Kabanata 33

22 3 1
                                    

Lahat ng Araw (Silayan) - Kundiman ni Diomedes Maturan

---

Kabanata 33

Eden's Solace


Naging pansamantalang kanlungan namin ang Eden's Solace sa Cagayan de Oro.

Nilanghap ko ang sariwang simoy ng hangin. Matatanaw ang buong tanawin mula sa pwesto namin sa taas ng burol. Ang mga siyudad at bahay mula sa malayo, ang mala-dagat na mga puno at bulaklak.

Mabuti na lang hindi pa ito napapatag katulad ng nangyari sa Chocolate Hills ngunit alam kong hindi rin itong magtatagal dahil balang araw, mawawala rin ito dahil sa kanilang kasakiman.

Nagsimula ang biyahe mula Cotabato City, papuntang Valencia City, sunod ang pag-ikot sa Mount Katanglad. Inabot kami ng tatlong araw buong biyahe bago kami nakarating sa Cagayan de Oro. Nilakad pa namin ang Eden's Solace mula sa stopover ng tren.

Pagod ang mga kasama namin sa biyahe kaya ilan gabi rin kaming natulog at kumain sa Eden's Solace, ito ang naging pahingaan namin sa ngayon.

Pagod ang mga kasama namin sa biyahe kaya ilan gabi rin kaming natulog at kumain sa Eden's Solace, ito ang naging pahingaan namin sa ngayon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Don Carlos, Kibawe, Esperanza, Tagoloan, New Bataan, Molave, Naga..."

Napalingon ako kay Joana na may hawak ng mapa, nakaupo siya sa tapat ng piknik na lamesa.

"Ano 'yong ginagawa mo?" Umupo ako sa tabi niya.

"Ah. Binabanggit ko lahat ng mga lugar na naabutan ng broadcast namin. Ginawa rin namin ito sa Visaya."

"Ano ang laman ng broadcast?"

"Siyempre, ang mga Ibong Maya! Ano pa ba?" tugon ni Joana, naghalukipkip pa siya na para bang halata naman ang sagot. "Lahat ng misyon, mensahe, at tapang ninyo'y naririnig ng sambayan mula sa iba't-ibang panig ng bansa! Kaya 'wag na kayong magtaka na sikat na kayo sa masa!"

Nagpatuloy si Joana sa pagbabanggit ng mga lugar habang tinutuldukan niya ang mapa ng pentel pen.

Parehas silang may kutis at maputi ang kulay ng balat nilang dalawa. Nanggaling sila sa mayaman na lugar, nag-uusap sa matatas na Ingles na mapagkakamalan dayuhan sila.

Tumingala ako kay Gavino na katapat niya lang. Nakatingin siya sa akin. Napaiwas ako ng tingin.

Sa kabilang lamesa, nakaupo si Alamon kasama si Tyranny, Emirah, at iba pang pinuno ng Lumad. Nag-uusap sila sa linguahe na hindi ko gaano masundan.

Ang kasunod na lamesa ay nakaupo sina Doctor Lionel, Florabeth, Lola Betty, at Saraya. Nakipagkaibigan si Florabeth kay Saraya at namamangha sa suot niyang hijab.

"Ang ganda! Pwede rin ako magsuot ng ganyan?"

"Gusto mo subukan?"

Tumango-tango si Florabeth na malawak ang ngiti sa kanyang labi. Tinanggal ni Saraya ang suot niyang hijab atsaka pinasuot ito sa ulo ni Florabeth.

Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now