Chapter 44: Bogambilya

160 14 0
                                    

Season 2

Chapter 44

Sky POV

Tahimik kong binagtas ang pasilyo palabas ng palasyo nina Zandro. Sumipol lamang ako para tawagin ang aking Monokubo. Ilang sandali pa ay nakita ko ang Monokubo na lumilipad sa kalangitan. Napangiti ako, epektibo pa rin pala ang pagtawag sa kanila gamit ang pagsipol. Minsan kasi ay pumapalya ito.

Bumaba ang Monokubo sa lupa at lumakad sa aking tabi. Agad ko itong hinaplos sa kan'yang ulo.

"Hello Tommy, kumusta ka?"tanong ko sa aking Monokubo habang hinihimas ang kan'yang ulo. Kinamutan ko rin ang ilalim ng kan'yang baba. Bagay na gustong-gusto ni Tommy.

Kahit siya ay aking Monokubo ay kawala ito sa kabundukan ng Animus. Hindi ko ito itinatali sa kwadra dahil naaawa ako dito. Alam ko kasing may pamilya si Tommy at alam ko rin na malulungkot siya kapag nawalay s'ya dito. Ayokong maramdaman niya ang naramdaman ko noong inilayo ako ng Thalia sa aking mga magulang.

Niyakap ko si Tommy at doon inihinga ang aking problema. Sabi nila kapag malungkot ka raw ay makakatulong ang pagyakap sa hayop o alaga para ma-lighten up yung mood mo.

Kumalas ako sa pagkakayap sa Monokubo. Mula sa likuran ko ay dinukot ko ang isang malaking piraso ng tsokolate at iniabot sa Monokubo. Agad naman itong tinanggap ng Monokubo at kinain. Pinagmasdan ko lamang ang Monokubo sa kan'yang ginagawang pagkain. Matagal-tagal na rin noong huli ko siyang binigyan ng tsokolate.

Pagkatapos nitong kumain ay sumakay na ako sa likod nito. Hinimas ko ang may bandang leeg nito, tanda na ready na ako at maaari na siyang lumipad sa himpapawid. Sumigalpot ng lipad ang Monokubo sa kalangitan sa isang iglap ay nasa itaas na agad kami ng hardin nina Zandro.

Mabilis na ikinampay ni Tommy ang kan'yang pakpak. Ngayon ay ramdam na ramdam ko ang malamig na hangin na dumadampi sa aking balat. Napakasarap nito at nakakakalma ng sistema. Hindi ganun kainit ang sikat ng araw, Hindi ito masakit sa ulo di gaya sa mundo ng mga tao na kapag lumabas ka ng tanghali na walang sumbrero ay masakit na ang ulo mo pagdating sa inytong bahay.

Mula dito sa itaas ay kitang kita ko ang mga mamamayan ng Azura nakakatuwa silang pagmasdan, maliliit at parang langgam na nagtatrabaho. Malawak ang Azura, kagaya nga ng sinabi ko dati ay nasa loob ang Azura ng isang malaking bilog na pader. At ito ang nagproprotekta sa kanilang lupain bukod sa harang na nasa kanilang kalangitan.

Habang nakasakay sa Monokubo ay pinakiramdaman ko ang paligid. Pumikit ako at nagsimulang lumawak ang aking pakiramdam sa radius na 30 metro. Sa bawat galaw at isod ng Monokubo ay nakikita ko ang mga buhay na nilalang sa aking paligid. Madali kong nasasabi kong kalaban ito o hindi. Ang normal na kulay ng isang espirito ng isang nilalang ay kulay puti, kapag nabalutan ito ng kulay itim o kulay violet ibig sabihin ay alagad ito ng kadiliman.

Ang tawag sa aking ginagawang ito ay Detect, isa ito sa espesyal na kakayahan naming mga Renkar. Nagagawa naming palawakin ang aming senses sa radius na naisin namin. At kahit nakapikit kami ay nakikita namin ang mga tao sa paligid.

Sa kaso ko ay hanggang tatlumpung metro lamang ang kaya ko, samantalang si Mama ay umaabot ng 50 hanggang 100 kilometro ang Detect, bagay na hindi ko kayang gawin dahil sa mahina pa ako. Ako kasi kailangan ko pang gumalaw para masakop ng radius ko ang mga tao sa paligid, unlike kay Mama na naka-upo lamang s'ya habang ginagawa ang teknik na ito. Hindi naman nito kailangan ng Mana, purong konsentrasyon ng diwa lamang ang kailangan dito.

Wala naman akong nakita o naramdaman na kalaban sa paligid, kaya lumabas na ako sa harang ng Azura. Mas tumaas pa ang lipad ng sinasakyan kong Monokubo, ngayon ay halos malapit na kami sa ulap. Mas malamig ang hangin dito. Muli akong tumingin sa baba. Ang lahat ngayon ay nakikita ko sa itaas. Kahit malayo pa ako sa mismong kapatagan ay nakikita ko na ang mga bakas ng pinaglabanan namin. Ang malalaking crater ang tanda na minsan akong nakipaglaban kay Ceris.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin