Chapter 27: Ang Nalilitong Puso

856 47 0
                                    

Season 2

Chapter 27

Sky POV

Nagpaalam ako sa Hari na babalik muna sa aking silid. Agad kong hinila si Jairus patungo sa loob ng palasyo.

"Ay frenny, bakit hindi mo naman sinabi sa akin na marunong ka pa lang lumipad?"paghihimutok nito.

"Baliw, hindi pa nga ako sanay lumipad eh!"depensa ko naman sa kan'ya habang kami ay naglalakad sa pasilyo ng palasyo.

Ang totoo n'yan ay hindi pa talaga ako marunong lumipad, kaya si Dritan ang pinagbasbas ko sa kanila ay alam kong alam niya ang dapat sabihin. Noong binasbasan ko ang isla Luana ay dinidiktahan ako ni Dritan ng aking sasabihin. Literal na wala akong alam sa mga ganitong uri ng bagay. Mahirap magkamali sa pagbabasbas sa kanila, kasi maaring malasin sila buong buhay nila dahil lamang sa mali kong basbas sa kanila.

"Pero alam mo friend ang cool mo kanina nong nasa Angel form ka!"puri pa niya na bakas na bakas sa kan'yang mukha ang paghanga sa nangyari.

Ako naman ay napa-irap na lang.

Mabuti kung ako talaga ang gumawa non, sa ngayon ay kailangan ko munang magsinungaling sa kanila tungkol sa antas ng aking kapangyarihan. Naiisip ko rin na magpaturo kay Dritan kung paano lumipad. Syempre ayoko namang laging umasa kay Zandro at sa Monokubo. Kailangan ko rin na mag grow pa minsan-minsan.

"Sira di ko nga alam kung okay lang yung mga pinagsasabi ko doon eh," pag-aalinlangan ko.

"Oo naman shuta, napaka-powerful mong pakinggan at panoorin kanina. Yung mata mo na ilaw ng color gold, tapos yung pakpak mo kulay gold din. Ang galing! At talagang nakaka-amaze. Sige ikaw na talaga ang star ng pasko dito sa Thalia,"sagot nito.

"Sus, binobola mo na naman ako eh!"biro ko sa kan'ya.

Sa totoo lamang ay napagod ako sa ginawa ni Dritan. Purong Mana ko kasi ang ginamit niya, ngayon tuloy pakiramdam ko ay matutumba ako sa panghihina. Hindi biro ang lakas ng Mana na inilabas ko kanina, hindi pa rin naman ako ganun kabihasa sa pagkontrol sa aking kapangyarihan.

Agad akong pumasok sa aking silid at pabagsak na humiga sa kama. Si Jairus naman ay umupo sa tabi ko. Ipinikit ko ang aking mata at nagpakawala ng buntong hininga.

"Alam mo Jairus, sa totoo lang natatakot ako,"pagbasag ko sa katahimikan.

"Saan naman?"tugon nito.

"Sa maraming bagay, kagaya ngayon. Umpisa pa lang ay masyadong mataas na agad ang tingin nila sa akin. Alam mo yun, nakakatakot magkamali at madapa baka kasi kapag nadapa ako hindi na ako makabangon pa."Makahulugan kong wika.

"Normal lang matakot at ma-pressure Sky, kahit ako ang nasa kinalalagyan mo ay baka ganyan din ang maramdaman ko. Pero lagi mong tatandaan na kahit ano man ang mangyari, nandito lang ako sa likod mo, nakasuporta at naka-alalay sa'yo. Hinding hindi ako mapapagod na patawanin ka, kasi yun lang ang kaya kong gawin. Ang pangitiin ka at pagaanin ang nararamdaman mo. Kasi kapatid kita, hindi man sa dugo ngunit dito sa puso,"makahulugang sagot nito.

Napabangon naman ako sa hinihigaan ko at agad siyang niyakap. Dito ay tumulo ang luha ko, hinayaan ko na lamang na kumawala ang emosyon ko sa aking kaibigan.

Jairus POV

Pansamantala ko munang iniwan si Sky sa kan'yang silid. Matapos itong maglabas ng kan'yang emosyon sa akin ay nakatulog na ito. Hindi na rin naman ako nag-abala na gisingin ito.

Medyo naawa nga ako sa aking kaibigan, dahil lahat ng mga tao ngayon dito ay nakamata sa kan'ya, lahat sila ay nakatutok sa kan'yang gagawin. Nawa'y kayanin n'ya ang pressure na pasan-pasan n'ya.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Where stories live. Discover now