Chapter 69: Ang Ngiti ng Pamamaalam

106 6 0
                                    

Season 3

Chapter 69

Third Person POV

"Ngayon Renkar, mag-isip ka ng mabuti! Ang mga nilalang na ipinagtatanggol ay hindi ka ipagtatanggol! Ang mga nilalang na pinagbubuwisan mo ng buhay ay hindi ka pag-aaksayahan ng panahon na pasalamatan. Mabait lamang sila kapag may kailangan sa iyo, ngunit natitiyak kong kapag wala ka ng pakinabang sa kanila ay isa ka ng basura!"makahulugang wika ni Barbatos sa binata.

"Tigilan mo ako Barbatos! Hindi lahat ng tao ay magkakapareho! Ang lahat ay nagkakamali! Ngunit sana noong sinaktan ka ng tadhana ay lumaban ka at hindi niyakap ito. Alam kong labis kang nasaktan dahil sa mga nasaksihan mo at ginawa ng mga Arke sa pamilya mo. Ngunit sana ay ginamit mo na lamang itong motibasyon. Hindi para maghiganti, ngunit para gumawa ng mabuti. Ang ginawa mong pagganti ay magdudulot lamang sa iyong sarili ng panibagong sakit at tatatak iyan sa puso mo na parang peklat,"makahulugang sagot ng binata sa kan'ya.

Natawa si Barbatos sa sinabi ng binata.

"Walang kabuluhan ang iyong sinabi! Hinding-hindi mo ako maiintindihan dahil hindi mo pa nararanasan ang sinapit ko. At wala kang karapatang pangaralan ako dahil hindi mo nakita kung paano kainin ng mga demonyong iyon ang aking anak!"sigaw ni Barbatos na hindi maitago ang galit sa kan'yang boses.

"Hindi ba't isa ka na ring demonyo ngayon? Mas demonyo ka pa sa mg Arkeng sumalakay sa inyong kagubatan!"sagot naman ng binata.

"Naging demonyo ako para maghiganti sa mga walang utang na loob na nilalang sa Thalia! Ika nga nila kung hindi mo kayang talunin, edi umanib ka sa kanila at tsaka mo sila patayin!"sigaw ni Barbatos. At mabilis itong sumugod sa harapan ng binata.

Sunod-sunod na suntok ang kan'yang pinakawalan. Agad naman itong sinalag ni Sky gamit ang kan'yang kamay. Isang malakas na sipa sa dibdib ang kan'yang ginawa kay Barbatos dahilan para mapaipod ito ng bahagya. Agad nakabawi si Barbatos, mabilis niyang sinugod at sinuntok ang binata. Nagliwanag ang kamao ni Barbatos, ang lupang tinatamaan ng kan'yang atake ay nawawasak. Ang mga bato at lupa ay nadudurog at nagiging mapino.

Isang malakas na sapak ang natanggap ni Sky sa kan'yang kanang pisngi dahilan para tumalsik siya at sumadsad ang katawan sa lupa. Nagdulot ito ng mahabang uka sa lupa. Agad siyang lumipad patungo sa kinatatayuan ni Barbatos. Sunod-sunod na atake ang pinakawalan niya.

Nagliwanag ang pakpak ni Barbatos at naglabas ng maraming sumasabog na shards. Mabilis na umiwas si Sky, ngunit ang mga shards ay mas mabilis dahilan para bumaon ang ilan dito at sumabog sa kan'yang katawan.

Umusok ang katawan ni Sky at nagtamo siya ng maraming pinsala dulot ng pagsabog. Tumulo ang dugo sa kan'yang hita, naging mabagal na ang kan'yang recover. Umusok ang kan'yang mga sugat ngunit hindi nagsara ng maayos.

"Sumuko ka na Renkar! Uulitin ko sayo na wala kang kakayanan na tapusin ako! Oo maaaring magalusan at mabigyan mo ako ng pinsala ngunit hindi mo ako mapapatay sa malamya mong pag-atake,"nang-aasar na wika ni Barbatos.

"Kailan man ay hindi ako susuko! Tatalunin kita kapalit man nito ang buhay ko!"sigaw ni Sky sa kalaban. Determinado si Sky na talunin ang kalaban kahit ang kan'yang Mana ay malapit ng maubos.

"Sana'y namuhay ka na lamang ng normal, sana ay ginugol mo ang buhay mo sa paglimot ng masasamang alaala ng nakaraan. Maaaring naging masaya ka sa ulit kung tamang landas ang tinahak mo. Sana ay hindi mo na ginawa ang mga bagay na ito. Mabuti kang tao Barbatos, nakikita ko iyon sa iyong mata. Ang mga bagay na ito ay maaari mo pang maitama. Pakiusap sumuko ka na,"makahulugang kumbinsi ni Sky sa kalaban.

Iniaabot niya ang kan'yang kamay dito. Tinignan ito ni Barbatos at nag-isip.

"Huli na ang lahat Renkar marami na akong napatay na inosenteng tao. Baliwala na kung ititigil ko pa ang kabaliwang ito!"sagot ni Barbatos.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Where stories live. Discover now