Kabanata 13

16 2 1
                                    

Kabanata 13

Sandata


"Nababaliw ka na ba, Tyranny? Tinataguan nga natin ang gobyerno at sundalo pero ipagkakalat mo ang Ibong Maya sa LU?"

"Hindi lang sa LU." Dugtong niya, kampante ang kanyang ngiti. "Sa buong bansa."

Namilog ang aking mata, malakas ang kabog ng aking puso sa dibdib na tipong umaalingawngaw ang ritmo nito sa tainga ko.

Sa buong bansa? Parang itong isang malaking karatula na pinapaalam sa lahat ng maaaring maging kalaban namin na 'ito ang kalaban niyo, ang mga Ibong Maya'. Sa totoo lang, labag ako sa ideyang ito.

Ang nangyari sa palasyo ay hindi na mangyayari ulit. Hindi na kami makakatakas.

Dapat sa una pa lang ay pinatay na kami ng mga Liberators ng pangulo pero hindi niya lang ginawa ito dahil hindi kami ganoon kalaking panakot sa kanila, naging katatawanan pa kami ng pamahalaan, ganoon kababa ang tingin nila sa amin, iyong tipong kaya nilang hiwain ang aming leeg habang natutulog kami kung gugustuhin man nila.

Nakita namin itong resulta sa balita, mabilis nilang binato na terorista kami, mabilis na baguhin ang kwento at laruin kami.

Sila ang may kontrol ng mediya, hukbo, at masa.

Wala silang kinakatakutan. Wala silang limitasyon. Walang makakapigil sa kanila na kahit ang batas ay niluluhuran sila.

Kinuyom ko ang aking kamao. Itong mga naiisip ko ang dumadagdag sa rason kung bakit kailangan kong lumaban.

May parte sa aking damdamin na umuudyok na gawin ito, na isigaw sa buong mundo na kami ang Ibong Maya, tayong lahat ay Ibong Maya, ang sangkatauhan ay lilipad sa kalayaan.

Ngunit, ang parte ng takot ang pumipigil sa akin. Kapag nawala na ang mga Ibong Maya, sino pa lalaban sa korup na sistema?

"I thought we were going to be discreet." Si Binatang Bukid na ang nagsalita. "Hindi ba dapat nagiging maingat tayo? Kapag nalaman nila ang Ibong Maya, mangangaso na ang sundalo para patayin tayo."

"Kapag nag-ingat tayo, wala tayong mababago. Lahat may risk ang bawat kilos natin pero kailangan natin harapin ito." Inilingan siya ni Tyranny.

"Oo nga pala. Dapat inuna natin ang Alipin Academy. Sila ang mahihirap, hindi ba? Pero inuna natin ang anak ng mga mayayaman." Ngumuso si Tilapia.

May punto naman silang dalawa. Kahit sabihin natin na inilantad namin ang aming sarili sa harap ng maraming tao, hindi ibig sabihin nito'y ipagmamalaki na namin sa buong bansa kung sino kami.

Ang akala ko'y dahan-dahan lang muna, mag-uumpisa sa isang lugar hanggang sa ipalago ang pangalan ng Ibong Maya kapag nakuha na namin ang tiwala ng mga tao.

Kung pinalabas namin ang Ibong Maya sa buong masa, maaaring isipin lang nila kung ano ang tinatak sa kanila ng mediya, na terorista kami, na kalaban kami ng bansa.

At sa mga mayayaman? Ano bang pake nila sa amin? Buong buhay ko sa kalsada, marami akong nakakasalubong na mayayaman ngunit walang isa ang umalok ng tulong man lang kahit para sa pamilya ko ito ibibigay.

Nakasakay sa malalaki at magarang kotse, may suot na pang mayaman na damit, lagi nagsasalita ng Ingles na tila bang pang mababang estado lang ang Tagalog o iba pang linguahe sa Pilipinas.

Ayoko silang husgahan pero hindi ko maiwasan magkaroon ng galit sa kanila. May kalabisan silang mamili ng laman sa kanilang pridyder samantala ang mahihirap ay tinitipid pa ang ulam na umabot ng isang linggo.

Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now