Chapter 38: Espesyal na Bisita

203 12 0
                                    

Season 2

Chapter 38

Sky POV

Music Playing: Ikaw Lang

Katahimikan, nakita ko na lamang si Zandro na nakatingin sa aking mukha. Pakiwari ko ba ay pinagmamasdan nito ang aking mukha.

Oh, kay gandang pagmasdan

Ang iyong mga mata

Kumikinang-kinang

'Di ko maintindihan

"Ang ganda ng mga mata mo, nangungusap ang mga ito para bang sinasabi sa aking mahalin kita at wag ng pakawalan pa."Wika nito sabay haplos sa aking pisngi.

Ang iyong mga tingin

Labis ang mga ningning

Langit ay bumaba

Bumababa pala ang tala

Namula ang mukha ko sa aking narinig. Wala pang pumuri sa aking mga mata ganoon. Noong bata ako ay ang turing ko sa aking mata ay isang malaking sumpa. Ito ang dahilan kung bakit wala akong naging kaibigan noong ako ay bata pa lamang. Ito ang unang pagkakataon na may pumuri sa aking mata. Ang sarap sa pakiramdam. Hindi ko alam ngunit ang kaniyang mga sinabi ay nagbigay ng kakaibang kiliti sa aking kaluluwa.

Tumingin ka sa 'king mga mata

At hindi mo na kailangan pang

Magtanong nang paulit-ulit

Ikaw lang ang iniibig

"Salamat,"sagot ko dito.

Ngumiti ito at nagsalita ito, "Pero bakit ganun, kahit anong ganda ng mata mo ay may naaaninag akong kalungkutan dito? Malalim ito at nakakalunod, ikinukubli ito ng matatamis na ngiti na sumisilay sa iyong labi,"wika niya habang pinagmamasdan ang aking mata.

At kung 'di kumbinsido'y magtiwala ka

Hawakan ang puso't maniwala

Na ikaw lang ang s'yang inibig

Ikaw lang ang iibigin

Oo, totoo Zandro. Miski ako ay lunod na lunod na rin sa kalungkutang aking nadarama.

"Marahil ang aking pangungulila ang nakikita mo sa aking mga mata. Ang pangungulila ang sanhi ng aking kalungkutan. Halos ilang buwan na rin kaming nanatili dito sa Thalia, hindi ko maiwasang hindi mangulila sa aking mga magulang,"pagsisinungaling ko.

At sa iyong paglalambing

Ako ay nahulog din

'Di ko alam kung ano ang gagawin

'Di ko alam kung saan titingin

Batid kong hindi ito dahil sa pangungulila sa aking mga magulang. Ito ay dahil sa kailangan ko burahin sa alaala ni Zandro. Iyon ang napagkasunduan namin ni Dritan. Buburahin ko ang mga alaala na may kaugnayan sa akin, lahat ng tungkol sa aming pag-iibigan ay mawawala sa kanyang isipan. Napakadaya lamang dahil hindi ko kayang burahin ang sarili kong alaala.

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Marahil parehas na kaming naubusan ng sasabihin. Wala akong ibang naririnig kundi ang hampas ng mga alon sa tabing dagat at ang mga huni ng mga ibon na lumilipad. Tahimik kong pinagmamasdan ang mukha ni Zandro na ngayon ay nakatangin sa malawak na karagatan. Nakatulala ito, marahil ay may mga bagay na tumatakbo rin sa kanyang isip.

"Sky,"pagbasag nito sa katahimikan.

Halik sa labi

Tinginan natin

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon