Chapter 11: Mga Haligi ng Thalia

2K 99 17
                                    

A/N: Ang mga larawan na makikita n'yo sa pahinang ito ay hindi akin at hindi ko inaangkin. Tagalog yan ng maintindihan n'yo. Credits to the owner. Nga pala, sinadya kong ilagay sa taas na ito ang note at hindi sa mga pictures para mabasa agad. Marami kasing bobo ngayon at hindi marunong magbasa kaya mahina ang comprehension. 

Chapter 11

Sky POV

Sinubukan kong sanggahin ang liwanag gamit ang aking kamay ngunit hindi ito gumana at nasilaw pa rin ako. Napapikit na lamang ako sa sobrang liwanag ng paligid.

Naramdaman ko na lamang na tumahimik ang paligid, nagmulat ako. At muli, natagpuan ko ang aking sarili sa kawalan, kaharap ko si Dritan. Wala kang mababakas na emosyon dito tahimik lamang itong nakatingin sa akin. Napalunok naman ako ng wala sa oras.

Humarap ako dito at nagsalita, "ibig sabihin ay simula bata pa lamang ako ay kasama na kita? Ibig sabihin ay ang mga ginagawa ko ay nakikita mo na dati pa?"tanong ko dito.

"Master, kung kanina ay naramdaman mo na matagal mo na akong kilala ay tama ka. Habang lumalaki ka ay kasama mo ako sa iyong katawan, nakasubaybay ako sa mga gabing ikaw ay natutulog. Pinapanatili ko ang iyong kaligtasan sa paraang hindi mo alam.

Ang mga bagay na nakikita mo sa iyong panaginip ay hindi isang bangungot. Bagkus ito ay pasilip sa maaaring mangyari sa hinaharap kung hindi ka magtatagumpay sa iyong misyon dito sa Thalia,"paliwanag nito.

"Misyon? Anong misyon?"tanong ko.

"Hindi mo ba naaalala ang sumpang binitiwan ng Bathala ng Tubig?"tanong nito sa akin.

"Iyon ang aking misyon?"tanong ko dito.

"Ang dahilan lamang nang iyong pagkapadpad dito sa Thalia ay upang talunin mo ang Tartarus sa oras na makalabas sila sa Imperial Seal na ginawa ni Avriel, ang iyong Ina. Pag nagawa mo ang iyong misyon ay tiyak na makakabalik ka na sa iyong mundong pinanggalingan,"wika niya.

Napatango na lamang ako sa kan'yang sinabi. Kung ganon ay no choice pala ako. Wala akong ibang magagawa kundi ang gawin ang misyon na iyan. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Wala ka na bang tanong Master?"tanong nito.

Simpleng tango na lamang ang aking isinagot. Ipinitik n'ya ang kan'yang daliri at lumabas ere ang isang scroll. Iniabot n'ya ito sa akin at nagsalita.

"Kung ganun ay kailangang pirmahan mo ang ating kasunduan kagaya ng pinag-usapan natin kanina,"

Wala naman akong nagawa kundi kunin ang scroll at buklatin ito. Marahan kong binasa ang kasunduan. Tatlo lamang ang nakasulat dito sa kasunduan. Mukhang madali lamang, kagaya ng pangatlong kasunduan. Hindi maaaring umibig ang isang Renkar, jukso kayang-kaya ko to no? At tsaka napaka imposible para sa akin ang umibig dito. Hindi naman sa ayaw ko o ano pa man pero hindi ko lubos na kakilala ang mga nandito. Itaga n'yo sa bato, hinding-hindi ako makakaramdam ng pag-ibig sa isang taga-rito.

"Wala akong panulat, paano ko ito pipirmahan?"takadong tanong ko dito. Mukha namang naintindihan nito ang aking sinabi.

"Ares,"bulong nito at lumabas ang isang maliit na punyal sa kan'yang kamay.

Iniabot nito ang punyal sa akin.

Alam ko na ang gagawin ko, binitawan ko ang scroll at muli lumutang ito sa ere. Gamit ang isang kamay ay marahan kong hiniwa ang aking palad. Mabilis kong itinipat ang aking may hiwang palad sa scroll,agad pumatak ang dugo ko at nabuo ng pangalan ko. Kagaya ito noong nakita ko kay na Papa at doon sa kapatid n'ya noong naglakbay kami ni Dritan sa mga alaala ni Mama.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Where stories live. Discover now