Kabanata 26

11 2 1
                                    

Kabanata 26

The Ruins


Nakaupo ako sa gilid ng karwahe ng tren, umaalog ito mula sa daloy ng tren sa riles sa gitna ng hile-hilerang mga puno na may agwat sa pagitan nito. Dumaan ito sa Canlaon City kung saan matatanaw namin ang matanyag na bundok dito.

Tiningalaan ko ang Mount Canlaon mula sa inuupuan ko. Sa dulo ng abot-tanawin na napapaligiran ng gubat, ang matanyag na bundok ay halos maabutan ang ulap mula sa tuktok nito.

 Sa dulo ng abot-tanawin na napapaligiran ng gubat, ang matanyag na bundok ay halos maabutan ang ulap mula sa tuktok nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bumagal ang takbo ng tren hanggang sa huminto ito sa himpilan. Ito ang naging pagkakataon namin upang mag-abot ng tulong at boses sa mga tao na naninirahan doon. Ibinahagi ang aming salita at ang paglalaban ng kalayaan.

May makinig man o wala, ang importante ay naidadala namin sa kanila ang laman ng aming puso.

Halos nanuyo na ang aking lalamunan at bibig nang natapos ang aming talumpati. Naglakad kami pabalik sa istasyon, dumaan sa kapatagan na may mahahabang damo na umaabot hanggang sa tuhod ko. Sumasayaw ang berdeng damo na parang niluluhuran nito ang haplos ng simoy ng hangin.

"Ang laki ng Mount Canlaon!" Sigaw ni Caloy habang nakaangat ang braso niya.

"Malamang! Bundok nga, eh!"

"Ngayon lang ako nakakita ng bundok! Lumaki ka ba naman sa Manila bay." Ngumuso sa kanya si Caloy na siyang nagpatawa sa amin.

Nang sumakay kami sa NRT, tumako muli ito papunta sa destinasyon. Tinuro pa ni Luisa ang Bago River na binasa niya mula sa mapa sa labas ng tren nang dumaan ito sa tulay sa ibabaw ng ilog.

Hinilig ko ang aking ulo upang ipagmasdan ang maputik na kulay ng ilog. Sa sobrang lawak ng ilog, nakakita pa ko ng mga namamangka na tila bang lumulutang sila sa mga ulap.

Sa likod ng silweta ng mga gusali at ulo ng puno, kumislap ang araw sa pagitan ng silweta habang lumulubog ito at naging kulay kahel ang kalangitan hanggang sa dumilim ito nang makarating kami sa kabilang panig ng Bago River.

Lumipas ang oras, huminto ang tren sa istasyon ng Bacolod. Katulad ng mga nakaraan na rutina, nagbigay kami ng talumpati sa mga tao tungkol sa aming misyon para sa kalayaan. Tumutulong sa mga nagugutom at inaabutan namin sila ng aming rasyon.

Ito pa lang ang nagagawa namin para sa kanila pero kung nagtulungan kaming pabagsakin ang sistema, marami pwedeng magbago, maraming mahihirap ang makakaahon.

Nakarating kami sa Talisay ng Negros Occidental. Matapos ng ilang oras ng paglalakad, huminto kami sa harap ng tarangkahan na kataas-taasan.

Inakyat namin ito atsaka pumasok sa loob na walang pahintulot. Nilibot muna namin ang paligid kung may mga sundalo ba rito pero wala naman tao sa buong lugar.

May bukal sa gitna ng espasyo, rinig ang agos ng mga patak mula sa tuktok ng bukal hanggang sa pagtulo nito sa may tubig sa ibaba. Ang lakaran sa paligid ng bukal at papunta sa mansyon ay gawa sa ladrilyo. May mga makukulay na halamanan sa paligid at malawak na damuhan na aabot hanggang sa talim ng gubat.

Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now