Kabanata 40

13 2 2
                                    

Ipagpatawad by Janno Gibbs

***

Kabanata 40

Pagod Na Ko


"Hindi pa rin kayo nag-uusap ni Eufemio?"

Pinili kong hindi pansinin ang tanong ni Luisa, umaasa na hindi niya na ipilit ito.

Magkahiwalay kaming umupo ni Eufemio sa eroplano. Katabi niya si Caloy na patuloy na dumadaldal. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana, nakikinig sa kundiman mula sa radyo.

"Huy! Nakikinig ka ba?" Nilingon ko si Luisa.

"Ano pa bang kailangan pag-usapan?" iritado kong tanong. Wala ako sa wisyo makipag-usap.

"Hindi kasi kayo ganito. Hindi ito ang hinahangaan kong relasyon na matatag at palaging lumalaban. Ang lamig niyo na sa isa't-isa."

"Hindi ako pumili ang sukuan ang Ibong Maya. Gusto ko pa rin lumaban."

"Nako... Paano na kayong dalawa?"

"Hindi ko alam kung mayroon pa ba kami."

"'Wag ka naman ganyan! Parehas kayo hindi masaya kapag ganito lang kayo!"

"Pwede ba 'wag ka na lang mangielam ng ibang relasyon na wala naman kinalaman sa'yo?"

Natahimik siya sa sinabi ko.

"Mananahimik na lang ako."

Napalingon ako sa direksyon ni Eufemio na nakatingin na pala sa akin. Narinig niya siguro ang sinabi ko kay Luisa. Umiwas na ko ng tingin at tumuon na lang sa bintana ng eroplano.

Nagsisi ako sa sinabi ko kay Luisa pero masyado pa rin malagim ang saloobin ko matapos gawin iyon ni Tyranny sa amin. Mabuti na lang tinulungan kami ng kasama namin na makasakay ng eroplano papunta sa lugar na hindi madadaanan ng grupo ni Tyranny.

Ang eroplano na sinakyan namin ay luma na at pang pribadong paglipad lang. Pinuntahan namin ang Hapao Hot Springs habang nasunod kay Luisa at nagrenta ng dalawang kabanya, hiwalay ang babae at lalaki.

Gumala pa kami sa may ay mga handa ng pagkain ang hapag-kainan katulad ng inlagim, vah-vah, gajiw, at binakie. May ice tea rin na tumutulo ang patak ng lamig sa ibabaw ng lamesa.

"Ano ito? Bakasyon?" nagtaas ang makapal na kilay ni Doctor Lionel.

"It's good for us to unwind." tugon ni Luisa.

"While millions of other filipinos are starving?" nagtaas ang kilay ni Doctor Lionel.

"Bakit may suot kang summer shirt?" pagtataray ni Luisa.

"Binili ko. May angal ka?" naghalukipkip siya.

"Sungit naman ni doktor."

"Hoy, dapat hindi mo ganyan kausapin ang dalagita, galangin mo naman, doktor." nakangisi na sabi ni Riyo, ang braso niya'y nakapatong sa sandalan ng upuan niya.

"I just don't get why we're here, dining and renting a place in a hot springs. What for? What good will it do to Ibong Maya and the people?"

"Tsk. Magtiwala ka naman kay Luisa. Matalino rin 'yan." ngumuso sa kanya si Caloy.

"I do trust her. Nagtataka lang ako bakit nasa hot springs tayo?"

"Ma'am Luisa, an enveloped has arrived for you." May lumapit kay Luisa mula sa counter at inabot ang sobre sa kanya.

"Thank you." Tinanggap ito ni Luisa atsaka umalis na 'yong babae.

Sinilip niya ito saglit bago niya tinago ang sobre sa bulsa niya. Humarap siya sa amin.

Rebelation (Unity Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant