Chapter 10: Paalam Anak!

1.8K 110 3
                                    

Chapter 10

Third Person POV

Bumangon si Sariel sa mula sa pagkakasadsad sa lupa. Luminga-linga ito sa paligid at nakitang wala na ang kalaban. Pumikit ito at nakiramdam. Hindi na niya dama ang presensya ng mga kalaban, wala na sila sa Thalia. Nakabalik na ito sa Tartarus at sigurado siya doon. Namataan niya ang kan'yang mag-ina na nakahandusay sa lupa. Mabilis siyang tumakbo sa kinaroroonan nito.

Naabutan niya ang kan'yang asawa at anak na duguan. May kulay violet na bagay din na bagay ang kumakalat sa kan'yang mga ugat. Agad niyang hinawakan ang kan'yang anak. Malamig na ito. Pinakiramdaman niya ito.

"Hindi—hindi pa kayo pwedeng mamatay!"natataranta nitong sabi.

Bakas sa mukha niya ang takot.

Hindi niya kakayanin kung may masamang mangyari sa kan'yang asawa at anak.

"Anak, nandito na si Tatay!"ang kan'yang mga luha ay kumawala na.

Ang mga Dyablo ay hindi umiiyak, hindi sila nakakaramdam ng mababang emosyon kagaya ng pagmamahal. Kaya naman ng maramdaman niya ito sa kan'yang asawa na si Avriel ay hindi na niya pinakawalan ito.

"Kurai,"bulong nito at dito lumabas ang isang itim na anghel. Naka mantong itim ito at hindi mo makikita ang mukha.

"Tulungan mo akong alisin ang mga lason sa ugat ng asawa at anak ko!"

Nabalutan ng lilang liwanag ang katawan ng dalawa. Muli niyang nilapitan ang kan'yang anak ngunit wala ng pintig ang puso nito. Napasadlak naman sa kinauupiuan niya si Sariel at napaiyak ito. Tuliro ang kaniyang isip. Ang kanyang puso ay parang pinipiga sa sakit. Hindi niya alam ang gagawin.

Hingal na hingal na bumangon si Avriel mula sa pagkakahiga sa lupa. Kinapa niya ang dibdib niya, sarado na ang sugat nito. Wala na rin ang mga dugo na nakakalat sa kan'yang suot na damit.

Agad napabaling ang kan'yang atensyon sa kan'yang anak. Nakapikit ang kan'yang anak. Lumapit siya dito at hinawakan ito. Naramdaman niya ang lamig nito.

"Dritan!"bulong nito at biglang nagsulputan ang mga nagliliwanag na maliliit na ibon at naipon sa gitna at naging tao.

"Gamutin mo ang aking anak!"utos nito.

Balot ng kaba ang dalawa. Hindi nila alam, ngunit takot silang baka hindi na mumulat ang kanilang anak. Hindi nila alam ang gagawin kapag nangyari ang bagay na ito.

Ramdam din niyang parang hindi na humihinga ang kanilang anak. Ngunit nilabanan niya iyton at isinawalang bahala, para sa kan'ya ay imahinasayon lang yun at hindi yun totoo.

Nagliwanag ang Familiar at maya-maya ay umiling ito.

"Patawad Master, ngunit hindi natin saklaw ang bumuhay ng patay,"sagot ng Familiar.

"Bawiin mo ang sinabi mo hindi pa patay ang anak ko!"sigaw nito sa Familiar.

"Patawarin mo ako Master, ngunit patay na talaga ang anak mo,"

"Sariel—Sariel gawan mo ng paraan to?"pag-susumamo nito at napaluhod na lang ito sa pag-iyak.

Lumapit si Sariel sa asawa, si Avriel ay yakap yakap ang kanilang anak. Napahagulhol na lamang ang babae sa sinapit ng kaniyang kawawang anak. Hindi niya inaasahang madadamay ang kanilang anak sa digmaang na wala naman itong kinalaman.

"Dritan, balutin mo ng sagradong liwanag ang anak ko upang hindi makuha ni Kamatayan ang kaniyang kaluluwa."umiiyak na utos nito.

Tumango ito at kinuha ang walang buhay na sanggol, nagliwanag naman si Dritan at nawala sila ng bata. Nawala na rin si Kurai, naglaho ito kasama ng mga anino.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Where stories live. Discover now