Chapter 26: Sagradong Basbas

968 39 4
                                    

Season 2

Chapter 26

Sky POV

Inabot ng dalawang linggo ang aming misyon sa kanluran. Bago kami umalis sa isla ay binasbasan ko muna ang kanilang isla ng positibong enerhiya upang bumalik ang dating sigla at ganda nito sa takdang panahon. Binasbasan ko rin ang mga residente ng isla upang hindi sila basta makain ng mga halimaw. Nilagyan rin namin ng apat na talisman ang bawat sulok ng isla upang sila ay maging protektado sa mababang uri ng halimaw.

Agad akong nag-inat at mabilis na bumangon sa aking higaan. Espesyal ang araw na ito, dahil kagabi pa lamang ay naghahanda na ang mga kawal at dama para dito.

Mabilis akong gumayak at nag-ayos ng aking sarili. Hindi ko alam kung anong meron ngayon ngunit natitiyak kung may pagdiriwang silang gaganapin mamaya.

Lumabas na ako ng aking kwarto at nagtungo sa silid ni Jairus para sa sunduin ito.

Tatlong araw na ang lumipas buhat ng makabalik kami sa Thalia. Masaya ang Hari sa naging resulta ng aming misyon sa kanluran. Kumalat naman sa buong kaharian sa Thalia ang balita tungkol sa aming misyon sa kanluran. Ninais pa ng Hari na magpahanda ng isang piging para sa katagumpayan ng aming misyon, ngunit tumanggi na ako. Nahihiya ako baka sabihin ng ibang kaharian na bida-bida ako at kini-claim ko lang ang tagumpay ng misyon namin ni Zandro gayong si Zandro naman ang nakapatay sa Reyna at hindi ako.

"Hoy, Jairus anong petsa na? Lumabas ka na d'yan sa loob ng kwarto mo at baka bukas pa matuloy papuntang bayan dahil sa kabagalan mo!"pambubulahaw ko sa labas ng kan'yang pinto.

"Lalabas na!"pabalik na sigaw nito.

Maya-maya ay bumakas ang pinto at iniluwa nito si Jairus, na nakasuot ito ng kulay itim na traditional na damit, may mga kakaiba pang simbolo na nakaburda dito. At sa pang ilalim pa nito ay kulay pulang t-shirt na tinuwangan pa ng kulay brown na pantalon. Maluwag ang ibabang bahagi nito. Common lamang ang suot nitong damit sa mga taga rito.

"Tara na?"aya ko sa kan'ya.

Sabay kaming naglakad dalawa. Ang mga kawal sa pasilyo ay nagbibigay galang sa aming dalawa kapag kami ay nakikita. At medyo hindi ako sanay sa ganitong bagay. Mabilis kaming nagtungo sa bulwagan ng palasyo. Agad naming nakita ang Hari na abala sa pakikipag-usap sa mga bisita.

"Zandro, anong pagdiriwang ba ang gaganapin dito? Bakit parang may fiesta yatang magaganap dito?"tanong ko kay Zandro noong makalapit kami dito.

"Oo, ngayong araw ay gaganapin ang pista ng mga Dragon. Ang aming kaharian ang host ngayong taon sa gaganaping paligsahan ng mga dragon mamaya. Siguradong marami na namang manonood sa paligsahan lalo na't kumalat na sa buong Thalia na kalahok ang dalawang prinsipe ng dalawang dragon clan,"sagot nito.

"Nga pala, mamaya ay pormal kang ipapakilala ni Ama sa buong mamayan ng Thalia. Panahon na siguro para malaman na ng buong mamayan ng Thalia na nandito na ang nilalang na itinakda ng Bathala,"wika nito dahilan para ako ay kabahan.

"Ha? Hindi ba ay kilala na ako ng mga Haligi sa Thalia?"kinakabahan kong sabi.

"Oo, mga haligi sa Thalia at ilang mamamayan pa lamang ang nakakakilala sayo dito. Basta, huwag na lamang ka'yong lalayo ni Jairus, kasi bago mag-umpisa ang paligsahan ay ipapakilala ka muna ni Ama sa lahat. Inaasahan ng aming clan ang iyong basbas para sa katagumpayan ng patimpalak na gaganapin mamaya."Wika niya. Napangiwi na lamang ako sa sinabi nito. Wala rin pala akong takas.

"Sige, ano pa nga bang magagawa ko eh kailangan n'yo pala ng basbas ko? Wala rin naman pala akong choice kundi pumayag,"pagpayag ko.

"Sige, pupunta lang kami ni Jairus sa bayan para maglibot-libot. Ipasundo mo na lamang kami sa mga kawal kapag malapit ng mag-umpisa ang paligsahan,"paalam ko dito. Ngumiti naman ito at tumango bilang pagsang-ayon.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Where stories live. Discover now