Chapter 32: Harsh Confession

914 41 10
                                    

Season 2

Chapter 32

Sky POV

"Secret,"pagsagot ni Zandro sa aking tanong.

Napa-irap naman ako sa kakulitan nito. Tinatanong ko kasi sa kaniya ang dahilan kung bakit siya nagtatago sa likod ng puno.

"Secret mo mukha mo. Ano ba kasi talaga ang dahilan kung bakit ka nasa likod ng puno?"pangungulit ko.

"Kiss muna, dito sa cheeks,"isip bata nitong sagot sabay lagay ng kaniyang daliri sa kaniyang pisnge.

Natawa naman ako sa ginawa nito.

"Ewan ko sa'yo!"natatawa kong tugon.

"Hmp para isang kiss lang naman sa cheeks ang damot!"reklamo nito sabay halukipkip.

Natawa naman ako sa inakto nito.

"Bahala ka nga d'ya—"hindi na nito natapos ang sasabihin ng bigla ko itong halikan sa kaniyang pisngi.

Natulala naman ito sa aking ginawa at hindi nakapagsalita.

Napatawa naman ako sa reaksyon nito. Akala yata n'ya ay hindi ko kayang gawin.

"Ano mister natigilan ka?"knatyaw ko sa kanya.

Napakapit naman ito sa kan'yang pisngi. Nahagip ng aking paningin ang tainga nitong namumula.

"Wag kang madaya dali na sagutin mo yung tanong ko!"pagrereklamo ko dito.

"Ano pa nga bang magagawa ko?"

"Ang totoo n'yan ay nahihiya ako sayo. Baka kasi kaya mo naispang bumukod dahil umamin ako sayong gusto kita. Ayokong mailang ka kapag nakita mo ako kaya ayun palihim lang akong nakasunod sa inyo. Yun ang dahilan ko kung bakit ako nagtatago kanina sa may likod ng puno,"salaysay nito.

Isang malakas na katos naman ang iginawad ko dito.

"Aray ko!"daing nito.

"Alam mo bang nasaktan kita kanina dahil d'yan sa ka-engotan mo?"inis na tanong ko sa kanya.

Hindi naman ito sumagot basta tumungo lang ito. Para siyang batang pinagagalitan ng kaniyang nanay sa hitusra niya ngayon. Sa totoo lamang ay hindi ako natutuwa sa sinabi niyang rason. Pakiramdam ko ay hindi niya pinagtitiwalaan ang aking mga salita.

"Wala ka bang tiwala sa sinabi ko sa iyong Ama?"dagdag ko pa.

"Meron, pero malay ko bang may iba ka pang rason kaya umalis ka sa aming kaharian."sagot nito na parang batang inapi.

"May sinabi ba akong naiilang ako sayo? Diba wala naman?"

"Pero—"magsasalita pa sana ito ng ilagay ko ang daliri ko sa kanyang bibig.

"Look, hindi ba talaga halatang may gusto ako sayo? O sadyang engot ka lang kaya di mo nahahalata. Sapalagay mo ba ay iiyakan kita kanina at mag-aalala ako sayo ng husto kung wala?"irita kong tanong dito.

Bigla naman itong napatunghay at napangiti.

"Gusto mo ko?"gulat na tanong nito na hindi maiwasang mapangiti sa aking sinabi.

"Ay hindi, ang gusto ko yung bulaklak doon sa puno. Bulaklak sa puno i love you!"pamimilosopo kong sagot dito.

"Natural ikaw yung gusto ko, ikaw lang naman ang kausap ko!"angal ko dito.

"Pero bakit parang galit ka? Pero bakit kasalanan ko? Parang kasalanan ko?"tanong nito sabay hawak sa kanyang dibdib. At muli na naman itong nakatanggap sa akin ng katos.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon