Chapter 1: Sky Light Ramos

6.5K 206 26
                                    

Chapter 1

Sky POV

Damang-dama ng aking hubad na katawan ang kalambutan ng kama, gising na ang aking diwa ngunit tinatamad pa rin akong bumangon sa aking hinihigaan. Maraming mga mga bagay ang tumatakbo sa aking isipan, kagaya ng nalalapit naming midterm exam.

Sumasakit ang ulo ko kakareview sa mga subjects na nahihirapan akong intindihin. Well ganun talaga kapag nasa college ka na. Kung honor student ka dati? Pwes ngayon bobo ka na. Marami tulog mo? Ipunin mo na at maraming kakapuyat ang mangyayari sa buhay mo. Bawal ang tatamad tamad sa college, pag hindi ka nagreview literal na babagsak ka at walang pake ang instructor/professor mo doon. Kahit hindi ka magpasa o magpasa ka ng activity mo ay wala rin silang paki-alam ang mahalaga sa mga instructor ay pumasok sa klase niyo. Literal silang walang pake kung makinig ka sa kanila o hindi, basta wag kang magrereklamo kapag nahirapan sa exam niyo.

Ako si Sky Light Ramos labing-siyam na taong gulang, kasalukuyan akong kumukuha ng kursong Hotel and Restaurant Management. May taas akong 5'7, hindi naman sa pagmamayabang pero sabi nila gwapo daw ako. Napapangiti na lang ako kapag naririnig iyon. Lumaki akong may gintong kutsara sa labi. Inshort, mayaman kami. Oh teka muna! Mayaman kami pero di ako mayabang no. Hindi rin ako spoiled brat.

Pinalaki ako ng mga magulang ko na punong puno sa pangaral at pagmamahal. Kahit may inaasikaso sila ay hindi naman sila nagkulang sa pagbibigay ng atensyon sa akin. Sa tuwing aalis sila para umattended ng mga business trips ay nag-uuwi sila ng maraming pasalubong para sa akin. Naiintindihan ko naman sila kung busy sila minsan, kaya sila nagtatrabaho ay para sa akin at masaya akong alam nilang naiitindihan ko sila.

"Sky! Anak! Bangon na at tatanghaliin ka na sa school nyo!"

Napamulat na lamang akong marinig ko ang mga katok at boses ng aking Ina.

Napatingin na lang ako sa orasan sa na nakapatong sa katabi kong maliit na drawer. It's just 6:10 in the morning hindi pa naman ako late, sadyang oa lang si Mama minsan. Agad akong bumangon at iniligpit ang aking kama.

Nagkakamot ng ulo akong naglakad ako upang magtungo sa banyo para maghilamos. Mumukat-mukat ang aking mga mata, halata dito na kagigising ko lang. Napatingin ako sa salamin, marahan kong pinagmasdan ang aking hitsura. Maputi ako at mayroon akong bilugang mukha, matangos ang aking ilong, nagpadagdag pa ang aking biloy sa pisngi at makinis na balat. Napadako ang aking atensyon sa aking mata.

Simula bata pa lang ako ay kulay ginto na ang iris ng mata ko. Ipinaliwanag nina Mama na may rare eye albinism condition ako kaya kulay gold ang iris ng mata ko. Nakakakita naman ako ng normal kahit na kulay gold ang kulay ng iris ng mata ko.

Binuksan ko ang drawer at kinuha ang box na naglalaman ng contact lense.

Dahil sa takot nina Mama na mabully ako ng ibang bata, hindi ko naranasang pumasok sa paaralan noong bata pa ako. Nag-hired na lang sila ng isang private teacher na magtuturo sa akin ng tinuturo sa isang elementary school. Nang sumapit ang high school doon ko napagdesisyonang mag-suot ng contact lense. At doon lang din nila ako pinayagang pumasok sa eskwelahan.

Matapos ang ilang minutong pag-aayos ng sarili ay bumaba na ako para makapag-alamusal. Humalimuyak ang amoy ng ulam sa loob ng bahay na siya namang dahilan para mas lalong matakam ako sa niluto nito. Tumunog ang aking tiyan, indikasyon na gutom na talaga ako.

"Hmm, ang bango naman ng luto ng Mama ko,"ang paglalambing ko sa nanay ko.

Totoo naman kasi ang sinabi ko bukod sa mabango, masarap din kaya nga halos nakaka ilang bulos ako kapag kumakain.

"Hay, naglalambing na naman ang anak ko. Pakiss nga!"nakangiting wika ni Mama sa akin. Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Ma, si Papa po nasaan?"tanong ko. Nagbabakasakali na umuwi man lang ang aking Ama.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora