Chapter 60: Supreme Mega Cock

190 10 2
                                    

Season 2

Chapter 60

Sky POV

Mabilis akong lumipad pataas, hindi ko mahagilap ang presensya ng kalaban sa kalupaan. Nakita ko si Daks na nakangiti at mula sa kamay niya ang isang napakalaking bolang enerhiya. Napatulala na lamang ako noong ibato niya ito sa aking posisyon.

Halos ilang pulgada na lamang ang layo nito sa akin ng biglang mahati ito ng isang kulay asul na enerhiya. Napatingin naman ako sa taong may gawa noon.

Si Altron!

"Master Sky, ako ng bahala dito. Si Zandro na lang ang tulungan mo!"sigaw nito at mabilis na pinatamaan ang kalaban ng isang napakalaking blue flame. Hindi ito inaasahan ng kalaban kaya't bumulusok ito sa lupa.

"Sigurado ka?"tanong ko dito.

"Oo, huwag kang mag-alala. Kaya ko ang isang to. Tulungan mo na si Zandro at susunod ako doon kapag natapos ko ito agad!"pagkukumbinsi niya sa akin.

Nasa ganoon kaming pag-uusap ng biglang lumitaw ang kalaban sa aming harapan. Mabilis akong itinulak ni Altron gamit ang malakas na pwersa. Nakita ko pang nagbuno ang dalawa sa ere. Nagpalitan ang dalawa ng suntok, napakabilis nila at halos hindi ko na makita.

Ginamit ko ang oportunidad na ito upang lumipad palayo. Habang lumilipad palayo ay hinahanap ng aking mata si Zandro. Kailangan ko siyang makita. Habang nasa ganoon akong paghahanap ng biglang mamataan ko ang isang lupon ng mga Monster Cock papalapit ang mga ito sa akin.

Mabilis akong naghanda, pinagapang ko ang aking Mana tungo sa aking kamao. Sumigalpot ako ng lipad patungo sa kanila, ikinumpas ko ang aking kamay at mula doon ay kumalat ang aking Mana sa ere. Ang Mana ay pumorma na parang stalactites, mabilis ko itong pinakawalan sa ere.

Noong makita itong parating ng mga Monster Cock ay mabilis silang nagwatak-watak ng paglipad. Ngunit sa pag-aakalang maiiwasan nila ang aking Mana ay nagkakamali sila. Hindi titigil ang mga stalactite na habulin sila hanggang hindi sila nito mismo natatamaan. Hinayaan ko na lamang na habulin ng aking Mana ang mga kalaban.

Nakalayo na ako sa kanila nang marinig ko ang sunod-sunod na pagsabog. Natawa ako, mukhang hindi nila naiwasan ang kanilang kamatayan. Sa di kalayuan ay natanaw ko si Zandro na nakikipaglaban sa Supreme Mega Cock. Agad akong sumigalpot ng lipad papalapit sa mga ito.

Habang lumilipad ako ay nagpakawala ako ng sunod-sunod na bola ng enerhiya. Ang lahat ng ito ay tumama sa kalaban, ngunit parang walang epekto ito sa kan'ya. Bigla itong humarap sa akin at mabilis na sinipa si Zandro sa kan'yang tagiliran. Parang kometang sumigalpot pababa si Zandro. Narinig ko pa ang malakas na pagsabog ng lupa dulot ng pagbagsak ni Zandro. Mabilis ko itong sinundan, nagpatibusok din ako ng lipad. Ngunit bigla na lamang sumulpot sa aking harapan ang Supreme Mega Cock. At mabilis akong sinapak, nakaramdam naman ako ng ibayong hilo. Hindi pa ito nakontento, isang malakas na tadyak sa tiyan ang naramdaman ko. Halos mapasuka ako ng dugo sa lakas ng tadyak na natamo ko sa kan'ya. Tumulo ang luha sa gilid ng aking pisngi. Marahas na dinakot nito ang aking ulo, ramdam na ramdam ko ang higpit ng hawak nito sa aking buhok. Pakiramdam ko ay matatanggal ang aking anit sa rahas ng pagkakapit niya.

Kumakabog ang dibdib ko, sa tanang ng buhay ko ngayon lamang ako nakaramdam ng ganitong klase ng takot. Hindi ko mawari, ang aking katawan ay hindi ko maigalaw. Para akong paralisadong tao ng mga oras na ito.

"Gan'yan nga umiyak ka, dahil mamatay ka na ngayon!"pang-iinsulto nito. Mula sa isa niyang kamay ay lumabas ang isang hugis diyamanteng kulay lilang enerhiya. Lumalakas ang kinang ng enerhiya sa kan'yang kamay.

Habang nasa ganoon akong posisyon ay kusang gumalaw ang aking kamay at mabilis na sinuntok ang kalaban sa kan'yang kalamnan. Nagulat ito sa aking ginawa, mabilis itong nawala sa balanse dahilan para makawala ako sa kan'yang sabunot.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن