Chapter 20: Crispin X Basilio

1.1K 61 2
                                    

Chapter 20

Zandro's POV

Nasa ganoon akong pagtalon ng maramdaman ko mula sa aking likuran ang isang rumaragasang enerhiya. Mabuti na lamang at malakas ang pakiramdam ko. Mabilis akong nakapag react dito. Agad akong tumalon pataas. Dito ay agad kong pinalabas ang aking pakpak mula sa aking likod. Maging ang aking sungay at buntot ay lumabas na rin.

Tumama ang rumaragasang enerhiya sa puno. Kitang-kita ng aking dalawang mata kung paano tumagos sa katawan ng mga puno ang itim na bola ng enerhiya. Isang malakas na pagsabog ang naganap. Naglikha naman ang pagsabog ng usok na kumalat naman sa paligid. Agad rin naman itong nawala dulot ng pagkampay ng aking mga pakpak sa ere.

Napatingin naman ako sa bumato noon at madali kong nakita ang isang nilalang na nakamantong itim. Aura pa lang n'ya ay nararamdaman ko na agad ang mga negatibong mahika na nakapaloob sa kan'ya.

"Isang malaking pagkakamali na tumapak kayo dito sa isla!"ang sigaw nito sa akin.

Base sa kan'yang boses ay nakatitiyak akong babae ito. Hindi ko lamang makita ang mukha nito dahil may suot itong maskara. Maging ang hulma ng katawan nito ay hindi ko rin masabi dahil sa suot niyang itim na manto na tumataklob sa kaniyang kabuuan.

"Sino ka at ano ang kailangan mo sa akin?!" balik sigaw ko dito.

Halos ilang puno lamang ang layo naming dalawa. Samantalang hindi rin naman ganun kataasan ang aking ginagawang paglipad sa ere ngunit sapat na ito para makita ko s'ya. Hindi ko alam kung anong nag-lalaro sa kan'yang isipan.

Hindi naman ito sumagot bagkus ay bigla na lamang itong sumigaw ng malakas. Napatakip naman ako ng aking tainga sa lakas ng ginawa n'yang pagsigaw. Ang kaniyang sigaw ay maiihalintulad ko sa iyak ng mga gutom na halimaw sa Tartarus.

Walang ano-ano'y biglang nagsulputan ang mga Akuma sa loob ng kagubatan ng Luana. Mayroon sa ere at mayroon din sa lupa. Nanlaki ang aking mata sa aking nakita. Napapalibutan ako ngayon ng isang katerbang mga halimaw. Halos hindi ako agad nakagalaw sa aking kinatatayuan sa sobrang gulat sa nangyari.

"Sh*t, anong gagawin ko?"yan na lamang ang lumabas sa aking bibig.

"Putang*na kaya ko ba ang mga ito?"napamura na lamang ako sa dami ng mga ito.

Higit na mas marami ang mga Akumang ito kesa kanina. Ngunit hindi ako pwedeng magpadala sa aking pagkagulat.

"Crispin! Baslio!"pagtawag ko sa aking kambal na sandata.

Sandaling nabalot ng kulay kahel na liwanag ang aking dalawang kamay. Unti-unting nawala ang liwanag na nakabalot dito at tumambad sa mga mga kalaban ang aking kambal na espada.

Ang hawakan nito ay gawa sa mineral na ginto,ang gitnang desinyo nito ay isang natutulog na dragon maging ito ay gawa rin sa ginto. Litaw na litaw sa espada ang mga kakaibang simbolo na naka disenyo dito. Ang mga ito ay Enchanta na nagbibigay ng kakaibang lakas at kapangyarihan dito.

"MGA KAWAL! WASAKIN N'YO ANG LAPASTANGAN NA IYAN!!!"dumadagundong ang sigaw ng babae sa buong kagubatan.

Naging hudyat ito sa mga hayok na halimaw na sugudin ako. Mabilis ngunit agresibo ang ginawa nilang pagtakbo, halata sa mga ito ang kasabikang patayin ako at kanilang inumin ang aking dugo.

Alerto naman ako, mahigpit kong kinapitan ang aking mga espada. Mabilis kong sinalubong ang mga pasugod na halimaw. Agad kong inihataw ang kapit kong espada sa mga ito, naglabas naman ang aking espada ng isang manipis na enerhiya.

Lahat ng natamaan ng manipis na enerhiya ay nahati ang katawan sa dalawa. Espesyal ang talim ng aking espada, dahil pinanday ito ng mga mahuhusay na Valdier at binasbasan naman ng mga matatandang Ammonn.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon