Kabanata 42

22 2 2
                                    

Ikaw at Ako by Moira Dela Torre

Lost by Over October.

Binibini by Janno Gibbs.

https://i.pinimg.com/originals/03/2b/bd/032bbd7b77b32f9b19a4dc5d163d3f84.jpg

https://doreentheexplorer.files.wordpress.com/2015/06/laag-ta-bai-5.jpg

https://www.ticati.com/img/hotel/10795459s.jpg

https://q-xx.bstatic.com/xdata/images/hotel/840x460/38393685.jpg?k=90632311964af03fe73eeeb27479a0757246d8a076474a1a94f1c8b5e467174b&o=

***

Kabanata 42

Trahe de Boda


Ito ang araw na hindi ko inaasahan.

Hindi ko man lang naisip magpakasal lalo na't sa panahon namin ngayon na lumulusob sa isang bakbakan na walang kasiguraduhan sa aming kaligtasan. Hindi ko rin inakala na may magmamahal sa akin at may mamahalin akong tao bukod pa sa pamilya ko na nawalay sa akin.

Ayoko rin manganak dahil hindi pa rin mapayapa ang mundo, iniiwasan kong may anak na mabibitay sa Capital Punishment, iniiwasan na maging biktima rin ito ng korup na sistema na nagpapahirap sa mga tao, iniiwasan na magutom sa kalsada.

Tinaboy ko ang plano na magpakasal noon pa, ang mahalaga lang sa akin ay may makain at mabuhay, pero ngayon nagbago na lahat ng plano ko. May tsansa akong patuparin ang inakala ko noon ay imposible para sa akin dahil kay Eufemio.

Binigyan niya ko ng tsansa na magkaroon ng simpleng buhay kasama siya at hindi ko ito papalagpasin sa kahit anong sitwasyon pa ng mundo.

Ito ang dahilan kung bakit hindi pa kami sumusugod sa Manila para labanan si Pangulo Liberato. Ito ang pinaplanong sikreto ni Eufemio, ang kasal namin. Ilalaan namin ang oras para sa araw ng aming pagkakaisa ng puso.

Walang makakahadlang sa aming pag-ibig dahil ipaglalaban ko si Eufemio Iñigo Bonifacio, ang aking katambal habang-buhay.

"Sabi ko sa'yo mapapaganda kita sa kasal mo, eh!" sabi ni Luisa, inaayos ang aking buhok na nakalugay. "Well, ano pa bang magagawa ko? Madilag ka naman talaga."

"Maganda 'yong gawa mong trahe de boda ko, may talento ka sa damit, Luisa." puri ko sa kanya.

Nakaharap ako sa salamin habang inaayos niya iyong suot kong trahe de boda. Si Luisa ang nagdisenyo gamit ng talento niyang mga kamay.

Ang laylayan nito ay hugis ng kumpulan ng mga sampaguita, natakpan naman iyong Kalinga tatu ko mula sa trahe de boda ko, mahaba ang manggas, engkahe ang bandang dibdib at leeg.

Pumunta pa kami ng Vigan Crisologo, nagpasya kami ni Eufemio na magpakasal doon. Pumayag naman ang mga kasama namin na matupad itong kasal, natuwa pa nga sila nang malaman nila ito, kasunod nito'y naging suportado sila para sa amin dalawa ni Eufemio.

 Pumayag naman ang mga kasama namin na matupad itong kasal, natuwa pa nga sila nang malaman nila ito, kasunod nito'y naging suportado sila para sa amin dalawa ni Eufemio

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.
Rebelation (Unity Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt