Kabanata 36

12 2 3
                                    

Kabanata 36

Anugal del Sol


Hindi ako makatulog.

Simula nang namatay si Gavino sa harap mismo ng aking mga mata, umusbong ang pighati at muhi na matagal ko nang binabaon sa puso ko na unti-unting kumakalmot sa aking damdamin upang makatakas ito.

Hindi ko maiwasan mapaisip na sukuan ito, na talikuran ang lahat para lang makahinga kahit kaunti dahil matagal na kong nasasakal. Sa bawat laban parang may piraso sa akin ang nawawala.

Umaalog ang tren mula sa riles. Rinig ang paghawi nito sa tubig osyano. Nakapwesto kami sa may pasaherong karwahe bukod pa sa ginagamit namin sa likod na pangkargamento lamang, ito'y kalahati ng buong katawan ng tren na nasa harapan.

Napapalibutan kami ng mga hile-hilerang mga malalambot na pares ng upuan na magkadikit sa may magkabilang gilid, ang kompartimento sa ibabaw, ang pinto sa likod at unahan na nakakonekta sa kabilang karwahe na pang pasahero.

Hindi kami sumasakay dito upang maiwasan ang mapaghinalaan ng mga sundalo tuwing inspeksyon nila, ngunit ngayon ay wala na kaming dahilan para magtago pa dahil pabalik na kami sa Anugal del Sol.

May humahagulgol, nilingon ko ang pinanggalingan ng tunog, umiiyak si Joana sa sulok. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.

"Si Gavino... Namatay na siya..." bulong ni Joana sa kanyang sarili. "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa pamilya niya kapag nakabalik na ko sa Manila... Alam kong sisisihin nila ako dahil ako ang may kasalanan kung bakit siya sumama..."

Nilapitan ko siya upang patahanin siya, hinahaplos ang kanyang likod. "Walang may kasalanan. Kahit sisihin pa natin ang mga rebelde na pumatay sa kanya, walang magagawa ang pagsisisi sa kasalukuyan."

Umiling-iling siya sa sarili, hindi pa rin matanggap ang pangyayari.

"Kung hindi ko siya pinilit na sumama, hindi sana mangyayari ito sa kanya..."

"Sa tingin mo ba ikaw ang sisisihin ni Gavino? Ginawa niya ito para protektahan ka niya. Desisyon niya rin na sumama sa'yo pero hindi niyo parehas kasalanan ito."

Napatingala sa akin si Joana, ang mata at ilong niya'y namumula, basang-basa ang pisngi mula sa mga luhang bumuhos mula sa kanyang pagsisisi at kalungkutan.

Kumuha ako ng tela upang ipahid ang tumutulong luha sa pisngi niya. "Sadyang ang buhay ay ganito lang talaga. Hindi mo alam kung kailan at sino ang mawawala sa mundong ito. Walang may kontrolado sa ating kamatayan."

"Ikaw ba? Naisip mo rin bang talikuran itong lahat?"

Napahinto ako sa pagpahid ng luha niya nang ilan segundo, iniisip ito nang mabuti bago nagpatuloy.

"Maraming beses na," pag-amin ko.

"Bakit hindi ka pa rin sumusuko?"

"Dahil mas hinihigitan ko ang aking kahinaan. Magpapatatag ako sa pinaglalaban ko hanggang sa katapusan."

"Kahit pwede kang mamatay?"

"Oo," sabi ko. "Nakakatakot man isipin na pwede ko itong ikamatay pero lalaban pa rin ako dahil alam ko ang halaga ng kalayaan."

Mag-isa na lang si Joana. Wala na si Gavino na parati nandiyan sa tabi niya. Ang kaibigan niya na isa sa mga bahaghari na pinapatay ng batas dahil lamang hindi nila kinikilala ang kanilang pagkatao.

"Gusto mo bang bumalik sa Manila?" tanong ko.

Umiling-iling siya, "Lalaban pa rin. Hihingi ako ng patawad sa pamilya ni Gavino at ipagpapatuloy ang sinimulan namin. Gagawin ko na ito para sa kanya." tumingala siya pagkasabi niya nito na animo'y pinapangakuan niya si Gavino na nagbabantay sa kanya mula sa kawalan.

Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now