Chapter 35: Tungkulin o Pag-ibig?

299 21 0
                                    

Season 2

Chapter 35

Sky POV

Sunod-sunod na atake ang aking pinakawalan, ngunit agad naman iyong naiwasan ni Dritan. Walang kahirap-hirap niya itong naiiwasan.

Sh*t kahit isang energy ball ay hindi ko siya magawang matamaan. Napakagaling talaga niyang umiwas.

"Master, wag kang tatang* tang* nasa gitna ka ng laban kung ano-ano ang iniisip mo!"pangaral nito sa akin at bigla akong sinipa ng malakas sa aking kalamnan. Napa-igtad naman ako sa sobrang sakit ng kaniyang pag-sipa.

Parang kometang bumulusok ang aking katawan sa lupa sa lakas ng pinakawalan niyang atake.

"Arrghh!"ungol ko. Matapos maramdaman na napuruhan ang aking likurang bahagi.

Kusang naghilom ang aking likuran, narinig ko pa ang lagutukan ng aking buto. Mabuti na lamang at hindi napuruhan ang aking pakpak.

Isa pa rin ito sa mga problema ko hindi ko mapatagal ang pakpak kong naka-bukas sa aking likuran. Kusang nawawala ang pakpak ko kapag umabot na ito ng isang oras na nakabukas. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa mahina pa ako at hindi pa sanay sa paggamit ng aking mga pakpak o dahil pa ito sa ibang bagay.

Mabilis akong tumalon sa ere kasabay noon ang pagbukas ng aking mga pakpak. Sa ngayon ay tatlong pares pa lang ng pakpak ang meron ako. Ibig sabihin ay tatlong beses akong mas malakas sa normal na angel.

Sumigalpot ako ng lipad sa kinatatayuan ni Dritan. Agad ko itong binato ng energy ball, sunod-sunod ang aking pinakawalan, ngunit kagaya kanina ay naiiwasan lamang niya ito. Bwesit kung ganito s'ya kagilas umilag sa mga atake ay hindi man lang ako makakatama sa kan'ya miski isa.

"Masyadong pa-basta ang iyong pag-atake. Kapag naka-harap mo na ang Heneral ng Kadiliman at ganyan ka pa rin makipaglaban. Sigurado akong matatalo ka nila agad ng walang kahirap-hirap,"wika nito at nagpakawala ng isang malaking energy ball patungo sa aking kinatatayuan.

Sinubukan ko naman itong iwasan ngunit parang may sarili itong pag-iisip na sumunod sa akin hanggang ako ay tamaan.

Muli naman akong bumulusok pababa at kagaya kanina ay bumagsak ako sa lupa. Nakita ko naman si Dritan na pababa, mula sa aking kinatatayuan. Kasabay ng kan'yang pagbaba ay ang pagsarado ng malalaki niyang pakpak. Iniabot nito ang kaniyang kamay sa akin, agad ko naman itong tinanggap.

"Kaunti pang pagsasanay Master, kaunti pa. At kaya mo na akong matalo sa ating mga ensayo,"wika niya. At ako naman ay umupo ng maayos. Masakit ang katawan ko dulot ng aming mga pag-eensayo sa pakikipaglaban.

Hindi naman ako nagrereklamo kasi para rin naman ito sa aking ginagawa ko. Sa totoo lang ay ako pa mismo ang mismong nag-request Medyo mahirap lang humabol sa kan'ya pagdating sa pakikipaglaban. Para kasi s'yang si Papa napakagaling pagdating sa pakikipaglaban.

Umupo ito sa tabi ko.

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa, marahil ay pareho kaming napagod sa ginawa naming pag-eensayo.

Damang-dama ko ang malamig na hangin humahampas sa aking balat.

Payapa, isa rin ito sa mga nagustuhan ko sa mini-world na ginawa ni Dritan. Iginala ko ang aking mata sa kalangitan, may mga ibon na lumilipad dito. Halos malapit na rin maggabi dito sa Mini-World na ito.

Minsan iniisip ko, bakit kailangan pang maganap ang digmaan, hindi ba pwedeng panatilihin na lang nila ang katahimikan at kapayapaan sa kani-kainlang lahi. At anong point nila para magsimula ng digmaan? Hindi ko talaga maintindihan.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Where stories live. Discover now