Kabanata 10

16 3 2
                                    

Kabanata 10

Bahaghari


Lumipas ang ilan araw simula nang namatay si Paolo. Halos nakalimutan na ito sa balita, kinalimutan na ng lahat maliban sa mga taong malapit sa kanyang buhay at kaming lumalaban para sa karapatan niya.

Wala pa kami magagawa sa ngayon dahil ang anak ng pangulo'y may immunity. Kailangan pabagsakin ang korup na sistema bago namin makuha ang hustisya para sa pamilya ni Paolo Santillian.

Ngayon, pinag-uusapan nila ang susunod na misyon. Walang lumapit sa amin na estudyante ng LU, kahit gaano pa kaganda o kakumbinsi ang isang talumpati, kung makitid ang utak hindi na ito mababago.

"Naalala niyo noong nireject ng gobyerno ang Same-Sex Marriage at Gender Equality?"

Tumango-tango kaming lahat. Kahit wala akong telebisyon, nakibalita ako sa mga karenderya, bahaghari ang martsa nila na nagpahanga sa akin dahil alam kong maganda iyong pinaglalaban nila.

The government rejected Same-Sex Marriage and Gender Equality Law.

Nang tinanggihan ito ng Supreme Court, may pinalabas si Pangulo Liberato ng batas na Anti-LGBT Punishment. Iyon ay bibitayin ng gobyerno ang kung sino ang parte ng LGBT community.

Simula nang pinatupad ang batas na iyon, ang bahaghari sa amin bansa ay naging kulay abo at apoy na lamang. Naglaho ang kulay ng kanilang komunidad sa takot na masakal ng lubid hanggang sa mamatay sila.

"Panuorin niyo itong record na nakuha ko noong protesta ng komunidad nila." May sinuksok si Tyranny na VHS tape sa dvd player.

Lumabas sa telebisyon ang bidyo tungkol sa ginaganap na hearing ukol sa Gender Equality Law at Same-Sex Marriage.

Hindi ko na maintindihan iyong sinasabi sa balita pero ang nawari ko lang ay gagawa na ng desisyon ang gobyerno sa mga susunod na araw kung ipapatupad o hindi.

Pinakita sa telebisyon ang bilang ng botohan kung alin ang mas angat, kung ipapatupad ba ito o hindi, mula sa publikong opinyon. Pinakita rin ang boto ng ibang senador at miyembro ng kongreso na hiwalay sa isang graph.

May mga nilapitan silang tao na pinayam nila tungkol sa Same-Sex Marriage at Gender Equality. May mga nagagalit sa komunidad, tinatanggihan ang Gender Equality at Same-Sex Marriage, pero may mga pumapayag din sa kanila.

Sumatutal, mas angat ang tumatanggi na ipatupad ito.

Lumalabas sa sosyal mediya ang labanan at alam kong magpapakita rin ito sa realidad.

Binago rin ng gobyerno ang tawag sa kanila. Kung noon ay tinatawag silang LGBT community ngayon ay LGBT community.

"Ano po ang masasabi ninyo tungkol sa Same-Sex Marriage at Gender Equality Bill?"

Itinapat ni Pangulo Liberato ang mikropono sa kanyang bibig mula sa podium na tinatayuan niya, puro puti ang kulay ng suot niya na tila bang pinapamukha niya sa mga manunuod na isa siyang mabuting tao at anghel.

"The Divine Liberato Church stated that Same-Sex Marriage is against the natural law. We are tainting the sanctity of civil union between a man and woman by letting them marry with the same gender in the church. It is sin and it's not their rights to sin at all."

"Sa iyong pananaw, ano po ang masasabi ninyo sa LGBT community?"

"I'm doing the right thing for a good cause. The Anti-Gay Punishment is for their own good to rid them of sins, adultery, promiscuity, and confusion. There is only two genders: a man and woman. They need to accept that fact or there will be consequences."

Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now