Chapter 2: Flashback

3.8K 159 4
                                    

Chapter 2

Sky POV

Nagising ako sa isang tahimik at madilim na espasyo. Purong kadiliman lang ang nakikita ko. Sinubukan kong tanawin ang dulo nito, ngunit hindi ko ito makita.

"Skyyyy,"bulong ng isang tinig. Nagbigay naman ito ng ibayong kilabot sa aking katawan. Pakiwari ko'y malapit lamang sa akin ang nagsasalita. Para lamang itong nasa aking tainga. Tinangka kong lumingon ngunit hindi ako makagalaw.

'Sleep paralysis?'

'Teka!Teka,nasaan ba ako?Bakit ang dilim?'

"SINO KA!?"sigaw ko. Hindi ito sleep paralysis, dahil kung ito ay sleep paralysis hindi ako makakapagsalita. Pero nagawa kong sumigaw, ibig sabihin may nilalang na pumipigil sa aking pagkilos.

"ANONG KAILANGAN MO SA AKIN!?"inis kong tanong dito.

"Malapit mo na akong makilala. Malapit ng dumating ang takdang panahon,"bulong nito sa akin habang marahang iginagapang ang kan'yang kamay sa aking bewang. Halos mangatal ang aking katawan ng makita ko ang mabalbon at matilos na kuko nito sa kamay.

"Sino ka ba talaga?"ang inis kong tanong sa kan'ya.

"Malalaman mo rin sa takdang panahon,"muling bulong nito kasabay ang pagdila sa aking batok. Gumapang ang kakaibang kilabot sa aking batok sa kan'yang ginawang kapangahasan.

Nasa ganoon akong pagtayo ng biglang maramdaman kong parang hinihigop ng kung anong bagay ang aking katawan. Pakiramdam ko ay nahuhulog ang aking katawan sa walang katapusang lalim ng bangin. Kasabay nito ang pagbalikwas ko ng bangon.

Napatingin ako sa orasan sa aking side table. Alas-kwatro na ng madaling araw halos mag-uumaga na rin. Napatingin na lang ako sa kisame, iniisip kung anong ibig sabihin ng panaginip na yun.

Sa sobrang stress ko sa pagrereview sa mga subjects na hindi ko magets kung ano-ano na ang pumapasok sa aking isipan.

Hindi na ako dinalaw ng antok kaya bumangon na ako sa aking higaan. Bumaba na lang ako upang magtungo sa kusina upang magtimpla ng gatas.

Naabutan ko si Papa na nakaupo at marahang umiinom ng kape.

"Oh anak, ang aga mo naman atang nagising?"tanong ni Papa.

Hindi naman ako agad sumagot, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

'Sasabihin ko ba yung tungkol sa panaginip ko? O wag na lang para di siya mag-alala.'

Napabuntong hininga naman ako bago magsalita,"Medyo stress lang po ako sa school. Sumasakit po ang ulo ko sa pagrereview, medyo marami rin po kasi kaming mga subjects."

"Alam mo anak, hindi ka dapat nagpapaka-stress sa pag-aaral. Dapat ine-enjoy mo lang ito, para madaling pumasok sa isip mo yung mga bagong bagay o ideya na natutuhan mo sa inyong eskwelahan."Payo sa akin ni papa.

Napatahimik lamang ako habang umiinom ng gatas sa tabi ni Papa. Iniisip ko pa rin kung bakit pakiramdam ko ay may mali sa panaginip na iyon.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip na iyon? Babala ba ito sa kapahamakang paparating, o masyado lamang akong nag-iisip ng kung ano-ano at bunga lamang ito ng stress ko sa pagrerview kung kaya't kung ano anong mga bagay ang naiimagine ko.

Matapos akong makakain ng aking breakfast ay agad akong bumalik sa aking kuwarto upang maligo, may sarili kasi akong banyo sa loob ng aking kuwarto. Ang banyo sa baba ay para lang sa bisita at nagtratrabaho dito sa bahay.

Agad kong binuksan ang valve ng shower at hinayaang tumulo ang tubig sa aking katawan. Marahan kong kinuskos ang parte ng aking katawan napadako ang aking kamay sa aking utong, marahan ko itong nilaro hanggang masagi ng isa ko pang kamay ang galit na galit kong alaga.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon