Chapter 6: Azura

2.3K 126 9
                                    

Chapter 6

Sky POV

Naramdaman ko na lamang ang marahang pagtigil ng aming sinasakyan, dahilan para mapabangon ako sa aking hinihigaan. Nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan.

Pumunta ako sa gawi ni Jairus, tulog pa rin ito. Sigurado akong pagod pa rin ito sa ginawa naming pagtakbo kanina.

Hanggang ngayon sa tuwing maiisip kong nasa ibang mundo ako ay hindi ko alam kung seseryusuhin ko o hindi. Kinakabahan din ako, hindi ko alam kung makaka-uwi pa ba kami o hindi. Naiisip ko rin ang magiging reaksyon ng mga magulang namin kapag nalaman nilang nawawala kaming dalawa ni Jairus. Sigurado akong nag-aalala na sila ngayon.

Sa 19 years kong pag-eexist sa mundo never pa akong nakakita ng ganung kalakaking oso at ibon. Matatanggap ko pa kasi yung about doon sa hitsura nila, alam mo na baka nag-mutate lang sila sa ganun. Pero doon pa lang sa ginawa nang lalaking yun kanina ay na kumpirma ko na wala talaga kami sa Earth. Tang*na sa mga fantasy series lang ako nakakakita ng ganoong bagay. Pero infairness ang lupet n'ya don sa part na nagpalabas siya ng apoy sa kamay niya.

"Gising ka na pala!"bati nito sa akin.

Napapitlag naman ako sa gulat ng magsalita ito.

"Ah, ikaw pala kuya! Kagigising ko lang, bumangon ako kasi naramdaman kong tumigil na yung karwahe, dumating na ba tayo sa lugar niyo?"tanong ko dito.

Ngumiti naman ito bago sumagot;

"Tama ang sinabi mo, pumasok lang ako dito para sabihing dumating na tayo sa tribo namin,"sagot nito.

Agad naman akong lumapit kay Jairus para gisingin ito, ngunit biglang nagsalita ang lalaking tumulong sa amin kanina.

"Huwag mo nang gisingin ang kaibigan mo, ako nang bahala sa kan'ya,"wika nito.

At biglang ipinitik ang kan'yang mga daliri at lumutang sa ere ang aking kaibigan.

"Tara na?"aya nito.

Agad naman akong sumunod pababa ng karwahe. Sa pagwahi ko ng kurtinang nakatabing ay nakita ko ang isang napakagandang lugar. Sinalubong ng aking mga mata ang naglalakihang puno, iba't-ibang mga bulaklak ang nakikita ko sa paligid. Marami rin na mga paru-paro na palipad-lipad sa paligid.

"Dito ang daan."Pag-turo nito.

Nakasunod lamang ako dito, minsan ay tinitignan ko ang nakalutang na si Jairus.

Ang weird lang sa pakiramdam.

"Teka, bakit mo iniwan yung kariton mo?"nagtatakang tanong ko dito.

"Hindi kasi pwedeng magpasok ng gamit na hindi sayo sa aming lupain,"hilaw na sagot nito na sibayan n'ya pa ng hilaw na ngiti.

Bahagya akong natigilan at napatitig sa mukha nito. Hindi maipagkakailang gwapo ito, nalalanghap ko rin ang amoy niya at talagang napakabango n'ya. Binawi ko rin agad ang aking pagkakatitig sa kan'ya. Mahirap na no? Baka kung anong isipin n'ya?

'Ano ba itong mga naiisip ko?'

Pinagmasdan ko ng maigi ang paligid, sa tuwing napapatingin ako sa itaas ay may nakikita akong orange usok. Pero kapag pinakatitigan ko naman siya ng matagal eventually nawawala naman siya bigla.

Hay, bahala na nga siya.

Halos ilang minuto rin kaming naglalakad ng lalaki ng tumigil kami sa isang malaking gate. Higante ang gate na ito, lalo na ang mga pader na nakalagay dito, lahat sila ay nagtataasan. Naalala ko tuloy yung isang anime na napanood ko yung Attack on Titans, parang ganitong ganito rin yung wall at gate doon. Ngunit sa palagay ko ay mas malaki at mas mataas ang isang ito. Hindi ko makita ang dulo ng taas nito. Balot na kasi ng ulap ang itaas.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon