Napalunok siya na siyang nagpaangat-baba ng kanyang lalagukan., napaiwas siya ng tingin.

"Parang huminto ang aking puso noong narinig kong pumutok ang baril... Akala ko talaga tinamaan ka nila..." Umapaw muli ang kanyang luha sa mata niya.

"Ang mga kaibigan natin ang tinamaan."

Niyakap niya ko nang mahigpit, binaon ang kanyang mukha sa gilid ng leeg ko. Ramdam ko ang pagpatak ng kanyang luha sa balat ko. Binalot ko ang aking braso sa kanya at hinagod ang likod niya.

"Napakasakit pa rin na mawala sila... Kapag ikaw ang nawala, hindi ko kakayanin na mabuhay nang wala ka... Mas pipiliin ko pang mamatay na lang..."

"Shh. Hindi ako mawawala sa tabi mo. Mangako ka rin sa'kin na hindi mo ako iiwan." Inangat ko ang mukha niya at pinahid ang luha sa kanyang pisngi gamit ng hinlalaki ko.

Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang kanyang damdamin.

"Hindi ko magagawa 'yon sa'yo dahil mahal kita. Pangako na mamahalin kita habang-buhay at magkasama tayong tatanda sa ating tahanan."

Naiiyak na ko sa mga salita niya na tagos sa puso. Ang mahalaga nandito siya, humihinga at tumitibok pa rin ang puso, kuntento na ko na magkayakap kami nang ganito.

"Pangako, Eufemio. Sa'yo ko lang ilalaan ang kinabukasan ko para sa'tin dalawa. Lumalaban na lang ako para sa'yo. Nais ko rin matapos na ito para makabalik tayo sa tahanan natin."

Hinalikan ako muli ni Eufemio sa labi, dinadamhan ang bawat segundo ng aming pagmamahalan na mahirap kuhanin ng oras dahil sa digmaan.

May tumatawag sa pangalan namin mula sa malayo na siyang nagpatigil ng aming halikan. Ayoko nang kumawala sa kanyang kapit, ayoko na bitawan si Eufemio at pakawalan siya sa mundo.

Dahan-dahan niya kong binitawan upang makatayo ako nang tuwid. Nanatili pa rin ang aming kamay na nakakapit sa isa't-isa, ipinatong niya ang kanyang noo sa akin, at mariin na ipinikit ang mga mata niya.

"Ayoko na bumalik..." Daing niya.

"Tara na. Hinihintay ka nila." Udyok ko.

Bago pa kami umalis, nagkatitigan kami sa mata bago niya muling sinapo ang aking mukha at hinalikan sa labi, dinama ang bawat segundo ng kanyang tamis bago siya tinawag ulit ng kasama namin.

***

Naghihintay ang mga balangay na makapasok sa Pasig River. Kailangan namin sugurin ang Fort Santiago para makadaan sila.

 Kailangan namin sugurin ang Fort Santiago para makadaan sila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Rebelation (Unity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon