Kabanata 28

16 2 5
                                    

Thank you xxxashesxxx

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/4/4e/Calbayog_from_above.jpg

https://www.projectlupad.com/wp-content/uploads/2017/11/Longest-Bridge-in-the-Philippines-Aerial-Tour-Project-LUPAD.jpg

https://sgp1.digitaloceanspaces.com/tz-mag-ph/wp-content/uploads/2017/10/10161829/surigao-770x475.jpg

---

Chapter 28

San Juanico Bridge


Hinintay namin si Bicol Express na iikot ang tren sa isang makina kung saan nanatili ang tren sa gitna. Kusa itong umikot upang ang ulo nito'y nakaturo sa daan na babalikan namin.

Ang riles na pabalik sa Fort San Pedro.

Hindi man kami nakaabot ang naglaho sa Lanit pero may tsansa pa kaming balikan ang Fort San Pedro upang pakawalan ang mga kinulong nila.

"Bakit nila binobomba ang mga tribu?! Bakit nila kailangan paslangin ang mga walang kalaban-laban sa kanila?!"

Hindi pa rin sila mapakale, ni hindi na nga kami makatulog dahil tumatak sa utak namin ang aming nasaksihan.

Ang mga abo...

"Lumaban na tayo ngayon! Sugurin natin ang Fort San Pedro upang pakawalan ang mga kinulong nila sa kuta!" Udyok ni Eufemio, nanggigigil sa memorya na tumatak sa isipan niya.

"Pero paano ang mga lugar na hindi pa natin pinupuntahan?" Naguguluhan kong tanong.

"Wala na tayong oras pa para libutin lahat! Tayo ang mawawalan ng oras, hindi sila!" Sabi ni Caloy.

"Bukod sa mauubusan tayo ng oras, kailangan na rin natin pumunta ng Mindanao!" Dugtong pa ni Luisa na nakahalukipkip.

"Ibong Maya! Tipon!"

Nagtipon kaming mga Ibong Maya sa harap ng tren ng NRT nang tinawag kami ni Tyranny, dumadami ang bilang, tumatatag ang ambisyon para sa pagbabago. Bakas sa kanilang ekspresyon ang determinasyon na gumawa ng aksyon.

"Ang ating samahan ay may tungkulin para sa masa. Ang Ibong Maya ay lilipad ngunit kailangan natin sirain ang posas na kumakadena sa ating mga kapwa. Nagtawag ako ng mga kasapi. Ihanda ninyo ang iyong sarili sa paparating na labanan," sabi ni Tyranny.

Tumango kami at sabay-sabay na sumigaw ng: "Laban!"

***

Tahimik ang buong biyahe pabalik sa Cebu at ang tanging tunog lang ng tren sa riles ang nag-iingay.

May inilabas silang itim na pintura upang ipinta ito sa aming mukha gamit ng daliri, isang bahid ng guhit sa gilid ng pisngi. Ipinatong ang ibong maskara sa aming mga nagliliyab na mata.

Pinagmasdan ko si Eufemio na sinuot ang kanyang salakot sa ulo, ang buhol nito'y nasa ilalim ng kanyang baba upang hindi ito matangay. May napansin ako sa kanyang mata na hindi ko pa nakikita noon pa.

Ang malambing at maamo niyang mata ay umaapoy na ngayon ng matinding galit upang ipaghiganti sila.

Hindi ko nagustuhan. Hindi siya ganito.

Inabot ko ang aking kamay sa kanya at ipinisil ito. Nawala siya sa tuliro at napatingin sa akin.

"'Wag ka malulong sa galit mo." Untag ko.

Napangiti siya, bumabalik muli ang pagkamarahan niya atsaka tumango siya.

"Wala silang karapatan na kumitil ng buhay." Bulong niya.

Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now