Kabanata 46

15 2 2
                                    

Kabanata 46

Hawla


Nagising na lang ako na may suot na filipiniana, alampay at bolera sa aking pang itaas, mahaba iyong palda ko na pang Maria Clara ang pormahan. Nakatirintas din ang aking buhok na naging pusod sa ulo ko.

Hinubaran nila ako at binihisan ng damit. Mga walanghiya talaga! Isa lang ang eksplanasyon kung bakit nag-iba ang damit ko.

Inaangkin ka namin. Pagmamay-ari namin ang katawan mo.

Kung pwede lang akong maghubad pero sa asawa ko lang huhubarin ang damit ko.

Inintindi ko ang sitwasyon ko. Walang bintana. Isa lang ang pinto palabas. May nagbabantay na sundalo, may hawak itong baril at nakatingin nang diretso sa kawalan na parang istatwa. May banyo. Wala ang mga kasama ko.

"Nasaan sila?" tanong ko.

Hindi siya sumagot.

Sumakit bigla ang tiyan ko. Tumakbo ako sa may banyo at sumuka sa may lababo. Ngayon na siya nagpaparamdam. O sadyang nahilo lang talaga ako. May naalala pa ko. Nasa Native Security Center kami, may sumabog, may nakaputing uniporme, ang Liberator.

Hindi sila iyong katulad ng tinatawag namin sa mga deboto ng pangulo. Sila mismo ang sariling hukbo ng pangulo na sumusunod sa kanyang utos bukod pa sa Liberators na may sariling mga heneral at kumander na sinusundan. Dalawang uniporme at hukbo pero iisa lang ang kanilang nililingkuran ng batas.

Mabuti na lang hinayaan lang ako ng sundalo dahil ayoko siyang pumasok sa may banyo para lang bantayan ako. Tiningnan ko ang paligid. Wala rin bintana.

Nang makasiguro na ko na wala na kong mailuluwa dahil puro bula lang din naman ito, lumabas na ko ng banyo. Binuksan ng sundalo ang pinto at sumenyas siya sa akin.

"Sumunod po kayo sa'kin."

Lumabas ako ng kwarto na nasunod sa kanya. Nakatayo na rin sa may pasilyo ang mga kaibigan ko pati si Eufemio na may suot na barong tagalog.

Iniyakap ako ni Eufemio na sobrang higpit, halos hindi na ko makahinga. Kumalas lang kami sa halik dahil hiniwalay kami ng sundalo.

Gusto kong labanan siya at sugurin pero may baril ito. Nakaposas din ang kamay ko. Masyadong mapanganib ang aming sitwasyon.

Namilog ang mata ni Eufemio nang mapansin niya ang suot ko'y naiba na. Mula sa pagkagitla'y napalitan ng nakakasuklam na galit ang ekspresyon niya.

"Tang ina niyo! Hinubaran niyo ang asawa ko!"

Sinugod ni Eufemio ang sundalo hanggang sa natumba ito sa sahig. Kinagat niya ang mukha nito at napangiwi sa sakit ang sundalo. Kung wala lang posas si Eufemio, sinusuntok na siya ng kamao nito.

"Tumigil ka nga! Hindi ko siya hinawakan!" Hinampas siya sa ulo ng sundalo gamit ng dulo ng kanyang baril.

Natumba si Eufemio sa gilid, napakapit sa parte na hinampas niya. Kumulo ang dugo ko.

"Huwag mo siyang saktan!" lumapit ako kay Eufemio. "Magsisisi kang saktan ang Eufemio ko." banta ko, matalas ang aking mata na tiningnan ang sundalo.

Napansin ko ang kilabot sa kanyang ekspresyon kahit hindi niya ito pinapahalata.

"Babae ang naghubad sa kanya, hindi ako." paliwanag niya. "Kalma ka lang, pre."

"'Wag mo akong i-pre. Hindi tayo magkaibigan." malamig na tugon ni Eufemio bago siya nagdura ng dugo sa alpombra sa sahig.

Ang sobrang pula ng mukha ni Eufemio mula sa kanyang muhi. Bihira lang magalit si Eufemio at kung maramdaman niya ito'y nagiging mabangis siyang halimaw upang protektahan lang ako.

Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now