Chapter 18: Bangungut sa Isla

1.3K 72 12
                                    

Chapter 18

Third Person POV

Tahimik na tumatalon si Jairus sa sanga ng mga puno. Ang kan'yang dibdib ay kumakabog sa kaba. Ngayon n'ya na realize na sobrang hina n'ya pala at lagi s'yang naka-aasa sa kaibigan n'ya.

Kagaya kanina kung hindi s'ya minotivate nito ay hindi n'ya malalabanan ang halimaw na gustong kumain sa kan'ya. Sa madaling salita ay isa s'yang pabigat sa mga ito. Wala s'yang ambag sa grupo kundi ang kan'yang walang katiyakang plano na miski s'ya ay hindi alam kung magtatagumpay ba ito.

Hindi n'ya maintindihan ngunit masama ang loob n'ya sa nangyari kanina. Mabigat ito at nagwawala sa kan'yang dibdib. Pakiramdam n'ya ay wala s'yang kwenta sa oras na ito, na totoo naman talaga.

Nasa ganoon s'yang pag-iisip ng biglang mag-sala ang kaniyang isang paa sa sanga dahilan para malaglag s'ya sa puno. Tila ba slowmotion ang nangyari, kitang kita ng kan'yang mata ang mga maliit na sangang palaglag sa lupa dulot ng pagsasala ng kaniyang paa sa sanga.

Sa kaniyang pagbagsak ay ramdam n'ya ang tigas ng lupa. Tumama ang likod ng kan'yang ulo sa malalaki at makakapal na ugat ng puno. Ramdam n'ya ang dugong lumalabas sa kan'yang ulo,hindi rin n'ya maikilos ang kan'yang katawan dulot ng pagbagsak sa mataas na lugar.

Unti-unting bumigat ang talukap ng kan'yang mata, sa pakiwari n'ya ay parang hinihipan ng hangin ang kan'yang mga mata. Wala s'yang ibang nagawa kundi ang magpatangay dito.

Ngunit bago s'ya pumikit ay may naaninag s'yang lalaking papunta sa kinalalagyan n'ya.

"Sky,"bulong nito at sinubukang igalaw ang kaniyang kamay ngunit bigo s'ya.

At ang lahat ay naging blanko na para sa kan'ya. Tuluyan na s'yang nawalan ng ulirat.

Sa kabilang banda...

Abala si Sky sa pakikipaglaban sa mga Akuma hindi n'ya alam ang uunahin sa dami ng mga ito. Halos paubos na rin ang mana n'ya, hindi biro ang dami ng mga ito. Sa pakiwari nito ay hindi nauubos ang kalaban n'ya.

Mabilis ang ginawa n'yang pag-iwas, tumalon s'ya sa may bubungan. Agad n'yang binalot ng Mana ang ang kaniyang kamao. Ramdam na ramdam n'ya ang pagod sa pakikipaglaban sa mga ito. Halos ilang oras na rin s'yang nakikipag-laban.

Agad s'yang tumalon at sumalubong sa mga pasugod na kalaban. Nagpakawala s'ya ng malalakas na suntok. Mabilis namang nabubura ang mga Akuma na natatamaan nito.

"Dritan, ilang porsyento na ang nagamit ko sa aking kapangyarihan?"tanong nito habang abala sa pakikipag-laban.

"75% Master, masyadong marami ang Mana na ginamit mo kanina sa iyong pag-atake,"sagot ng Familiar sa kan'ya.

Tumango naman ang binata sa sinagot sa kan'ya nito.

"Sige tapusin na natin ito ng mabilis."

Muli n'yang ibinukas ang kan'yang kamay at nag-ipon ng enerhiya. Mabilis na dumaloy ang mana sa kan'yang ugat at pinakawalan ang dalawang energy obs sa kalangitan. Mabilis na hinigop ng mga dalawang energy orbs ang mga kalaban.

"Purge,"bulong n'ya kasabay nito ang pagsabog ng puting energy orbs sa kalangitan.

Mabilis na nabura ang mga Akuma na nahigop ng energy orbs.

Muling kumalat ang makapal na usok sa kalangitan. Hindi na nagdalawang isip si Sky na tumakbo ng mabilis. Agad itong tumalon ng mataas para marating ang sanga, malaking tulong sa kan'ya ang sandals na ibinigay sa kanila ni Zandro. Lalo na't hindi pa s'ya marunong lumipad at hindi n'ya pa rin alam kung paano papalabasin ang pakpak n'ya.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Where stories live. Discover now