Chapter 19: Devil Ant Akuma

1.2K 59 11
                                    

Chapter 19

Sky POV

Tahimik lamang akong umiinom ng tubig, ngunit ang aking mata ay naka-focus kay Jairus. Tahimik ang aking kaibigan sa sulok at nakatulala, siguro ay iniisip n'ya ang mga kaganapan kanina.

Kahit ako ang nasa kalagayan n'ya ay ganyan din ang magiging reaksyon ko. Napaka bilis kasi ng pangyayari, parang nong isang araw lang inaabangan lang namin ang Super Blood Moon pero ngayon heto kami nakikipaglaban sa mga halimaw para iligtas ang mga residente ng isla.

Sa oras na ito ay nakatago kami sa loob ng isang higanteng puno. Kanina ay habang nagtatago kami sa malalago at makakapal nitong dahon ay aksidenteng nahawakan ni Jairus ang isang malaking butas na tinakluban ng isang makapal na tela na pinintahan ng kulay ng puno. Kakaiba rin ang amoy ng tela, hindi ko maipaliwanag na mabango na ewan.

Sa palagay ko ay ang espasyong ito ng puno ay ginawang taguan dati ng ilang residente para hindi makita ng mga Akuma. Hindi rin naman naging sekreto sa akin na pangalawang beses na ng mga halimaw na itong atakihin ang islang ito. Noong una ay para higupin at tagtagan ng Mana ang mga taga dito. Ngayon naman ay para gawin silang hapunan.

"Lumapit ka dito Jairus, gagamutin ko ang mga sugat mo." Utos ko dito.

Tahimik lamang na sumunod ito. Iniangat n'ya ang kan'yang mukha, dahilan para makita ko ang mga pasa at galos n'ya sa kan'yang pisngi. May gasgas din s'ya sa kan'yang noo.

Agad kong itinapat ang aking kamay sa mga galos nito. Ramdam ko ang kakaibang init na lumalabas sa aking kamay. Unti-unting naghilom ang mga galos at sugat nito sa katawan. Napapangiwi naman s'ya sa kaunting hapdi dulot ng pagsasara ng mga maliliit na sugat sa kan'yang mukha.

Mabuti na lamang at naisipan ni Dritan na turuan akong manggamot. Ito lamang ang pinakamadali n'yang itinuro sa akin.

"Hubad."Utos ko sa kan'ya.

Kagaya kanina ay tahimik lamang itong sumunod sa aking utos. Tumambad sa akin ang abs nitong hindi pa ganoon ka halata. Sanay na akong makita ang katawan n'ya, maging s'ya ay ganun din sa akin. Ilang beses na n'ya akong nakitang walang saplot kahit ano sa katawan pero wala naman siyang reaksyon doon.

Minsan tinanong ko s'ya kung hindi ba s'ya naakit sa katawan ko ang sagot n'ya lamang ay "Ewww, hindi no! Parang sinabi mo sa akin na may pagnanasa ako sa sarili kong kapatid!"

Wala naman kasing malisya sa aming dalawa ang mga bagay na iyon. Magkapatid ang turing namin sa isa't isa kaya walang problema kahit makita pa namin ang ari ng isa't isa.

Kung tutuusin ay hindi mo mahahalata na bading si Jairus sa kan'yang itsura. Gwapo s'ya at sobrang angas kung pumorma. Mas prefer n'ya kasi ang hindi magcross-dress. Manly s'yang manamit at kumilos kapag nasa campus kami. T'yaka lang lumalabas ang kabaklaan n'ya kapag kasama ako at doon lang din s'ya nagiging expressive sa nararamdaman n'ya.

Hindi rin s'ya masyadong expressive sa ibang tao. Medyo moody din s'ya sa iba. Kung hindi mo talaga kilala si Jairus ng personal ay hindi mo malalaman na lalaki rin pala ang gusto n'ya. Sa mga kaklase namin sa university ilan lang din kinakausap n'ya. Kagaya ng sinabi ko kanina ay hindi talaga s'ya expressive sa ibang tao lalo na kapag di n'ya kaclose.

Mapa crossdresser man s'ya o hindi ay tanggap ko s'ya kung sino o ano pa man s'ya. S'ya ang kalahati ng aking puso kapag nawala s'ya ay para na rin nawalan ng kulay ang bahaghari sa kalangitan. Hindi man kami magkadugo ngunit para sa akin s'ya ay aking kapatid. Mahal na mahal ko si Jairus at hindi ako papayag na mapahamak s'ya.

Maging ang kan'yang iba't-ibang bahagi ng kan'yang katawan ay may mga galos at sugat din. May ilang pasa rin akong nakita kan'yang tagiliran. Muli ay itinapat ko ang aking kamay sa kan'yang mga sugat. Ito ang unang beses na magpapagaling ako ng ibang tao. Sa loob ng dalawang linggo sa dimensyong ginawa ni Dritan ay tinuruan ako n'ya ako ng mga basic magic at techniques na ginagamit naming mga Renkar. Mabuti na lamang at madali kong natutunan ang mga basic. Kagaya ng lagi kong sinasabi nakatulong talaga sa akin ang ginawa naming pagsasanay ni Papa noong bata pa ako.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon