Chapter 48: Selos

179 12 0
                                    

Season 2

Chapter 48

Sky POV

Tahimik lamang akong naglalakad, halos ilang puno na rin ang nalampasan namin ni Zandro. Nakasunod lamang ako sa kan'ya. Ngayon ay umaakyat kami sa isa sa mga bundok ng

"Sky, galit ka pa rin ba?"tanong niya sa akin.

"Itanong mo sa Pussy mo!"masungit kong sagot dito at umuna sa paglalakad. Napangiwi naman ito sa aking sagot.

Nabwebwesit ako sa kan'ya kapag naaalala ko ang mga sinabi ni Pussy kanina.

"Wag mo akong tignan ng ganyan mas lalo akong naiinis sayo!"pagtataray ko dito matapos kong mapansin na nakatingin ito sa akin.

"Sorry na honeybunch,"paglalambing nito sa akin.

"Kausapin mo si Pussy sa kan'ya ka mag-sorry!" irita kong sabi sa kan'ya, habang umaakyat ako sa matarik na batuhan.

"Hintayin mo ako Sky!"sigaw nito sa akin dahil masyado na akong malayo sa kan'ya.

Naiinis talaga ako sa kan'ya. Sa tuwing makikita ko ang mukha niya ay hindi ko maiwasang mairita. Gusto ko silang pagbuhuling dalawa ni Pussy.

"Hintayin mo Pussy mo!"sigaw ko dito.

Bahala s'ya sa buhay n'ya!

Hinabol naman ako nito sa pamamagitan ng paglipad. Mabilis ako nitong dinagit at dinala sa ere. Napasigaw naman ako sa gulat. Nagawa ko ring magpumiglas kay Zandro ngunit halatang hindi niya ako bibitawan.

"Ano ba Zandro! Bitawan mo ako! Gago ka!"sigaw ko habang nagpupumiglas sa hawak nito sa akin.

"Hindi, mag-uusap tayo!"matigas na wika nito.

"Aba dapat lang na mag-usap tayo, dahil kung hindi mo ipapaliwanag sa akin ang relasyon n'yo ni Pussy, eh baka i-suggest ko sa Hari na ipakasal na kayo,"palaban kong sagot. Hindi talaga ako nagpapatalo sa argumento.

"Nagseselos ka ba?"tanong nito.

"Hindi, tuwang-tuwa nga ako! Kita mo nakangiti ako!"pamimilosopo ko dito sabay harap sa kan'ya ng nakangiti, bagamat kaya lamang ako ngumiti ay para siya ay inisin.

"Magkaibigan lang kami ni Pussy, ano bang hindi malinaw sayo? Kung iniisip mo yung sinabi niya na hinawakan ko yung dede n'ya as a gratitude of respect ay nagkakamali ka kasi, hindi ko kayang manamantala ng babae. At tsaka nagbibiro lamang si Pussy nong sinabi niya ang mga bagay na iyon. Wag mong seryosohin ang mga bagay na kan'yang sinasabi,"paliwanag niya.

"Ewan ko sa'yo Zandro,"sagot ko dito na hindi pa rin mawala ang inis sa aking ulo.

"Ganoon ba ang pagkakakilala mo sa akin?"tanong nito at nagbago ang ang tono nito at naging malungkot.

Natigilan naman ako saglit sa aking narinig. Narinig ko ang mga buntong hininga nito. Mukhang ako pa yata ang mababaligtad sa lagay na ito. Napairap na lang ako sa hangin at napatingin dito.

Tahimik lamang itong lumilipad habang bitbit pa rin ako. Hindi na rin ako umimik pa kasi nararamdaman kong may masasabi akong hindi magandang salita kapag nagsalita pa ako.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang hugis dragon na talon. Napakaganda nito, sa mismong bibig ng dragon lumalabas ang tubig. Halatang matanda na ang talon na ito dahil sa mga punong matataas at malalaki na nakapalibot dito.

 Halatang matanda na ang talon na ito dahil sa mga punong matataas at malalaki na nakapalibot dito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Where stories live. Discover now