Kabanata 17

11 2 5
                                    

Kabanata 17

Liham sa Sangkatauhan


Hindi ako mapakale sa kakaisip kay Eufemio Iñigo Bonifacio.

Simula nang nagpakilala siya at inamin na liligawan ako, nalunod ang aking isipan sa kanyang imahe at epekto niya sa aking damdamin. Pipikit ko lang mata ko, siya na ang nakikita ko. Lilingon ako sa paligid na para bang hinahanap ko siya kahit hindi naman dapat.

Nagising ako sa tuliro nang sinampal ni Gumamela ang aking kamay nang kinamot ko ang aking ulo. Napangiwi ako sa sakit pero sa huli rin ay sumuko ako sa kanya.

"Magsusugat anit mo kapag kinamot mo pa!"

"Hindi ko mapigilan! Nangangati na siya!"

"Tiisin mo! Nagsugat na nga anit ko kakakamot kagabi, eh. Masakit kaya 'yon."

Napasimangot na lang ako. Ang hirap pigilan ng kamay ko na kamutin ito, nararamdaman kong gumagapang ang mga ito at hinihigop ang aking balat na parang mga maliliit na bampira.

Hinawi ni Gumamela ang buhok sa aking anit upang suklayin ito gamit ng manipis na suklay na tila bang karayom ang mga ngipin nito. Napangiwi ako sa sakit lalo na't buhol-buhol ang aking buhok.

"Ang bruha mo naman. Hindi ka ba nagsusuklay?" Daing niya, ramdam ang pagkalas niya sa buhol ng aking buhok dahil nahihigit ang buong ulo ko sa pwersa.

"Ah! Masakit!"

"Tiisin mo! Gusto mo ba gupitin ko buhok mo para mawala 'yong buhol niya?"

"Ayaw."

"Oh, 'di ba? Steady ka lang diyan."

Parang sumabit pa yata iyong suklay sa buhok ko dahil may bigat na ang buhok ko. Lumipas ang ilang minuto ng pagtanggal niya ng suklay sa buhok ko bago siya nagpatuloy muli sa pagsusuklay sa akin.

"Bakit hind ka nagsusuklay?" Tanong niya, kumalma na siya dahil dire-diretso na ang galaw niya.

"Wala akong suklay, eh."

"Hiramin mo suklay ko para may magamit ka pero ubusin muna natin 'yong kuto sa buhok mo."

Inilalapag niya ang mga kuto na nabunot niya mula sa buhok ko sa isang papel upang tirisin ito. Inulit-ulit niya ang proseso nito: ang pagsuklay sa aking buhok, ang pagbunot ng kuto, at pagtiris nito sa papel.

May naiwan na mga pulang tuldok ng dugo sa papel kasama ng katawan ng mga kuto na napisat ng kuko ni Gumamela.

Ilang beses bumaltak ang aking ulo mula sa pagsuklay ni Gumamela, ramdam ko ang kaunting hibla na nahihigit upang mawala ang buhol nito. Hindi naman niya ito sinasadya para masaktan ako.

Ganito rin naman nangyari sa kanya noong tinanggal namin ni Ylang-Ylang ang kuto sa buhok niya. Nagsusugat na kasi anit niya kaya siya ang inuna namin.

"Wala na yata. Ubos na sila."

"Ano pakiramdam ng buhok mo ngayon na nasuklayan na siya?"

Madulas ang pakiramdam ng aking buhok sa pagitan ng mga daliri ko nang sinuklay ko ito. Sulit din pala ang sakit na naranasan ko.

"Ang lambot pala nito."

"At matigas. Pinalambot ko lang 'yan dahil may dinagdag din akong pampalambot para hindi mahirap suklayin."

"Kaya pala bumango."

"Teka. Suklayin ko pa siya para sigurado," humilig si Gumamela sa tainga ko. "Kailangan mo na magpaganda kung gusto mong mabaliw pa siya lalo sa'yo."

Rebelation (Unity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon