Kabanata 7

24 2 1
                                    

Kabanata 7

Tagu-Taguan


Makikita sa paligid ang imahe ni Pangulo Liberato.

Mula sa mga posters sa pader ng una, pangalawa, at kasalukuyan niyang pamahalaan, sa billboards na makikita sa gilid ng highway at gusali sa kapital, pati na rin sa mga simbahan at eskwelahan.

Siya pa ang naging mukha ng mga libro ng pang-eskwelahan ng bawat pribado at pampublikong paaralan.

Kahit saan kang lilingon, palagi mo siya makikita. Kahit saang kang pupunta sa Pilipinas, parati siyang nagbabantay sa'yo.

Sa una akala ko na pangkaraniwan lang itong gawain, na madalas itong ginagawa katulad ng mga sikat na artista kapag mayroon silang ilalathala na produkto. Bakit hindi rin gawin ng isang pangulo, hindi ba?

Maling-mali ang akala ko.

It is the constant reminder that the higher ups are always watching and controlling you can be seen everywhere.

English is a primary language. Tagalog is secondary. Bisaya and other native languages in the Philippines are forbidden.

Baybayin is an act of crime punishable by death.

Paano naging primary language ang Ingles kung karamihan sa atin ay nag-Tatagalog? Ang una pa rin ituturo ay Tagalog pero mas pinapahalagahan pa rin ang Ingles dahil iyon ang magtuturing na mas angat ang isang tao kaysa sa iba na Tagalog lang ang kaya nilang bagkasin sa kanilang dila.

Simula nang namuno si Pangulo Liberato, nagbago ang takbo ng ating bansa.

Bumilis ang ekonomiya pero maraming naghirap dahil hindi sapat ang sweldo sa kanila, maraming nabebentang produkto pero nagugutom naman ang mga magsasaka, mangingisda, at marami pang ibang nagpapakahirap sa kanilang kabuhayan.

Kadalasan ang pondo na pinangako niya na papatuparin katulad ng Forest Protection Project at Anti-Starvation Program ay napunta sa pagtayo niya ng sariling hukbo na may mga tangke, eroplanong digmaan, mortar, at sundalo na may mahabang taon ng pagsasanay sa pakikipaglaban.

Sa maikling pagsasabi, walang tsansa ang mga tao na labanan ang gobyerno.

Nalaman lang ito noong binuking ang pangulo ng mga organisasyon na inakala may gagawin silang proyekto. Sa huli'y binuwag ang kanilang organisasyon at wala nang pumoprotekta sa kalagayan ng gubat at tumutulong sa mga nagugutom.

Sa kadahilanan nito'y napatag ang kagubatan ng mga minahan ng malalakas na kumpanya hanggang sa naubos ito. Ang mga gubat na dapat pinapahalagahan noon ay tinayuan ng mga sementong gusali.

Nagkaroon ito ng matinding epekto sa Pilipinas.

Sa sobrang init ng panahon, wala nang makikita na mga bata na naglalaro sa labas ng kanilang bahay. Hindi rin pwedeng magtagal sa initan dahil maaaring ikamatay ng isang tao dulot ng dehydration.

Ang mga natirang gubat ay kadalasan naging parke o hindi na pinansin ng mga nagmimina dahil alam nilang wala silang makukuha na mineral sa lupa nito.

Tuwing may bagyo sa Pilipinas, maraming nasasalanta at naapektuhan sa trahedya. Bumabaha na halos aabot sa bubong hanggang sa lumipas ang ilan linggo at bumababa rin ang tubig.

Halos nasa apatnapung porsyento ng populasyon ang nawalan ng bahay at kabuhayan. Karamihan pa sa kanila'y nagugutom at nakatira na lamang sa Free Housing ng gobyerno pero kulang naman ng kuryente, tubig, at maayos na pundasyon.

"Sampaguita, paabot ako ng pamaypay." Utos ni Gumamela na nagpagising sa akin sa tuliro.

Kinuha ko ang pamaypay sa rattan napsak at inabot ito sa kanya.

Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now