Chapter 65: Dalawa Laban sa Isa

119 7 0
                                    

Season 3

Chapter 65

Third Person POV

Daang buhay na rin ang nawala dahil sa pag-atake ng mga Monster Cock sa mga Buricats. Patuloy ang kanilang paglaban para sa kanilang kalayaan. Takot, poot, lungkot galit, mga emosyong namamayani sa buong kalupaan ng PussyIsWet.

Bata...

Matanda...

Babae...

Lalaki...

Walang pinipili ang mga Monster Cock sa pagpaslang. Wala silang puso at kaluluwa.

"Bakit mo ba ito ginagawa Barbatos? Ano bang kasalanan ng mga Buricats sa iyo?"tanong ng binata dito. Hindi niya maiwasang mainis sa ginagawa ng kalaban.

"Kasalanan nilang naging babae sila!"sagot nito at mabilis na sumigalpot ng lipad patungo sa posisyon ng Renkar. Agad niyang hinataw ang kan'yang pangalawit sa binata, sinangga naman ito ni Sky gamit ang kan'yang kambal na punyal.

"Ang mga babae ay mahina at walang kwenta! Pangkama lamang sila at panglahian!"dagdag niya. At muli niya itong hinataw ng kan'yang scepter. Muli naman niyang sinangga gamit ang kan'yang kambal na punyal.

Nakaramdam ng ibayong galit si Sky sa kanyang narinig. Nanginig ang mga kamay at kalamnan ng binata. Gumuhit sa kan'yang dibdib ang pinaghalong malamig at mainit na pakiramdam. Ang kan'yang kalamnan ay parang iniipit ng kung anong mainit na bagay na hindi niya maintindihan.

Tumingin siya dito ng may nanlilisik na mata. Mula doon ay naramdaman niya ang unti-unting pagtaas ng kan'yang Mana. Nabalutan ang kan'yang katawan ng kulay lilang enerhiya. Ang enerhiya ay bumilog sa katawan ng binata.

Naramdaman niya ang unti-unting pagkalat ng itim na Mana sa kan'yang katawan. Ang buo niyang braso hanggang kamay ay nabalot ng kulay itim na Mana. Ang itim na Mana sa kan'yang braso ay naging maitim na kaliskis. Nasunog ang kulay puti niyang damit at gumapang paitaas ang kulay itim na damit. Maiihalintulad ang damit na ito sa suot ng mga Shinigami sa anime na Bleach. Kaibahan lamang ay kalahati lamang ng itaas na damit ang may kamay at ang kalahati ay wala na, dahilan para lumantad sa mata ng iba ang makaliskis na kamay at braso ni Sky. Ang pang ibabang bahagi naman ng kan'yang suot ay balot ng kulay lilang enerhiya na maiihalintulad sa apoy. May mga kakaibang simbolong nakaburda sa kan'yang suot.

Nakaramdam naman ng ibayong sakit ng ulo si Sky ng unti-unting tumubo ang kan'yang sungay sa kan'yang ulo. Napasigaw na lamang siya sa sobrang sakit. Ang kan'yang pakpak ay nalagas na mas lalong nakapagpahiyaw sa kan'ya. Para siyang binabalatan ng buhay sa nangyayari sa kan'yang pagbabago..

Ang mga mata niyang kakulay ng araw ay unti-unting kinain ng kadiliman. Humaba ng hanggang bewang ang puti nitong buhok. At mas lalong lumakas ang Mana sa katawan niya. Unti-unting nabasag ang enerhiyang nakabalot sa katawan ng binata. Tumambad sa kaniya ang isang bagong kalaban.

 Tumambad sa kaniya ang isang bagong kalaban

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Where stories live. Discover now