Kabanata 2

87 7 0
                                    

Kabanata 2

Binatang Bukid


Ito muli ang araw na nakabalik ako sa silid-aralan.

Ang tagal ko na hindi nakakabuklat ng libro. Ang tagal ko na hindi nakakapasok para mag-aral. Ang tagal ko na naghihintay ng pagkakataon na matuto.

Ang sarap sa pakiramdam na makapag-aral ulit. Hindi ko maintindihan kung bakit may ibang mga estudyante na tinatamad mag-aral. May ilan pa sa kanila'y pinapabayaan ang oportunidad na matuto ng iba't-ibang kaalaman, nakakapanghinayang isipin na hindi nila nakikita ang ganda at pribilehiyo ng kanilang posisyon sa klase at lipunan.

Ang swerte na nga nila na may oportunidad sila. Pinapangarap ko rin na makasama sila sa isang paaralan at sabay-sabay na magtatapos ng antas na may toga at diploma.

Huwag niyo sayangin ang matrikula na binabayaran ng magulang ninyo upang makapag-aral kayo at mabigyan ng magandang kinabukasan. Hindi niyo man mapapansin ang paghihirap, dugo, at pawis na kinalakal nila sa kanilang trabaho o negosyo, kung ikaw ay may pinag-aaralan, ikaw ay pinapahalagahan ng magulang mo at ang iyong kinabukasan.

Bilang estudyante ng buhay, lahat tayo ay may pangarap na sinusundan. Iyon ang nagiging ugat ng apoy sa ating puso, ang ating lakas na magpatuloy pa kahit gaano kahirap ang mga hadlang, kahit may mga limitasyon man tayo, pero ang ating pangarap ay hindi nalilimitahan sa kahit sino. Para ito sa ating lahat na makamit sa ating mga kamay.

At ang pangarap ko? Ang makatulong sa ibang tao na naghihirap katulad ng naranasan ng pamilya ko upang wala na maghirap pa sa mundong ito.

Bago pa ko pumasok sa klase, naligo muna ko sa isang banyo. Halos itim at may halong mga buhangin ang tubig habang nililinis ko ang sarili ko. Ang sarap maligo! Pakiramdam ko na tanggal na lahat ng dumi sa katawan ko.

Binigyan din nila ako ng maayos na damit, hindi na iyong punit-punit at dugyot na ginagamit ko. Sinuot ko muli ang sampaguita bilang kwintas sa aking pulso atsaka pumasok sa silid-aralan.

Hindi ako mapakale sa inuupuan ko. Atsaka ko lang napagtanto na paano kung masyadong adelentado ang kanilang ituturo? Maiintindihan ko kaya ito kahit ang aking kaalaman ay hanggang elementarya lamang?

Sinabihan din ako ni Gumamela na iba raw ang tinuturo nila sa kanilang estudyante, iyong mga impormasyon at kaalaman na hindi tinuturo sa kahit anong eskwelahan.

Mas lalo akong naging sabik na alamin kung ano ang kanilang tinuturo. Nauuhaw na ko na matuto ng mga bagong kaalaman na siyang papahalagahan ko habang-buhay.

Tumigil ang kanilang daldalan nang may pumasok na lalaki sa silid-aralan, isang rebelde na hindi ko pa nakikita sa kanilang grupo. Ay, teka lang. Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.

"Kasama natin?" tanong ko kay Gumamela.

"Siya ang magtuturo sa atin," sagot niya. "Hindi mo pa ba siya kilala? Kasama lang natin siya kahapon sa bonfire."

Namilog ang mata ko. Ang hirap paniwalaan na itong lalaki na halos kasing-edad ko lang ang magtuturo sa amin. Nasanay na siguro ako na mga mas nakakatanda ang nagtuturo. Akala ko katulong lang siya ng magtuturo.

"May titser tayo." mapanuri kong tiningnan ang lalaki na inaayos ang gamit sa lamesa niya.

"Hind sila titser. Mas pinipili pa nilang matawag sa alyas nila."

"Bakit? Ganito naman ang ginagawa ng mga guro, hindi ba? Ang magturo sa klase?"

Umiling-iling siya.

"Katulad ng sinabi ko, hind sila titser. Taga-laganap lang sila ng kaalaman mula sa pundasyon ng ating samahan."

Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now