat ako sa mga nakaimbento ng silid-aklatan at ang mga libro na naging sa mahuhusay na manunulat, ang mga matatapang at nangangarap na nagawang ibahagi ang kanilang boses, pala-isipan, katotohnan, at kaalaman sa kanilang akda.

Kung hindi dahil sa kanila ay matutunaw na lamang ang mga impormasyon at kaalaman sa atin nakaraan at maiiwan tayong ignorante habang-buhay.

Kung hindi dahil sa mga manulat ay magiging limitado ang takbo ng ating imahinasyon dahil dinadala nila tayo sa iba't-ibang mundo.

Naliwanagan ang ating isipan at mundo mula sa mga libro na nilalaman ng bawat memorya

Noong panahon ng Kadiliman ay sinunog ng mga sundalo ni Pangulo Liberato ang pampublikong silid-aklatan upang palitan ito ng kanilang libro na siyang maghuhugis ng isipan ng masa.

Hindi na ko magtataka kung bakit marami ang panatiko ni Pangulo Liberato na halos sinasambahan na siya na tila isang santo o mas higit pa sa isang Diyos.

Iba talaga ang nagagawa kapag ang taong makapangyarihan ay nagagawa niyang kontrolin ang pag-iisip ng isang tao, ang buhay nito'y nasa ilalim ng kamay ng kasamaan at pang-aapi.

Pinagbabawal niya ang mga tao na magbasa na kahit anong libro maliban lang sa libro na inimprinta sa eskwelahan na may mukha niya sa kober.

Karamihan ng libro na narito ay niligtas mula sa pagsunog noong Kadiliman. May iba pa ngang libro ay may sunog na parte sa kober at iba naman ay halos nawala ang kalahating pahina at puro abo na lang ang naiwan.

Ang pagbabasa ay armas ng isipan. Kung gaano karami ang iyong nabasa, maaari mo itong gamitin bilang sandata sa lipunan.

Binabalutan na ko ng antok pero gusto ko pang magtuto at mag-aral. Sinusulit ko na ang pagkakataon na makahawak ng libro at magbasa.

Natanaw ko si Binatang Bukid na nakaupo sa bintana, ang likod niya ay nakasandal sa gilid nito. Nakapatong ang siko niya sa ibabaw ng kanyang hita, may hawak siyang libro sa isa niyang kamay at napansin ko muli iyong ugat niya na umaabot sa kanyang braso.

Umiling-iling ako sa sarili ko at nagtuon na lang sa anunsyo ni Tyranny.

Isa-isa pinakilala kami ni Tyranny sa harap ng mga Ibong Maya sa kanilang lugar. Nakapila kami sa likod ng plataporma, naghihintay na matawag ang amin alyas.

Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now