Kabanata 19

11 2 3
                                    

Song: Laro by Autotelic

***

Kabanata 19

Habulan


Inabangan namin ang pag-alis ni Ylang-Ylang at Tyranny.

Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay kubo, pinapanuod ang mga tao ng nayon nagpapaalam sa kanilang dalawa, niyayakap sila, at binibigyan ng regalo na madadala nila pero tinanggihan lang nila ito.

"Salamat po. Ay 'di po namin madadala 'yan. Opo, nakahanda na ang rasyon namin. Mag-ingat din po kayo sa isla."

Namilog ang aking mata nang makita ko na si Joana at Gavino ay may dala rin rattan napsak. Kasama sila sa misyon pero hindi kami sasabay? Ibabalik nga pala ni Tyranny ang dalawa sa Manila. Pero...

Paano kung nagbago ang isip niya at sila na lang dalawa ang papalit sa amin?

Nilapitan kami ni Ylang-Ylang at Tyranny, nasa likod nila si Joana at Gavino, may ilan din silang kasama na may takip ng bandana sa kanilang bibig at ang mata lang nila ang nakikita sa kanilang mukha.

"Manatili lang kayo sa nayon at gabayan sila. May mga tungkulin kayo mamaya, tama? Sa kamalig si Gumamela, dalampasigan si Tilapia, kayo naman sa bukid ni Binatang Bukid at Sampaguita. Abangan niyo ang balita sa telebisyon." Utos ni Ylang-Ylang.

Hindi kami tinitingnan ni Tyranny na tila bang nandoon pa rin ang hinagpis ng aming takwil sa kanya. Isa rin itong takwil sa amin na hindi namin magawang tanggapin, ang iwanan kami sa isla.

"Mag-ingat kayo sa misyon niyo." Malamig kong sabi.

"Misyon natin." Pagtatama ni Ylang-Ylang.

"Hindi naman kami kasama." Sumimangot si Tilapia.

"Hindi man kayo kasama pero ang suporta niyo ang magiging lakas at gabay namin."

"Iyan ba ang magliligtas sa atin? Ang suporta na wala naman napapala?"

"Malaya..." May pagsisisi sa tono ni Ylang-Ylang pero hindi ko pa rin ito matanggap. Hinawakan ni Tyranny ang balikat niya upang talikuran na kami.

Walang imik silang naglakad sa gilid upang kunin ang iba pa nilang kagamitan para sa kanilang paglakbay. Iniisip ko sana na magtago kami sa mga rattan napsak pero alam namin na may mga kailangan silang gamit na hindi namin pwedeng tanggalin para lang kami magkasya sa loob.

Wala akong karapatan magalit dahil lumabag ako sa kanilang panuntunan ngunit hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng matinding dismaya at frustrasyon dahil hindi nila man lang kami pinakinggan.

"Hintayin niyo lang sila sumakay. Laro muna tayo habang nagpapaalam pa sila sa mga tao ng nayon." Payo ni Luisa na nakahalukipkip.

"Ano oras ang alis nila?" Tanong ni Eufemio.

"Alas tres ng hapon."

Kasama roon ang mga mangingisda, magsasaka, at iba pa na nakapalibot sa kanila, kabilang na roon sina Tita Edna, Manong Ben, at ang Saranggola boys na dala ang kanilang saranggola pero sa huli rin ay humiwalay sila sa mga kumpulan ng tao.

"Pasensya na pinaiwan kayo ni Tyranny. Nakapagpaalam na kayo sa kanila?" Tanong ni Tita Edna, dala ang kanyang sanggol na kahit kailan ay hindi ko pa nakikita na binibitawan niya at iniiwan nang mag-isa.

"Mamaya na kami magpapaalam." Tugon ko.

"Hayaan niyo na. Mas ligtas pa kayo rito. Kahit nakakapagod magbantay ng bukid, hindi niyo kailangan matulog na bukas ang isang mata." Dugtong pa ni Manong Ben, puno ng pawis ang damit niyang suot.

Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now