Chapter 40: Asungot at ang Uwak

194 9 0
                                    

Season 2

Chapter 40

Sky POV

Tahimik ang buong palasyo, ngayong araw ay wala si Zandro. Hinahanap ko ito sa mga Dama kanina ngunit ang sinabi lamang nila sa akin ay maaga daw itong umalis para sa isang importanteng bagay. Hindi n'ya ito sinabi kung ano, kaya wala akong clue kung ano ang kan'yang aasikasuhin. Palaisipan tuloy sa akin ang bagay na kan'yang gagawin.

Hindi na in-open sa akin ni Jairus ang mga napag-usapan namin sa beach. Alam n'ya na hindi ko rin ito gustong pag-usapan pa. Nahihirapan ako ngayon sa kalagayan ko. Kung alam kong ganito rin ang mangyayari sa huli ay hindi na ako sumugal pa.

Tahimik...

Napagpasyahan kong maglakad-lakad sa hardin ng palasyo. Napatingin ako sa kalangitan, puno ito ng mga batang Ragona na masayang naglalaro. Napangiti ako, despite of the situation na alam nila may parating na isang unos sa pagkakawala ng mga Heneral ng aking Lolo sa selyo ay nagagawa pa rin nilang ngumiti at maging positibo sa buhay. Isa ito sa maraming bagay na hinahangaan ko sa kanila.

Kagaya dati ay nakaupo ako sa isang bench. Ikinalma ko ang aking sarili, pilit kong hindi iniisip ang nangyari kahapon, ang pag-uusap namin ni Mama, ang mga pinag-usapan namin.

Huminga ako ng malalim at pilit na inaliw ang aking sarili. Sa mga oras na ito ay hindi ko na alam ang dapat gawin. Sobrang gulo ng nangyayari sa aking buhay.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng maramdaman kong may umupo sa aking tabi. Napatingin ako sa taong umupo sa aking tabi, hindi ko ito kilala ngunit namumukhaan ko ito. Siya ang kapatid ng haligi ng Argus. Hindi ko lang maalala ng maayos ang pangalan nito, pero parang Aris, Eros Aeous. Ewan hindi ko maalala.

"Arios ang pangalan ko at hindi Eros," masungit na wika nito. Nakunoot naman ang noo ko.

Teka sa isip ko lang sinabi yun ah!

"Akala ko ay mahilig kang kumalap ng impormasyon dito sa mga nilalang ng Thalia, tamad ka rin pala,"komento nito na parang inis na inis sa akin. Mas lalong napakunot ang noo ko sa mga sinabi nito.

Tinignan ko naman ito ng may halong pagtataka at inis sa aking mata.

Aba bwesit to ah, s'ya nga tong nakiki-upo sa upuan s'ya pa 'tong masungit!

"Pake mo ba? Sayo yung upuan?"masungit na sagot nito. Napasampal na lang ako sa aking noo at napahinga ng malalim.

Tang-ina talaga kung hindi ito Prinsipe ng Argus sinapak ko na to kanina pa!

"Edi sapakin mo! O eto mukha ko!"pagsusungit nito at inilapit pa nito ang makinis nitong mukha sa akin.

Aba gago to, napakayabang!

Muli akong napahinga ng malalim at itinulak ko ang mukha nito palayo sa akin gamit ang aking kamay.

Jusko, ilayo n'yo po ako sa kasalanan. Malapit ng maubos ang pisi ng kabaitan ko sa isang ito.

"Bat ba ang sungit mo, inaano ba kita?"tanong ko na hindi maitago ang pagkairita sa kan'ya.

"Wala ang sarap mo lang inisin, ang cute mo,"straight forward na sagot nito sa akin.

Nakunot naman ulit ang noo ko sa sinabi n'ya. Galawang f*ckboi ang gagong to. Ganitong-ganito ang mga fuckbois sa mundo ng tao. Pero teka, hindi ba bawal sa kanilang mundo ang premarital sex?

"Wag mo akong bolahin baka mabigwasan kita ng isa d'yan!"masungit kong sagot sa kan'ya. Natawa naman ito sa akin, infairness ang gwapo n'ya kapag tumatawa s'ya. Kamukha n'ya si Kaito pero mas gwapo s'ya ng kaunti.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Kde žijí příběhy. Začni objevovat